CHAPTER THIRTEEN: No Place like Home Isang mahigpit na yakap ang nagwalis ng aking pangungulila. Matagal ko siyang hinanap at dito ko lang pala siya mahahanap. Tunay ngang maliit ang mundo. Heto na siya at nasa harapan ko mismo. “Ate...” iyak ko habang yakap siya. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko. Hindi na rin niya siguro maalala ang mukha ko dahil malaki na ang pinagbago pero hindi naging hadlang ‘yong upang hindi niya ako makilala. Sumagot din siya ng isang mahigpit na yakap hanggang sa marinig ko ang mga hikbi niya. “Jake...” paanas niyang sabi. ‘Yong boses niya, hindi pa rin nagbabago. Malambing pa rin. Wala akong pakialam kung may makakita man sa akin at magtaka. Basta ang alam ko, masaya na ako... ulit. “Jake...” aniya muli sa pagitan ng mga luha. “Thank you, Art.” Ngumiti