Stalk

2869 Words
[Athena’s] “I am going to propose to Mayumi…” Hindi ko naituloy ang gagawin ko sanang pagpulot sa roasted almond na pinapapak ko nang marinig ang sinabi ng pinsan kong si Justin Mijares. Kasalukuyan silang nandito sa bahay para mag-inuman habang pinag-uusapan ang panibagong project na nakuha ng Mijares Trine. My only brother, Hector Mijares, is also an Engineer and he is working in Mijares Trine. “I already proposed. I am just waiting for her to accept it,” sambit naman ng pinsan ko at kapatid ni Justin na si Jace Mijares. Agad na nilipat ko ang tingin sa isa pa nilang kapatid na si Jared. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay nagsalita na rin siya. “Well, I’m already done with the proposal. Just so you know… I am still the eldest here…” sambit ni Jared na tinitingnan ng makahulugan sina Jace at Justin na mukhang pareho namang walang pakialam sa sinabi niya. Seriously, these bastards?! Talagang dito pa harapan ko nag-usap-usap tungkol sa love life nila! “How about you, Hector? Baka naman may entry ka rin d’yan? Sabihin mo na…” nanliliit ang mga matang utos ko sa kapatid ko. Nagkibit balikat si Hector bago kinuha ang vape sa table at humithit doon at binuga ang usok sa harapan pa namin mismo kaya kulang na lang ay batukan ko siya. Hector is almost five years younger than me and we don’t really get along well! “I don’t even have a girlfriend, Ate. Kanino ako magpopropose ng kasal?” sarkastikong sagot ni Hector at muling humithit na naman sa vape niya. “Propose to your newly purchased big bike, bastard…” natatawang biro ni Jace. Minura siya agad ni Hector. Tumaas ang kilay ko. “Why? ‘Wag mong sabihing hindi ka pa nakaka move on sa Queenie na ‘yon, Hector? Get your shìt together!” iritadong sita ko sa kanya. Pagkatapos siyang i-two time ng babaeng iyon kasabay ng kuya ng matalik kong kaibigang si Yumi ay mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakahanap ng kapalit! “I’m over her, Ate. So, there’s really nothing to fret about. Just mind your own love life…” reklamo niya at saka nagbukas ng beer. “Athena doesn’t have a love life though,” mabilis na sambit ni Jace kaya nagtawanan silang apat! Gigil na tumayo ako at tiningnan sila ng masama. “Tingnan ko lang kung hindi kayo mawalan ng love life kapag sinend ko sa mga girlfriend n’yo ang mga videos n’yo kapag lasing!” pananakot ko pa pero mas lalo lang silang nagtawanan kaya pikon na pikon ako. Mabilis na pumasok ako sa loob ng bahay at in-off ang wifi connection sa labas! Narinig ko pa ang mura nilang lahat dahil alam kong naglalaro sila ng online games at nagpupustahan kapag nagsasama-sama sila dito! “Ate! Damn it!” narinig ko pang reklamo sa akin ni Hector pero hindi ko na siya pinansin at tuloy-tuloy na umakyat sa itaas pero agad akong natigilan nang makita si Daddy na pababa naman mula sa itaas. Seryosong-seryoso ang tingin niya sa akin dahil hindi ko sinipot ang date namin ng anak ng kaibigan niya. The guy is a doctor and from a family of doctors. Pero dahil busy ako sa trabaho ay nakalimutan ko ang date naming dalawa. Halos hindi ako makahinga ng maayos habang pinapanood si Daddy na palapit sa akin. “Good evening, Dad…” bati ko sa kanya kahit na kabadong-kabado ako dahil seryoso siyang nakatingin sa akin. “What are you going to do this coming weekend, Athena?” seryosong tanong niya. Napasinghap ako at hindi agad nakapagsalita. Huminto siya sa paglalakad pababa sa hagdan nang halos isang dipa na lang ang pagitan naming dalawa. “I’m asking you, Athena…” mas mariing ulit niya nang hindi ako nakapagsalita. Napalunok ako at humigpit ang hawak sa railings ng hagdan. “Dad–” “Set aside anything that you have to do this coming weekend and meet Dr. Lucero’s son,” mariin at seryosong sambit niya kaya mas lalo akong napamaang. “Pero, Dad–” “I already made an excuse for what you did last time, Athena. I am hoping that you wouldn’t do something to humiliate your Dad for the second time,” mas mariing bilin niya habang seryosong-seryoso ang tingin sa akin. Hindi ako makapagsalita at basta na lang napayuko dahil mukhang kahit na anong gawin ko ay hindi ko na mapipigilan ang plano niya na ipakasal ako ngayong taon o sa susunod. Ilang taon na rin na wala akong boyfriend dahil ang mga nakaka-date ko ay nawawalan ng gana dahil sa nature ng trabaho ko. Madalas ay kahit weekends ay may trabaho pa rin akong ginagawa kaya halos wala talaga akong oras sa mga lalaki. At ngayong taon ko sobrang naramdaman ang pressure sa pag-aasawa lalo na kanina na narinig kong balak na ni Justin na magpropose kay Yumi. Kaedaran ko lang si Yumi at siguradong makakapag-asawa na siya dahil kilala ko ang pinsan kong si Justin. Kapag sinabi niya ay siguradong gagawin niya. Bumuntonghininga ako at laglag ang mga balikat na pinagpatuloy ang pag-akyat sa itaas para magkulong sa kwarto. To be honest, I don’t know what’s really going on with my life. Pagkatapos kong iwanan ang pagiging doktor, ilang taon na ang nakalipas para piliin ang passion ko, ay halos nakalimutan ko na kung paano makipag-date ulit. At hindi iyon dahil hanggang ngayon ay brokenhearted ako sa ginawa ng ex-boyfriend ko at ng bestfriend niya sa akin. Matagal ko nang natanggap na hindi talaga kami ang para sa isa’t-isa kahit na inabot din kami ng apat na taon na naging mag-boyfriend. It’s just that… I can’t find someone who would make me stop working and just think of him. Kaya rin tumigil ako sa pakikipag-date dahil palagi na lang nauuwi sa wala ang lahat. And I know that it’s not because of them. It was because of me. There is nothing wrong with those guys that I’ve dated. Talagang ako lang itong mukhang walang interes na makipagrelasyon ulit. And it sucks because recently, I am starting to think of my future. Gusto kong magkaroon ng sarili kong mga anak. I love kids. At kung hindi pa ako magsisimula na maghanap ng mapapangasawa ngayon ay kailan pa? I am already thirty six. I am turning thirty seven next year! Mukha lang akong bata at maganda pero ang matris ko ay hindi bumabata! “Diyos ko! Pwede bang anak na lang ang ibigay mo sa akin, Lord? Ang hirap kasing maghanap ng mapapangasawa!” bulalas ko pa bago tuluyang humiga sa kama para matulog. Dumating ang weekend at hindi ko inaasahang sobrang aga pala ng sinabi ni Daddy na date namin ng Dr. Lucero na ‘yon. According to my Dad, he is a pediatrician. Kahit papaano ay naging palagay ang loob ko dahil mukhang magugustuhan ko naman siya dahil pareho kaming mahilig sa bata. Pero patapos na kaming kumain ay hindi ko pa rin maramdaman ang excitement habang kausap siya. Para sa akin ay hindi mukhang date ang ginagawa namin. We just basically talked about his patients and I am losing interest as he continues talking. “You’re a doctor too, right? What is your specialization again?” tanong niya. Halos pigilan ko ang sarili ko sa paghikab. Puyat na puyat pa naman ako kagabi dahil may in-edit akong mga articles para sa magazine namin. “I’m a dermatologist,” sagot ko at pilit na ngumiti sa kanya. Tumango siya at tinanong kung bakit ko iniwan ang profession ko. Pinaliwanag ko naman sa kanya pero mukhang hindi niya totally nakuha ang punto ko. Sino ba naman kasing mag-aaral ng ilang taon at maghihirap na makapasok sa medical school pagkatapos ay iiwanan na lang basta ang propesyon? Of course, hindi lahat ay maiintindihan iyon pero wala naman akong pakialam sa kanila. This is my life and I will do what I want and what makes me genuinely happy. Kahit pa sobrang layo iyon sa talagang profession ko. Marami pang sinabi ang ka-date ko pero dahil mukhang wala naman siyang interes sa passion ko ay nawalan rin ako ng interes sa kanya. He was asking when we are going to go out again but I didn’t say anything. Siguro ay doon pa lang ay alam na niyang walang chance para sa susunod pang date! At dahil malapit ang restaurant kung saan ako nakipag-date sa Young Bucks Society Building ay nagpasya akong dumalaw sa matalik kong kaibigang si Yumi. Pero habang naglalakad ako palapit sa unit niya ay parang mas lalo akong naguguluhan sa nangyayari sa buhay ko. Yumi is now engaged with my cousin and they will surely get married next year. May edad na rin si Yumi kaya imposibleng papatagalin pa ng pinsan ko ang pakasalan siya. Habang pumipindot ako sa doorbell ng unit ni Yumi ay pakiramdam ko ay pinag bagsakan ako ng langit at lupa. Parang ramdam na ramdam ko ngayon ang pressure sa pagkakaroon ng sariling pamilya dahil alam kong ikakasal na si Yumi at paniguradong magkakaanak sila kaagad ng pinsan kong si Justin. Isipin ko pa lang na mapag-iiwanan na talaga ako ay parang maiiyak na ako sa isang gilid. Kung pwede lang na humila ng kahit na sinong lalaki at pakasalan ay baka ginawa ko na sa sobrang pagka desperada kong magkaroon ng development ang love life! “Kit Yuchengco?” kunot ang noong tanong ko kay Yumi nang marinig ang pangalan na binanggit niya. Pagkatapos kong maglabas ng sama ng loob sa kanya ay medyo gumaan ng konti ang pakiramdam ko. She was even insisting on inviting me for a two week vacation in Cagayan de Oro. Ikakasal ang Kuya Ion niya at sinasama niya ako doon para makapag-relax. Pero mukhang hindi naman ako makakapag-relax doon dahil sa sinabi at binanggit niyang pangalan. “Yeah. He is the brother of my sister-in-law…” sambit niya. Hindi ako makapaniwala na sa dinami-rami ng pwedeng maging sister-in-law ni Yumi ay ang kapatid pa ni Kit Yuchengco. The boy I met when I was twenty. Sa totoo lang ay hindi naman madaling makalimutan ang batang ‘yon. He was ten years old back then and I was twenty. Kaya nang itanong ni Yumi kung paano kong nakilala ang kapatid ng sister-in-law niya ay kinwento ko sa kanya ang nakakatawang pangyayaring ‘yon. Siguro nga ay dahil din doon kaya hindi ko siya makakalimutan. Dahil sa tuwing naririnig ko ang salitang ‘circumcision’ ay ang batang lalaking ‘yon ang naaalala ko at ang mga ginawa niya noon sa Cebu. Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay ay ang mga sinabi ni Yumi ang laman ng isip ko. Hindi ko tuloy namalayang nakangiti ako habang papasok sa bahay. Kaya nang makita ako ni Daddy ay automatic na nawala ang ngiti ko pero sa pagtataka ko ay ngumiti siya sa akin. “I think you’ve got Dr. Lucero’s son’s attention, Athena. Dr. Lucero called and his son is looking forward to meeting you again,” tuloy-tuloy na sambit niya at lumapit pa sa akin para pisilin ng marahan ang mga balikat ko. “I hope you give him some time, Athena. Set another date. The earlier, the better…” pagpapatuloy niya pa at hindi na ako hinayaang makapagsalita kaya inis na inis tuloy ako habang papasok sa kwarto. Pabagsak na ibinaba ko ang bag sa kama at inis na umupo doon. Alam kong magsasayang lang ako ng oras kung makikipagkita ulit ako sa lalaking ‘yon. He’s nice but I didn’t feel anything special after our first meeting. Sunod-sunod na umiling ako at agad na hinanap ang pangalan niya sa contacts ko. I’m already thirty six and I don’t have much time to waste dating the wrong one. Mag-aaksaya lang kami pareho ng oras lalo na siya dahil walang-wala siyang mapapala sa akin. Mabilis ang ginawa kong pag-type ng message para sa kanya. Me: Hi! I’m sorry to say this but I don’t want to meet you again. I hope you won't make this a big deal. Nang ma-send ko ang message sa kanya ay humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Kit Yuchengco… Hindi ko alam kung bakit hindi ko makalimutan ang pangalan niya lalo na nang banggitin iyon ni Yumi kanina. Ilang sandali pa ay natagpuan ko na lang ang sarili kong hinahanap ang profile niya sa social media para makasiguradong siya nga ang batang nakilala ko sa isang community welfare sa Cebu. But that was… sixteen freaking years ago… “Miss, may nagpapatanong ng pangalan mo…” Napalingon ako sa batang lalaki na kumalabit sa akin. Napayuko ako at napatingin sa kanya. Isa siya sa mga batang nagpatuli kanina dahil hawak-hawak niya pa ang gitna ng shorts niya. Nasa isang community welfare ako dito sa Cebu kasama ang Tita kong doktor at ang team niya. Kakatapos lang ng duty ko kaya naghahanda na ako sa pagpunta sa hotel kung saan kami pansamantalang tutuloy habang narito sa Cebu. “Athena,” balewalang sagot ko sa batang nagtanong sa akin. Hindi na siya nagsalita kaya ipinagpatuloy ko ang pagliligpit ng mga gamit. Maya-maya lang ay bumalik ulit ang batang lalaki at nagtanong na naman. “Ahm… Miss… Pwede daw bang malaman kung anong pangalan ng nanay mo?” tanong niya. Tumigil ako sa pagliligpit ng gamit at kunot ang noong nilingon siya. “Pangalan ng nanay ko? Bakit naman pati pangalan ni Mommy gusto mo pang malaman? Tsaka sino bang nagpapatanong? Papuntahin mo dito sa akin…” pagsakay ko sa ginagawa niyang pangungulit. Ilang sandali pa siyang tumayo sa gilid ko bago nagkamot sa batok at umalis. Napailing ako at tuluyang tinapos ang pagliligpit ng mga gamit. Paalis na ako para pumunta sa hotel nang may lumapit sa akin na isang batang lalaki. Kumunot ang noo ko dahil tandang-tanda ko siya. “Ikaw ‘yung–” “May I know the name of your Mom?” diretso at seryosong tanong niya. Ilang sandali pa akong napatitig sa mga mata niya bago nakapagreact sa sinabi niya. Siya ang batang lalaki na tinuli ng nurse na in-assist ko. Tingin siya nang tingin sa akin kanina pa kaya hindi ko maiwasang mailang dahil kahit bata siya ay malakas ang dating niya. He has that sēx appeal that is quite hard to ignore. Siguro ay dahil matangkad siya para sa edada niyang sampung taon. “Althea. That’s the name of my Mom. Bakit? Do you know her?” tanong ko kahit na alam kong imposibleng makilala niya ang Mommy ko. Kumunot ang noo niya habang nakatitig pa rin sa mukha ko. “Does your Mom look like you?” tanong niya. Umiling ako. “I don’t think so. People say that I take after my Dad. So, hindi ko kamukha ang Mommy ko,” sagot ko. Titig na titig pa rin siya sa akin kaya ako naman ang nagtanong sa kanya. “Why are you asking that?” hindi ko na napigilang usisa. “Nothing. I just thought you were my sister because you resemble my Mom a lot…” sagot niya. Tumawa ako at naiiling na tiningnan siya. “Well, I’m not your sister. That’s impossible. Hindi naman ako taga dito,” natatawang sambit ko. Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa akin kaya nagpatuloy na ako sa pag-alis. “I’m heading out. Umuwi ka na rin. Gabi na. Baka hinahanap ka na–” “Are you still going to be here tomorrow?” he asked, cutting me off. Kumunot ang noo ko pero tumango na rin sa kanya. “I guess so. Hanggang sa Friday pa yata kami dito. Why? May kaibigan ka bang magpapatuli pa bukas?” tanong ko. Umiling siya at kumunot ang noo. “My name is Kit,” pakilala niya kahit na hindi ko naman tinatanong. Tumawa ako at saka tumango. “Okay. Nice to meet you, Kit…” sambit ko. Tumitig lang siya sa akin kaya nagpasya na talaga akong magpaalam sa kanya. “Sige na. I’ll go ahead–” “If you are not my sister… then you can be my girlfriend…” sambit niya. Seryosong-seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasang tumawa. This boy is blunt! “What? Girlfriend? Ako?! Eh kakatuli mo nga lang kaninang umaga. Your ‘down there’ is not yet healed. How could you say–” “I didn’t say that I’m going to court you now. Soon I will. Wait for me…” seryosong sambit niya at saka sumenyas sa mga kaibigan niya at nauna pang umalis kesa sa akin! “That’s crazy. I wonder if he would still recognize me now…” naiiling na sambit ko habang nakatitig sa picture ni Kit sa profile nito. I was about to close the tab but I accidentally pressed the ‘Add as friend’ button and sent him a friend request! “Oh, my God!” bulalas ko at agad na napabangon bago mabilis ang kilos na hinarap ang phone. I immediately cancelled the friend request I sent. Kulang na lang ay sabunutan ko ang sarili ko dahil sa kung anong kalokohan ang nagawa ko. Why the hell did I even stalk him?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD