“I’m sorry. We can take that again…”
Mabilis na paumanhin ni Kit nang mawala ang tingin niya sa camera dahil sa biglaang pag-vibrate ng phone niya sa bulsa.
Kasalukuyan siyang nasa isang photoshoot para sa isang fashion magazine. Featured ang ilang members ng Young Bucks Society Club kung saan isa siya sa mga bagong members. Tatlong taon pa lang siya sa club at hindi na nag dalawang isip na sumali nang sabihan siya ng bayaw niyang si Marion Lao at ang bayaw naman nito na si Justin Mijares na kalaunan ay naging matalik na kaibigan na rin niya simula noong sumama ito sa girlfriend nito sa pagbabakasyon sa hacienda nila sa Cagayan de Oro anim na taon na ang nakalipas.
“It’s okay, Mr. Yuchengco. I’ll just fix that later,” narinig niyang sagot ng photographer kaya tumango lang siya ng marahan dito.
“By the way, are we done here?” tanong ni Kit matapos mapatingin sa oras. May usapan sila ng kaibigang si Justin Mijares para sa ipapagawa niyang opisina at bagong branch ng Yuchengco’s Milling Corporation sa Cebu. YMC is one of the largest producers of sugar in the country. His father Adam Yuchengco just made YMC the largest sugar millers and refineries in China. At dahil sa Cagayan de Oro na ito nanirahan ay nagtayo ito ng branch ng YMC dito sa Pilipinas. At hanggang sa huling hininga ng Daddy niya ay binilin nito sa kanya na ‘wag pababayaan ang kumpanya. Kaya kahit na kinailangan ni Kit na talikuran ang sariling propesyon bilang isang Certified Public Accountant para mag-aral sa Japan at mapalawak ang nalalaman sa Agriculture ay ginawa niya. He doesn’t want to disappoint his father and he promised to himself that he would make YMC even bigger now that he’s back in the Philippines for good from his six years venture in Japan.
“Yes, Mr. Yuchengco. It’s a wrap. Thanks for making this photoshoot light,” nakangiting sambit ng photographer kaya tumayo na siya para maghanda sa appointment niya kay Justin. Kasalukuyan itong nasa Mijares Trine kung saan ang Engineering Firm nito at ng mga kapatid na naging kaibigan na rin niya dahil noong nakaraang taon ay naging active na siya sa club dahil wala ng masyadong trabaho sa Japan kaya nakakauwi siya ng madalas sa Pilipinas.
He was about to get his things when Jace Mijares came to him. Nagulat pa siya na naabutan pa rin si Jace sa studio ng Fab Strings. Kanina ay kasama nito ang isang anak na babae para makasama sa photoshoot. Pinauna na siya nito dahil umiiyak pa ang anak nito at ayaw sundin ang sinasabi ng photographer.
“You done with your photoshoot, bro?” tanong ni Jace sa kanya. Tumango siya.
“You’re still here? I thought you already rescheduled your shoot because your daughter is having a tantrum?” kunot ang noong tanong niya.
“Uhh… I’m–”
“Daddy! Hurry up! I wanna go home!”
Hindi na natapos ni Jace ang sinasabi dahil malakas na tinawag na ito ng anak.
“Wait, Juno! Don’t run! Fūck!” bulalas ni Jace dahil nagsimulang tumakbo ang anak. “Damn it! Why the hell are my daughters so stubborn, bro? Kanino ba sila nagmana?!” bulalas nito bago malalaki ang mga hakbang na sinundan ang anak.
Naiiling na pinanood ni Kit si Jace na lumabas ng studio. Kinuha niya ang gamit niya pero pinigilan siya ng isang staff sa studio.
“Can you do another photoshoot, Mr. Yuchengco? Hindi kasi sumunod kay Mr. Mijares iyong anak niya. My team needs to settle this today. Kung hindi ay hindi kami aabot sa deadline para sa release ng magazine,” paliwanag nito. Isang staff pa ang lumapit sa kanya at nakiusap kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang pagbigyan na lang sila. Isa pa ay ayaw niyang makarating pa kay Jace na nagkaroon ng hassle sa photoshoot dahil dito. He would surely feel bad if he heard this.
Kit checked the time and it is still early for his appointment with Justin. “Sure. Let’s just get it done fast. I have an important appointment in an hour,” sambit niya na agad namang tinanguan ng mga staff.
“Nasa playroom ang karamihan sa mga child models, Martha. Kahit sinong batang babae doon na kaedad ng anak ni Mr. Mijares ay pwede…” utos ng isang staff sa kasama niya na agad namang umalis para tawagin ang model na makakasama niya sa shoot.
Habang naghihintay sa pagsisimula ng shoot ay tiningnan ni Kit ang phone niya na kanina pa vibrate nang vibrate. Bumuntonghininga siya nang maisip kung sino ang posibleng sumusubok na tawagan siya.
Mag-iisang buwan na simula noong dumating siya dito sa Pilipinas pero hindi pa rin siya tinitigilan ng ex-girlfriend niyang si Inez. Isa ito sa mga naging kaklase niya noong mag-aral siya sa Japan. They dated for months but their relationship didn’t work out because Inez was always nagging him about his past. Isang gabing lasing na lasing siya at may nangyari sa kanila ay ibang babae ang pangalan na nabanggit niya. Of course, he understood that it was his fault. He did apologize to Inez but he never tried to win her back. Alam niyang kahit na sino pang babae ang makarelasyon niya ay hindi pa rin niya makakalimutan ang unang babaeng nakakuha ng buong atensyon niya. That’s why he decided to completely ignore Inez because he knew that their relationship would never work out.
“Mr. Yuchengco…”
Mabilis na inalis ni Kit ang tingin sa phone at bumaling sa staff na lumapit sa kanya. Ngingiti na sana siya pero natigil iyon nang mapatingin siya sa batang babae na kasama nito.
Ilang sandali pa siyang napatitig sa mga mata nito. Parang may kung ano siyang nararamdaman habang nakikipag titigan sa batang babae sa harapan niya. The little girl is pretty. Puting-puti ang kutis nito at sobrang pula ng mga labi, na alam niyang walang nakalagay na kahit na ano. At ang isang bagay na napansin niya ay halos parehong-pareho sila ng mga mata. At hindi lang mga mata kung hindi halos buong mukha ng batang babae ay hawig na hawig sa kanya. Masyado tuloy siyang naintriga dahil kahit kailan ay wala naman siyang ibang kamukha kung hindi ang Daddy lang niya.
Kung mas may edad nga lang ang batang babae sa harapan niya ay iisipin na ni Kit na may naging anak pa ang Daddy niya sa iba. Pero imposible nang mangyari iyon dahil kulang isang dekada ng namayapa ang Daddy niya.
Natigil lang si Kit sa paninitig sa batang babae sa harapan niya nang magsalita ang staff sa studio.
“Okay na ba, Martha? Nakakuha ka na ng child model na makakasama ni Mr. Yuchengco?” the staff asked her colleague. Humarap ang babaeng tinawag na Martha kaya napabaling na rin ang batang babae doon. “Oh, my God! Anong ginagawa ni Kali dito? Hindi naman model ‘yan, Martha! Anak ‘yan ni Miss–”
“It’s okay, Heidi. I believe I have the looks of a model and also I can project well in the camera. I won’t ruin the shoot. I swear…” tuloy-tuloy na sambit ng batang babae kaya hindi na naman naiwasan ni Kit na mapatingin sa mukha nito. Seryosong-seryoso ito habang nakataas pa ang kanang palad na para bang nangangako ito na totoo ang mga sinabi nito. Kulang na lang ay mapangisi si Kit nang marinig itong nagsalita dahil kahit ang pagsasalita nito ay parang siya.
“Naku, Kali. Hindi kasi pwede–”
“I’m here, Heid! Let’s go?”
Hindi na nagawang umapila ni Heidi dahil dumating na ang photographer at mukhang nagmamadali pa ito kaya agad nang inalalayan ni Martha ang batang babae palapit sa mini stage.
Tumayo siya at mabilis na nilagay ang phone sa bulsa habang naglalakad sa mini stage kung saan sila kukuhanan ng pictures.
“Just try to follow my instructions and relax, alright?” narinig niyang sambit ng photographer. Mukhang sanay na sanay na ang batang kasama niya kaya napapangiti siya habang nakatingin sa seryosong-seryosong mukha nito.
“Like father like daughter huh? I love the look of your photos…” komento ng photographer habang tumatango at tinitingnan ang mga kuha nito.
“Hoy, Lloyd! Hindi ‘yan mag-ama!” saway dito ni Heidi at saka nahihiyang bumaling sa kanya. “I’m sorry, Mr. Yuchengco. Akala niya kasi ikaw si Mr. Mijares,” paliwanag nito. Umiling lang si Kit at umayos ng upo sa couch para gawin ang susunod na pinapagawa ng photographer. Kakandungin niya ang batang babae kaya tumingin siya dito para alalayan ito sa pag-upo sa kandungan niya.
Kumunot ang noo ni Kit nang mapalapit ng todo sa batang babae na kasama niya sa photoshoot. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang pabangong gamit nito kaya hindi niya halos namalayang nakatitig na siya mukha ng bata habang imaamoy ang pabango nito.
Nang lumingon ito sa kanya ay kunot na kunot ang noo nito kaya napatitig na naman siya sa mga mata nito.
“What’s your name?” hindi na napigilan ni Kit na tanungin ang batang kasama. Masyado na siyang naiintriga sa itsura nito pagkatapos ay pati sa amoy ng pabango nito ay nalilito siya dahil sigurado siyang hindi iyon ang unang beses na naamoy niya ang pabango na gamit ng batang kasama.
“You don’t have to know my name. Just do what the photographer is asking you,” pormal na pormal na sagot nito sa kanya kaya hindi napigilan ni Kit ang mapangiti habang nakatitig pa rin sa mukha nito. “Stop looking at my side. You should be looking straight ahead. Besides, the camera isn’t in my side,” dagdag pa nito kaya naiiling na binaling niya ang tingin sa harapan.
Ilang shots pa ang ginawa ng photographer bago tuluyang natapos ang shoot. Bago niya binaba sa kandungan niya ang batang kasama niya ay muling sumubok siyang alamin ang pangalan nito pero mariing tumanggi itong ibigay ang pangalan.
“We were told not to give our personal information to strangers. So, please put me down already, Mr. Stranger…” utos pa nito sa kanya kaya mas lalo siyang naiintriga dito. Magtatanong pa sana si Kit at pipilitin itong kilalanin pero may batang lalaki na mukhang kasing edad nito ang pumasok sa studio at tinawag ang batang babae na kasama niya.
“Kali!” malakas na tawag ng batang lalaki at tumakbo palapit sa mini stage. “I’ve been looking for you for a while now! What are you doing here? And who is this man?” tuloy-tuloy na bulalas nito at bumaling sa kanya. “Did you try to kidnap her?!” namimilog ang mga matang bintang nito habang titig na titig sa kanya.
Hindi alam ni Kit kung paanong mag rereact sa mga narinig na sinabi ng batang lalaki na lumapit sa kanila. Hindi siya magkandaugaga sa kakatitig sa mukha ng batang lalaki. Kahit anong gawin niya ay mukha ng babaeng hanggang ngayon ay gumugulo sa isip niya ang nakikita niya sa mukha nito.
Kung hindi lang maikli ang buhok nito ay iisipin niyang naging bata ulit ang babaeng laman ng isip niya.
“Alas!”
Bago pa man magawang magsalita ni Kit at kausapin ang batang lalaki na basta na lang lumapit sa kanila ay may babaeng sumigaw at tumawag na dito.
Paglingon niya sa pinto ng studio ay humahangos ang isang babae. Lumilinga ito sa paligid hanggang sa tuluyang napunta sa gawi nila ang tingin nito.
Hindi ito direktang nakatingin sa kanya kundi sa mga bata sa harapan niya. Pero si Kit ay halos hindi inaalis ang tingin sa mukha ng babae.
Hindi niya akalain na sa loob ng anim na taon ay makikita niya itong muli. He tried to find her and asked her whereabouts but his cousins are always saying that she is living somewhere out of the country. Kaya hindi niya akalain na sa ganitong pagkakataon ay magkikita pa sila nito.
“Alas! Kali! Come over here–”
Hindi na nito naituloy ang pagsasalita nang tuluyang napatingin sa kanya. Kitang-kita niya ang pag-awang ng bibig nito sa gulat nang makita siya.
Alam ni Kit na nakilala rin siya ni Athena kaya kahit ang ipagpatuloy ang paglalakad palapit sa gawi niya ay hindi na nito nagawa pa.
“Mommy!” halos sabay na sigaw ng dalawang bata sa harapan ni Kit.
Dahil doon ay tuluyan na siyang bumitaw sa titig ni Athena at nilingon ang dalawang bata sa harapan niya.
Did they call them… ‘Mommy’? Hindi makapaniwala na tanong sa isip ni Kit nang marinig ang sigaw ng dalawang bata.
“Put me down! Our Mom is here!” iritadong utos ng batang babae na nakaupo sa kandungan niya kaya wala sa loob na inalalayan niya ito at binaba. Mabilis na tumakbo ang mga ito palapit kay Athena na daig pa ang nakakita ng multo dahil hindi na nito nagawang makagalaw pa habang nakatitig sa kanya.
And it took him some time to realize what was happening in front of him. Muling bumaba ang tingin niya sa batang babae na kamukhang-kamukha niya at saka inilipat naman ang tingin sa batang lalaki na kamukhang-kamukha ni Athena.
Hindi siya halos makalunok nang napagtanto ang isang bagay.
Nang muling salubungin niya ang tingin ni Athena ay bakas na bakas ang pinagsamang takot at pangamba sa mga mata nito bago nagawang hawakan ang kamay ng dalawang bata at sumubok na talikuran siya pero hindi na nagdalawang isip si Kit.
Tumayo siya at inilang hakbang ang pagitan nilang apat. Sinadya niyang humarang sa daan ng mga ito bago pigil ang galit na humakbang para bumulong kay Athena.
“I think you have some explaining to do…” mariin na mariin na bulong niya kay Athena at pigil ang hiningang sinulyapan ng tingin ang dalawang bata na mukhang nagtataka habang nakatingin sa kanya.