CHAPTER SIXTEEN: I’m in Big Trouble Bumukas ang ilaw na nagbigay ng liwanag sa buong kwarto upang makita ang itinatago nitong lihim. Mula sa aking posisyon, kita ko ang dalawang pares ng mga mata – pares ng mga mata na ngayon ko na lang ulit nakita. Hindi agad ako nakakilos sa aking posisyon. Parang panaginip lang... sana panaginip na nga lang ang lahat. “Jake?!” Mula sa tono ng kanyang boses, nakapagtatakang kalmado siya. Hindi ko inaasahan na gano’n lamang niya tatawagin ang aking pangalan. Kita ko mula sa likod ng lalaking nagsalita ang isa pang gulat na babae. Tikom ang kanyang bibig pero alam kong ikinahihiya niya ako dahil sa kanyang nakita. “Dad? Mom?” tanging bulalas ko nang mahagilap ko ang aking boses. Maging si Eugene ay nagulat sa pagsulpot ng aking mga magulang. Ni wal