CHAPTER NINETEEN: Boiling Water Mabigat ang mga paa kong inihakbang sa harap ng unibersidad. Sa pagkakataong ipasok ko ang mga paa ko, paniguradong nakaabang na ang mga mapanghusgang mga mata ng tao. Lumunok ako ng laway at huminga ng malalim. Diretso ang tingin ko habang nakatiim-bagang. Halos lingunin ako ng lahat saka biglang magbubulungan. Hindi ko man sila direktang nakikita pero nararamdaman ko kung paano nila ako pandirihan. Gusto ko sila isa-isang lapitan para magpaliwanag. Gusto kong idepensa ang sarili ko mula sa kanila. Pero sino nga ba ako para pakinggan nila? Hindi ko akalaing aabot sa ganito ang lahat. Iba talaga ang tsismis kapag sikat na tao ang nadamay. Parang epidemya na mabilis manghawa. Sa paglalakad ko, nakasalubong ko ang isang grupo ng mga estudyante, mga engin