Again

1934 Words
[Kit’s] “Wala po si Kit d’yan ngayon, ‘Nay?” I was about to go upstairs to change my clothes when I heard Ate Chantal’s voice over the phone. Kasalukuyan siyang kausap nina Nanay Rosa at Tatay Lucio. Nang lumingon sila sa gawi ko ay agad na kinawayan ako at tinawag ni Nanay Rosa. “Kit! Halika muna dito. Ang Ate mo, nasa telepono…” She looked so excited while calling me. Sa halip na umakyat sa itaas ay naglakad ako palapit sa gawi nila at ilang sandali lang ay nakita ko na sa screen ng phone niya si Ate Chantal. She was all smiles when she saw me appear on screen. She looked so happy. That's right, Ate. You should be happy because finally, it's happening. This wedding is long overdue. At alam kong kahit si Ion, ang mapapangasawa niya, ay sobrang hinintay ang pagkakataon na ito. “Galing ka na naman sa planta?” nakangiting tanong niya dahil siguro sa itsura ko. Basang-basa ako ng pawis kanina dahil tumulong ako sa pagbubuhat ng mga tubo. We are still currently short of staff because of the loss we had due to the pandemic. Masyado kasing biglaan ang pagkawala ni Daddy kaya noong nag-takeover ako sa planta ay hindi ko pa halos kabisado ang lahat. I had some regrets in the past but I really can't let those affect me right now. Pupunta pa ako sa Japan para mas lumawak pa ang mga nalalaman ko sa agriculture at itutuloy ko ang plano ni Daddy na mas mapalawak pa ang negosyo namin dito sa Pilipinas. I know that the whole process is not gonna be easy but this is where the circumstances are leading me. At alam kong ito rin ang kailangan ko para maingatan at mas mapalawak pa ang negosyo na iningatan din at minahal ni Daddy hindi lang para sa future namin ni Ate Chantal kundi pati na rin sa maayos na kinabukasan ng magiging mga pamilya namin. “Yes, Ate. I want everything to be back on track while I'm still here. Hindi ko naman pwedeng iasa pa sa'yo ito. You know that I don't want you to raise Macy here in the province. Better opportunities and a better lifestyle awaits her in the city,” sambit ko at nginitian siya. Walang alam si Daddy na may naiwan siyang anak dito sa Pilipinas kaya hindi niya naibigay ang karapatan ni Ate Chantal na lumaki at mamuhay bilang isang Yuchengco. She surely had a hard time living as a commoner for so many years. That's why she now deserves to have a better life in the city with the man she chose to marry. Kaya kahit wala akong interes sa negosyo namin ay hindi ko iaasa sa kanya ang responsibilidad ko dito. I've been living a comfortable life since then and I won't let Ate Chantal carry everything alone just because I don't have enough knowledge to run our business. Kaya sisikapin kong mag-aral at matuto sa Japan. I am not letting this opportunity go to waste. “Tuloy na tuloy na ba talaga ang pag-aaral mo sa Japan, Kit? Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Ang sabi ko naman sa'yo ay payagan mo na akong manatili d'yan pagkatapos ng kasal—” “I am not changing my plans, Ate,” mabilis na tanggi ko sa sinasabi niya. Nagpatuloy pa siya sa pamimilit sa akin pero hindi na talaga magbabago ang desisyon ko. “Oo nga pala, Kit…” Ibabalik ko na sana kay Nanay Rosa ang phone nang magsalita pa ulit si Ate Chantal. “What?” tanong ko. Nakita ko sa background si Ion na karga ang panganay na anak nilang si Macy. Ion is a good man. My Dad even treated him like his own child. “Bukod sa pamilya ni Ion ay may kasama pa kaming pupunta d'yan at magbabakasyon,” sambit niya. Hindi ako nagsalita at tumitig lang sa kanya sa screen para hintayin pa ang iba pa niyang sasabihin. “Ang mapapangasawa ni Yumi na si Justin at iyong pinsan niya na matalik na kaibigan ni Yumi. Sobrang ganda no'n, Kit…” ngiting-ngiti pa siya habang sinasabi sa akin ang bagay na ‘yon. Tumaas ang kilay ko kaya tumawa siya nang makita ang reaksyon ko. “Binibiro lang kita. Pero kung matitupuhan mo, bakit naman hindi, ‘di ba, ‘Nay?” natatawang sambit niya pa at binalingan si Nanay Rosa. “Mabuti nga para makakita naman ng ibang mukha. Puro na lang ang mga kaibigan niya ang nakikita kong kasama nito bukod sa mga kabayo!” pagsakay ni Nanay Rosa sa sinabi niya. Tumawa si Ate Chantal bago nagsabi pa ng ilang bilin sa akin. “Iyong silid sa tabi ng silid mo, pwede bang ipagamit sa bisita, Kit? Nag-iisa lang kasi siya kaya nakakahiya naman kung sa ikatlong palapag pa patutulugin…” sambit niya. Tumango ako. “It's okay, Ate. I'll ask the helpers to clean that room,” sagot ko. Ngumiti siya ng maluwang. “Excited na akong umuwi ulit d'yan,” nakangiting sambit niya pa. “Oo nga pala, Kit. Na-send na ni Ion sa email mo ang kumpletong listahan ng mga dadalo mula dito sa Maynila. Paki-print na lang at pakibigay kay Nanay. Ipapasa niya kasi sa coordinator ng simbahan…” bilin niya pa. Tumango ako. “I'll check it later,” sagot ko. Ngumiti lang siya at sinabing kakausapin pa si Nanay Rosa kaya binalik ko na ang phone sa matanda. Sa sobrang pagod ko kahapon ay halos nakalimutan ko na ang bilin ni Ate. Nasa opisina na ako nang maalala kong i-check ang email na pinadala ni Ion. I didn't check the names. Basta ko na lang pinrint ang listahan para ibilin kay Rita at dalhin sa bahay mamaya para iabot sa Nanay niya. “Ito lang lahat ang mga kamag-anak ni Kuya Ion na dadalo sa kasal nila, Kit?” usisa ni Rita nang iabot ko sa kanya ang listahan na binilin ni Ate Chantal sa akin. Tumango ako. “Pakisabihan na rin pala ang ilang helper na linisin ang silid na katabi ng sa akin,” bilin ko pa sa kanya. Mabilis na nag-angat siya ng tingin sa akin at ilang sandaling napatitig bago nakapagsalita. “Ang silid sa tabi ng silid mo?! Bakit ipapalinis, Kit? Dadalo ba sa kasal ng ate mo ang… Mommy mo?” hindi makapaniwala ng usisa niya. I couldn't blame her for asking though. I never let anyone use that room because I was hoping that my Mom would come back and live with us. Nasa kwarto rin na ‘yon ang mga gamit na naiwan niya sa China para kung sakaling bumalik siya sa amin ay wala na siyang iisipin pang iba. But I know that she will never come back to us. She's happy with her new life now. It's about time for me to let go of her and the fact that she wouldn't go back even for the sake of her son. Tumango ako kay Rita. “No. She's not coming. I'll just let the visitors use her room,” sagot ko. Kitang-kita ko pa rin ang gulat sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. “Talaga bang ipapagamit mo sa bisita ang kwarto ng Mommy mo, Kit?” tanong niya pa. Tumango ulit ako. Hindi na siya nagkomento at muling hinalingan ang listahan ng mga bisitang dadalo galing sa Maynila. “Parang ang yayaman ng mga kamag-anak ni Kuya Ion. At balita ko puro piloto ang mga kaibigan niyang dadalo, Kit…” sambit niya pa. Tumango lang ako at muling binalingan ang monitor para ipagpatuloy na ang trabahong ginagawa ko kanina. But before I close the email, I saw a very familiar name of a woman on the list. Ilang sandali pa akong tumitig doon bago nakagalaw para tingnan ng mabuti ang pamilyar na pangalan sa guest list. Athena Mijares? Just how many people in this world have that name? I immediately closed that tab and then continued working. Pero hindi na nawala sa isip ko ang pangalan na nasa guest list. I was even tempted to ask Ate Chantal about that but I immediately stopped myself. Baka mamaya ay kung ano ang isipin niya kung bakit ako nagtatanong tungkol sa bisita nila! Gabi na nang i-check ko ulit ang social media account ko para tingnan kung may nag-accept sa request ko pero wala. The Athena Mijares I know didn't accept my friend request. The heck! Baka nga lasing lang ako noong gabing ‘yon kaya akala ko ay nag send siya ng friend request sa akin. Masyadong weird kung natatandaan niya pa ako. Sobrang tagal na. I just couldn't forget her because she always reminds me of my Mom. Pareho silang maganda at pareho sila ng mga mata. But the fact that she isn't my sister and she's not even related to me somehow gave me hope. Kung hindi kapatid o kamag-anak, pwede namang maging girlfriend ko na lang. Pero kahit ang friend request ko ay ayaw manlang tanggapin! Kaya paanong magiging girlfriend ko ‘yon? Mabilis na nag-scroll ako sa newsfeed ko at naabutan ang profile ng kapatid ni Ion. Alam kong maganda ang kapatid niya at nagulat pa ako sa pagsesend niya ng friend request sa akin noong nakaraan. Ang sabi ni Ion ay nagtatrabaho daw ang kapatid niya sa isang fashion magazine dahil iyon ay parte ng negosyo nila. Na-curious tuloy ako kaya pinindot ko ang profile niya at agad na nakita ang pangalan ng mapapangasawa niya. Mijares? Her fiancé is Mijares? “Who the hell is this guy? Athena's brother?” mahinang bulong ko habang nakatingin sa picture ng fiancé ng kapatid ni Ion. Nag scroll pa ako sa profile ni Mayumi Lao. I stopped when I saw a familiar face who was with her in one of her photos. I swallowed hard while staring at the photo of a woman sitting beside her. Mukhang nasa isang event sila dahil parehong nakasuot ng dress. Damn it! She is really the Athena Mijares that I know and probably the Athena Mijares that is listed on the guest list who will be attending the wedding! “Ang sabi ni Nanay ay may gaganaping sayawan sa gabi bago ang kasal ni Ate Chantal, Kit. Dadalo ka ba?” tanong ni Rita. Damn! I didn't even notice that she is still here in my office! “Kit…” she called me again. Tsaka lang ako nag-angat ng tingin sa kanya. “You were saying, Rita?” tanong ko. Kumunot ang noo niya. “Ah wala. Wala ‘yon. Alam ko namang hindi ka mahilig dumalo sa mga kasiyahan—” “Dadalo ako,” mabilis na sagot ko. Her eyes widened with disbelief. “Sa kasiyahan bago ang kasal ng ate mo, Kit? Dadalo ka?” hindi pa makapaniwala na tanong niya. Tumango ako kaya mas lalong mukhang hindi siya makapaniwala. “Totoo, Kit? Dadalo ka talaga?” pangungulit niya. Mahinang tumawa ako. “Ilang beses ko bang dapat ulitin, Rita?” nakangising reklamo ko. Malakas ang tili niya kaya kumunot ang noo ko at agad siyang sinaway. Nahihiyang ngumiti siya sa akin bago tuluyang nagpaalam para ibigay sa Nanay niya ang listahan ng mga dadalo sa kasal ni Ate Chantal. My eyes lingered on Athena's photo on the screen. “So, we will really be meeting each other again huh?” bulong ko at ngumisi nang maalala ang ginawa kong pagnanakaw ng halik sa kanya noon. Napahawak ako sa mga labi ko at pinaglaruan iyon habang nakatitig sa picture niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD