[Story of Kit and Athena from my story CONSENSUAL CONTRACT]
Hindi inaasahan ni Athena na muling magkikita sila ng batang lalaki na tinuli mismo sa harapan niya ng nurse na in-assist niya sa isang medical mission sa Cebu. At sa hindi niya inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya dito matapos niyang magbakasyon sa Cagayan de Oro kung saan ginanap ang kasal ng kuya ng matalik na kaibigan niyang si Yumi. Binigay ni Athena ang sarili kay Kit. Nang matapos ang dalawang linggong bakasyon nila sa Cagayan ay umuwi siya ng Manila na dala ang “lihim” na ginawa niya doon.
Pagkatapos ng anim na taon, nagkrus muli ang landas nila ni Kit.
Kakayanin ba ni Athena na harapin ang galit Kit matapos nitong malaman na sa loob ng anim na taon ay itinago niya ang naging bunga ng dalawang linggong bakasyon niya sa Cagayan de Oro?
What if after six years, Kit wants to claim his rights as the father of her children? Paano kung alukin siya ni Kit ng kasal pero hanggang sa papel lang ang pagiging mag-asawa nila nito?