Private

1492 Words
[Kit’s] “Pagkatapos ng kasal ng ate mo tsaka ka lilipad papunta sa Japan, Kit?” I was tightening the strings of my guitar when Lando, one of my closest friends here in Cagayan de Oro, suddenly asked about my plans of studying in Japan. Music and numbers are my favourite things in this world. My father was a musician before he totally left his passion and just focused on running our family business. Maagang nag retiro si Lolo kaya walang choice si Daddy kundi ang pag-aralan ang lahat ng kailangan niyang matutunan sa negosyo ng pamilya namin. And because of that, my Mom left us. Napadalas ang pag-aaway nila dahil halos wala ng oras si Daddy sa amin. Hindi ko alam na may iba pa palang dahilan kung bakit madalas silang mag-away ni Daddy noon. I was turning six years old when I found out the reason why Mom decided to leave us. Ang sabi ni Daddy ay inamin ni Mommy sa kanya na may anak ito sa pagkadalaga. My Dad didn’t say anything and just completely ignored the fact that my Mom admitted that we aren’t her only family. Dahil doon ay palagi siyang inaaway ni Mommy dahil akala ni Mommy ay wala lang kay Daddy ang mga inamin niya. When in fact, Dad was hurt but he didn’t want complications and hassles so he just decided to just ignore everything my Mom said. Bumalik si Mommy sa Pilipinas, kung saan nakatira ang pamilya niya. Pero kahit ang pamilya niya ay walang balita kay Mommy. Hindi namin alam kung nasaan na siya dahil kahit sa mga kamag-anak at pamilya niya sa Pilipinas ay hindi siya nakipag-communicate. I was ten years old when Dad decided to migrate to the Philippines. Sa Cagayan de Oro, kung saan nakatira ang pamilya ni Mommy, kami nanirahan. I guess, Dad was still hoping that Mom would be able to go back to us. He was hoping that if Mom found out that we are already here in the Philippines, she would immediately go to us. Na hindi naman nangyari dahil ilang taon pa lang kami sa Pilipinas ay nabalitaan naming may pamilya ng iba si Mommy. At iyon ang ama ng anak niya sa pagkadalaga. Years later, my Dad decided to remarry but another struggle happened to our family. Nalaman ni Daddy na may naging anak siya sa pagka binata at iyon ay si Ate Chantal. Iniisip ko noon na baka dahil doon ay maghiwalay si Daddy at ang stepmother namin, pero mahal na mahal ni Tita Alexa si Daddy at kahit kailan ay hindi namin naramdaman ni Ate Chantal na hindi niya kami anak. She treated us as her own children. We were the happiest but it didn't last that long. Inatake sa puso si Daddy at namatay. Isang taon lang ang lumipas mula ng mamatay si Daddy ay sumunod na rin si Tita Alexa. Dalawang beses na hindi natuloy ang kasal ni Ate Chantal dahil doon kaya ang akala ko ay hindi na siya magpapakasal ulit. But just this year, they have decided to get married. At sa susunod na linggo na magaganap ang kasal niya kaya naiintindihan ko kung bakit sobrang kabado siya at napapadalas ang pagtawag dito. I think she is anxious that something bad might happen again. “Depende pa kung makakapasa ako sa entrance exams,” sagot ko at pinagpatuloy ang pagtotono sa gitara ko. “Paano kung hindi ka makapasa?” tanong ni Rita, isa rin sa mga kaibigan ko dito. Anak siya nina Nanay Rosa at Tatay Lucio na siyang nag-alaga at nagpalaki kay Ate Chantal. Sila na rin ang naging pamilya ko simula noong namatay sina Daddy at Tita Alexa. “Papasa ako,” kampanteng sagot ko sa kanya. She gasped and looked away. Hindi ko na pinansin ang naging reaksyon niya at nagsimulang mag-strum sa gitara ko. I started singing the intro of my favourite song. I cannot help but smile whenever I am playing this song. Hindi lang dahil sa meaning ng kanta kundi dahil sa isang tao na naaalala ko sa tuwing tutugtugin ko ang kantang ito. “Puhon na naman? Bakit ba palagi mo na lang tinutugtog ‘yan, Kit? May naaalala ka siguro? May hinihintay ka bang babae kaya wala kang girlfriend?” sunod-sunod na tanong ni Bea, ang girlfriend ni Lando. Nakita kong halos lahat ng mga kaibigan kong kaharap sa table ay napatingin sa akin. Para bang nag-aabang silang lahat sa kung anong isasagot ko sa tanong ni Bea. I immediately stopped playing and my mind started looking back at what really happened and why I started loving this song… I was ten years old when I met someone who looks exactly like my Mom. Ang sabi ng mga kamag-anak ni Mommy ay may nakakita daw sa kanya sa Cebu kaya kahit may kalayuan iyon sa Cagayan de Oro ay sa Cebu ako nagpasyang mag-aral. Malaki ang posibilidad na makita ko si Mommy kung sa Cebu ako mag-aaral at maninirahan. Kahit bakasyon na sa school ay hindi pa rin ako umuwi sa Cagayan de Oro para mas matutukan ang paghahanap kay Mommy. Kaya nang isama ako ng kaibigan ko sa isang free circumcision sa bayan ay sumama na rin ako sa pagbabakasakaling mahahanap ko si Mommy doon. At doon nga ay nakita ko ang babaeng kamukhang-kamukha niya. Mas matanda siyang hamak sa akin kaya agad kong naisip na siya ang anak ni Mommy sa pagkadalaga. She was so beautiful and looked like the youngest version of my Mom. Ni hindi ko ininda ang sakit ng pagkakatuli sa akin dahil nasa tabi siya ng nurse at nakatingin rin sa akin. Busy ako sa pagtitig sa mukha niya kaya nang tumili siya ay gulat na gulat ako at muntik pang mapabangon kahit na kasalukuyan akong tinutuli. “W-what happened?” tanong ko na nakatingin pa rin sa mukha niya. Sinaway siya ng nurse dahil sa pagtili niya pero nakita kong tinuro niya ang gitna ng mga hita ko. Kunot ang noong tumingin ako doon at tsaka ko lang naramdaman ang sakit nang makita kong puro dugo ang bulak na hawak ng nurse. Nang ibalik ko ang tingin sa babaeng kamukha ni Mommy ay nakatingin na rin siya sa akin. Ilang sandali lang ay nagtakip siya ng bibig pero halatang-halata sa mga mata niya na natatawa siya. Pinagtatawanan niya ako! I swallowed hard and looked away. Kinuha ko ang towel sa gilid na binigay sa akin kanina para itakip sa mga mata ko. Tinakpan ko ang mukha ko at hindi ko inalis ang towel hangga't hindi natatapos. Damn it! Babae pa rin siya. Kahit na may posibilidad na magkapatid kami ay babae pa rin siya. She shouldn't have seen my… my… Damn it! I immediately shook my head after reminiscing about that one particular moment in my past. Isa iyon sa pinaka nakakahiyang pangyayari sa akin noong dumating kami dito sa Pilipinas. At kapag naiisip ko na hindi ko naman siya kapatid o kaano-ano man lang, pero nakita niya ako sa gano'n kaselan na sitwasyon ay para akong pinagpapawisan ng malapot sa sobrang hiya! “Totoo ba, Kit? May hinihintay ka kaya wala kang girlfriend?” kunot ang noong tanong ni Rita. I was about to answer her when my phone beeped and a notification from my social media account appeared. Someone added me as a friend in one of my social media accounts. Wala naman sana akong balak na tingnan iyon dahil hindi naman na bago na may mga nag-aadd sa akin kahit hindi ko kilala. But when I saw the name appear in my notification bar, I was stunned for a moment. Athena Mijares sent you a friend request… Napatayo ako habang nakatitig sa phone ko. “Bakit, Kit? May problema ba?” tanong ng isang kaibigan ko na si Eddie. Nang tingnan ko sila ay nakatingin sila sa akin na para bang nagtataka dahil sa biglaang pagtayo ko. Umiling ako at agad na binalik sa bulsa ang phone pagkatapos ay kinuha ang gitara ko. “Uuwi na muna ako. Tatawag daw si Ate. Baka makita n'ya akong umiinom na naman,” nakangising paalam ko sa kanilang lahat. Tinawag pa nila ako pero tuloy-tuloy na ang lakad ko papasok sa bahay hanggang sa kwarto. Nang makapasok sa kwarto ay agad na binalik ko ang gitara para tingnan ulit ang phone ko. I immediately logged in to my social media account to check on the profile who just added me. Pero natapos na ako sa pag-scan at ilang beses ko pang inulit pero wala talaga ang pangalan ni Athena doon. “What the hell was that? I am not even drunk! O lasing na ba ako? Imposibleng malasing ako sa dalawang shot ng alak…” Pero dahil sigurado akong nakita ko siyang nag-send ng friend request ay hinanap ko ang profile niya at ako na mismo ang nag-add. I couldn't even see anything because her account is set to private! Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD