Mahigit isang oras na kami nag-iikot sa mall pero hindi ko pa rin maramdaman ang presensya ni Arthur. Tahimik pa rin siya tulad kanina, walang ni isang salitang binibigkas. Hindi ko naman magawang kausapin siya tungkol sa kanyang problema dahil mailap siya. Umakbay ako sa kanya tulad ng isang kaibigan. Delikado na kung may makakahalata sa amin. Ngumiti siya sa akin pero nagpatuloy sa pagiging tahimik. “Kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sa akin. Para na tayong magkapatid, ‘di ba?” saad ko. “Maraming salamat, Jake. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko, e. Nalilito na kasi ako kung ano bang gagawin ko. Masyadong masakit,” aniya na tila dismayado. “Ano ba kasing problema? Baka naman matulungan kita.” Medyo naguguluhan na rin ako sa nagiging turan niya. Umiling siya. “Saka