CHAPTER FIVE

1137 Words

Tipikal na umaga para sa tipikal na araw ng Sabado. Tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga dahil wala namang pasok. Sa mga ganitong klaseng araw, halos ako lang ang natitira sa dorm. Wala naman kasi akong plano tuwing Sabado maliban na lang kung may mag-aaya. Pagbaba ko sa hagdan, nadatnan ko si Artur na nagkakape. Siguro wala rin siyang balak lumabas ng dorm ngayon – o sa ngayon? Lumapit ako sa kanya at dinaluhan siya sa sofa. “Magandang umaga,” ani ko. Matipid siyang ngumiti. Hindi ‘to pangkaraniwan sa kanya. “Hmmm. May problema ba?” tanong ko. Marahan siyang humigop sa kapeng hawak niya at inilapag pagkatapos. Napunan kami ng katahimikan. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. Marahil nga ay may problema. “Hindi ka ba lalabas ngayong Sabado? Hindi ako sanay na nandito ka,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD