CHAPTER SEVENTEEN: Upside Down Hindi ko na nagawang magpaalam sa mga ka-dorm ko dahil isinasama na ako nila Mommy pauwi. Ayaw na nilang mamalagi pa ako rito ng mas matagal. Nakausap na rin nila si Manang na aalis na ako ng dorm. Tiningnan kong muli ang kwarto ko sa huling pagkakataon kung saan ako namulat sa katotohanan ng mundo, kung saan ako pansamantala naging masaya at malayo bago bumalik sa aking dating balwarte. Dito ko mas nakilala ang sarili ko. Masakit pero kailangan kong kalimutan ang sarili kong iyon at bumalik sa Jake na naguguluhan kung sino at ano ba siya. Nakita kong sumilip si Eugene nang maglakad ako sa hallway papuntang hagdan. Blangko ang kanyang mukha marahil sa kahihiyan. Wala ni isang salita siyang sinabi at mabilis na sinara ang pinto ng kanyang kwarto. Napaluno