bc

Sinful Jake (COMPLETED)

book_age0+
2.2K
FOLLOW
8.2K
READ
dark
sex
neighbor
drama
twisted
sweet
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxb
mxb
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Jake came from a conservative family. Growing up, he knew there was something wrong with him but scared to tell anyone. Saan aabot ang kanyang pagpapanggap? Paano niya tutuklasin ang kanyang tunay na sarili? Ano kayang mga kasalanan ang kanyang magagawa?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Lumayas ka sa pamamahay ko! Wala kang kwentang anak! Isa kang malaking salot!" nanggigigil na sigaw ni Papa kay Ate. Umaapaw ang tensyon sa bahay. Hindi ko magawang kumilos sa takot na ako ang mapagbalingan. Nakapagtatakang walang ginagawang aksyon si Mama para ipagtanggol si Ate. Nakalihis lang ang kanyang ulo na tila ayaw sumawsaw sa kaguluhan. Gusto kong makisali. Pero paano? Sa edad kong katorse, namulat na ako sa ganitong sitwasyon – ang laging mamuhay sa takot dahil sa aking ama. Dapat siya ang laging masunod dahil kung hindi, hindi mo gugustuhin ang pwedeng mangyari. "Bakit ba hindi niyo ako matanggap?!" buong tapang na tanong ni Ate. Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata dahil sa umaapaw na emosyon na nararamdaman. Humakbang si Papa, tiim-bagang. "Dahil... Dahil wala akong anak na tomboy!" aniya na may diin sa bawat salita. Hindi ko namalayan na lumuluha na rin ako. Lumuluha dahil sa awa sa kondisyon ni Ate? Hindi. Marahil dahil sa galit kay Papa. Oo, tama. Tumawa si Ate ng bahagya. Tila nang-iinsulto. "Tomboy... Ha! Oo, tomboy ako! Pero hindi naman ako kasing kitid ng utak mo! Na mismong anak mo, hindi mo magawang matanggap! Buti pa ang ibang tao, naiintindihan ako. Pero ikaw?! Ikaw na mismong kadugo ko – na ama ko – hindi ako magawang matanggap?!" singhal ni Ate na parang nagliliyab sa galit. "Aba!" Aktong sasampalin ni Papa si Ate dahil sa galit. "T-Tama na E-Eduardo..." narinig kong mahinang sambit ni Mama. Sa wakas, nagkatinig din siya. "T-Tama na rin A-Ashley... T-Tama na..." naluluhang sabi muli niya. Kitang-kita ko ang pagkabasag ng puso ni Mama dahil sa kanyang nakikita. Ang kanyang dugo't laman, lumalaban sa kanyang ama. Kahit ako, nawawasak... Natatakot sa posibilidad... Na ganyan din ang kahinatnan. Kagat-labing huminga si Ate, pilit kinakalma ang sarili. "Hinayaan mo ang anak natin na maging ganyan! Isang salot sa lipunan! Ano'ng maitutulong ng tulad niya?! Sabihin mo nga!" muling bulyaw ni Papa at saka dinuro sa noo si Ate. "Mabuti pa siguro na lumyas ka na lang. Lumayas ka na lang kung hindi ka lang din magbabago." Napalunok si Ate at saka napayuko. Nakayukom ang kanyang mga kamao. "Ashley, sundin mo na lang ang gusto ng Papa mo. Magbago ka na... May pag-asa pa," pagmamakaawa ni Mama pero hindi magawang tingnan si Ate. Ano bang problema? Ano bang mali? Ano bang kasalanan? Hindi siguro 'yan ang dapat na mga tanong. Kailan? Kailan ba matatanggap? Tumingin si Ate sa mga mata namin. Nakangiti. Pero alam kong peke. "Hindi. Hindi ako magbabago. Nanaisin ko pa ang lumayas dito kaysa gawin ang hinihiling niyo. Ipinipilit niyo ang isang bagay na hindi ko maibibigay. Ganito na ako at walang magbabago roon. Kung may kailangang magbago rito, kayo 'yon," aniya at binuhat ang bag na nasa kanyang paanan. Humakbang siya patalikod at akmang lalabas na ng bahay. "Patawad anak at pinabayaan kitang magkaganyan," lumuluhang sabi ni Mama. Hindi siya kumikilos para pigilan si Ate. Bakit? Dahil ba hindi niya kayang ipagtanggol si Ate? "Hindi, Ma. Hindi mo kailangang humihingi ng tawad. Hindi ako ang nagpabaya. Kayo ang nagpabaya. Pinabayaan niyo ang mga sarili niyo na lamunin ng mentalidad ng lipunan na akala niyo ay laging tama. Tama ang pagpapalaki niyo sa akin. Mali lang sa inyong inaasahan," ani Ate at hinawakan ang knob ng pinto. "Sa oras na lumabas ka sa bahay na ito, hindi na kita ituturing na anak. Tandaan mo 'yan," pagbabanta ni Papa. Tumawa ng bahagya si Ate. "Okay lang. Dahil nawalan na rin naman ako ng Ama... Matagal na." huling sambit niya bago niya isinara ang pinto na nag-uugnay sa amin. "Ashley... Ashley..." paulit-ulit na sambit ni Mama hanggang sa mapaluhod dahil sa panghihina. Naglakad papunta sa akin si Papa. Kita ko ang galit at awa sa kanyang mga mata. "Kung ayaw mong magaya sa ate mo, sundin mo lang kami," paalala niya at saka lumisan sa aking harapan. Paano Papa? Kung pati ako... naiiba rin sa inyo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
236.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.2K
bc

NINONG II

read
631.2K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
35.2K
bc

The Sex Web

read
151.1K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook