Nakakasilaw na liwanag ang sumambulat sa akin paggising. Papungay-pungay ang mga mata kong tiningnan ang buong paligid. Isang aparato ang nasa gilid ko. May dextrose din na kumukonekta sa aking kamay. Nasa ospital ba ako? Sinubukan kong tumayo pero hindi pa kaya ng katawan ko. Bakit ako nandito? Pero ang mas malaking tanong, paano ako napunta rito? I tried to fix myself pero masakit ang mag-isip. Hindi ko maalala kung ano’ng ginawa ko bago ako mapunta rito. Hindi ko rin magawang alalahanin dahil sumasabay pa itong hilo at sakit ng ulo ko. Maybe I just need to relax and try to figure out kung ano ba ang nangyayari. Nakarinig ako ng mga usapan mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ko gaanong maulinagan ang sinasabi nila dahil halos bulong na lang ang naririnig ko. “Okay, doc. Thank you,” an