CHAPTER FOURTEEN: Invading me. Nagpaalam na ako kay Ate na kailangan ko ng umuwi dahil kailangan ko ring magpahinga. Hiningi ko na lang ang numero niya para kung sakaling gusto kong pumunta sa bahay niya ay maabisuhan ko siya. Hindi na lang ako nagpahatid kay Ate dahil kailangan niya ring asikasuhin ang kanyang negosyo. Nag-alok naman si Arthur na ihahatid niya ako hanggang sa kanto ng dorm upang matiyak na ligtas akong makakauwi. Mainit na ang tainga ko at amoy alak na rin ang hininga ko. Parang sumasayaw rin ang paningin ko kahit na anong pokus ko sa tinitingnan ko. Tiyak ngang lasing na ako. Medyo naparami rin kasi ang inom ko dahil sa masayang kwentuhan namin. Nawili ako masyado dahil ngayon ko lang ulit nakita si Ate. Sampung taon ring pangungulila iyon. Masaya akong makita siya