Ibang-ibang araw ang dumating sa akin ngayon. Walang Arthur na makakasabay sa pagpasok. Wala makulit na makikipagkwentuhan sa kanyang hilig sa horror movies sa akin. Parang nag-iba kaagad ang mundo ko sa isang iglap – sa isang halik ng katotohanan. Katotohanan na hanggang magkaibigan lang pala talaga kami. Ang daan na dapat ay sabay naming binabagtas papasok sa pamantasan, ako na lang ngayon ang tumatahak. Wala na si Arthur sa tabi ko. Psychology class, wala siya. Wala rin kaming professor. Sa ganitong oras, lalabas dapat kami at kakain na lang hanggang sa magsimula ulit ang susunod na klase. Wala akong makausap, bukod kasi sa kanya, wala na akong ibang ka-close na kaklase ko. Mahirap talaga masanay sa isang bagay dahil hindi mo alam kung kailan ka maghahanda sa kanyang pagkawala. Nas