Pressure

2273 Words
[Athena’s] Ilang beses akong tinanong ni Yumi kung bakit hindi ako sasama sa kasal ng kuya niya sa Cagayan de Oro pero hindi ko siya sinagot ng maayos. Ang sabi ko lang ay busy ako sa trabaho kaya hindi ako pwedeng mawala ng gano’n katagal. “Pang summer naman ‘yung ginagawa ninyong concept ngayon ‘di ba? Pwedeng-pwede kang mag-shoot sa Cagayan de Oro. Ang sabi sa akin ni Kuya ay bukod sa mga waterfalls, marami ring beaches at mga water activities na pwedeng i-try. May mga activities din sa hacienda nila na pwede nating subukan. Kaya sumama ka na, Athena!” tuloy-tuloy pa rin ang pamimilit niya sa akin pero hindi ako nagbibigay ng maayos na sagot. Pakiramdam ko ay hindi ako pwedeng mag-relax dahil sa kasalukuyang sitwasyon ko. Kagabi lang ay tanong nang tanong si Daddy kung ano na ang balita sa susunod na date namin ng anak ni Dr. Lucero. Hindi ko naman masabi sa kanya na wala na siyang aasahan sa akin dahil sinabihan ko na kaagad na wala ng susunod na date dahil alam kong wala ring patutunguhan ang pagkikita naming dalawa. “Really, Jonas? Jared and Jace are going to be a father?” Muntik na akong hindi makapag patuloy sa paglalakad papasok sa bahay nang narinig ko ang excitement sa boses nina Mommy at Daddy. Kasalukuyan silang nasa living room at mukhang kausap sa phone si Tito Jonas, ang isa sa mga kapatid niya. “That’s good to hear. Well, a triple wedding isn’t that bad. Yeah… Athena? Well, I am trying to set her up with the son of someone I know…” Dahan-dahan at nakayuko ako habang papasok sa bahay at dire-diretso sa itaas. Parang biglaang bumigat ang pakiramdam ko nang marinig na naman ang sinabi ni Daddy. Siguro ay dahil mas matanda pa ako sa mga pinsan ko ay kahit siya ay pressure din sa tanong ng mga kapatid niya. That’s why I couldn’t blame him for pushing me to date someone and get married soon. Dahil tama naman ang sinasabi niya na nasa edad na ako para magkaroon ng sarili kong pamilya. It’s just that… I couldn’t find someone whom I want to spend the rest of my life with. Hindi ko naman pwedeng pilitin ang sarili ko na magkagusto sa isang tao. Hindi naman biro ang bumuo ng sariling pamilya. It’s not like you can find someone you can marry everywhere. Kung gano’n lang siguro kasimple ang lahat ay baka matagal na akong may sariling pamilya. But I know I have to consider something. At hindi ako magpapakasal kung hindi ko nahahanap iyon sa lalaking papakasalan ko. Pagpasok ko sa opisina ay ang seryoso ng pag-uusap ng mga kasama ko sa team kaya hindi ko maiwasang ma-curious sa kung ano ang pinag-uusapan nila. “What’s wrong with dating someone who’s younger than you? Kung doon ka nga na-inlove eh. Anong magagawa mo?” narinig kong komento ng writer sa team namin na si Grace. Dahil sa sinabi niya ay hindi ko tuloy naiwasang mapatingin sa kanilang dalawa ni Lou. Si Lou ang isa sa mga editors ng team. “Hindi ko alam, Grace. Ang sabi ng Mommy ko mas matanda pa raw ang bunsong kapatid ko sa boyfriend ko. Pangit raw tingnan…” narinig kong sagot ni Lou. Hindi ko tuloy alam kung bakit bigla na lang pumasok sa isip ko si Kit Yuchengco. Bigla tuloy akong kinilabutan at nagpasya na magpakabusy na lang sa trabaho para hindi na maisip ang tungkol sa kanya. Kasalanan lang naman talaga ni Yumi kung bakit ko naiisip ang batang ‘yon lately! Pero hindi doon natapos ang usapan sa opisina tungkol sa boyfriend ni Lou na mas bata sa kanya. Nang itanong ko kung ilang taon ang tanda niya sa boyfriend niya ay sinabi niyang walong taon. Gosh! Walong taon lang pala. Paano naman ang age gap namin ng Kit na ‘yon? It’s ten freaking years! Nabigla pa tuloy ako na naisip ko na naman siya! Kaya inalis ko kaagad siya sa isip ko at nag-focus na lang ulit sa trabaho. “Kung ako sa’yo, tutal ayaw ng parents mo sa boyfriend mo at ayaw rin ng parents ng boyfriend mo sa’yo, magpabuntis ka na lang! Kahit anak na lang, ‘wag na ang asawa!” bulalas ng content creator at social media expert na si Yolly. “Eh paano naman ang boyfriend niya? Hindi naman siguro ‘yon papayag na lang basta na anakan siya?” komento ni Grace. Hindi tuloy ako makakain ng maayos dahil sa kakapakinig sa mga pinag-uusapan nila. “Ayaw niya,” mahinang sagot ni Lou kaya napatingin kaming lahat sa kanya. “Huh? Anong ayaw niya? Ayaw ng boyfriend mong magkaanak kayo?” mabilis na usisa ni Yolly. Umiling si Lou at mukhang nawalan na ng gana sa pagkain. “Ayaw pa niyang magkaanak. Naiintindihan ko naman kasi bata pa siya. Pero kasi… gusto ko na ring magkaroon ng anak habang maaga pa. Alam n’yo namang may PCOS ako kaya ang advice ng doktor ay mag-asawa na ako kung gusto kong magkaroon pa ng anak…” sambit ni Lou at bumuntonghininga. Halos sabay-sabay na nanahimik ang mga kasama namin sa table dahil sa sinabi ni Lou. Hanggang sa makabalik kami sa office ay ang mga napag-usapan ng mga ka-team ko ang nasa isip ko. Parang hindi naman nalalayo kay Lou ang sitwasyon ko lalo na at si Daddy ay mukhang hindi titigil hangga’t hindi ako nagkakaroon ng asawa. My brother Hector is brokenhearted and is currently not dating anyone. Iniisip ko na baka kapag nag-asawa si Hector ay makalimutan ni Daddy ang tungkol sa akin pero mukhang malabong mangyari iyon ngayon dahil wala namang girlfriend si Hector. Bumuntonghininga ako at mukhang nakita iyon ni Yolly kaya hindi na siya nag-alangang magtanong sa akin kung ano ang problema ko. Umiling ako at wala sanang balak na magkwento sa kanya pero dahil mukhang alam niya ang sitwasyon ko ay hindi ko tuloy napigilan ang magkwento sa kanya. “Tumawag kasi ang Daddy mo dito noong nakaraan, Miss Athena. Nagtatanong kung wala ka talagang ka-fling o kahit manliligaw,” sambit niya. Hindi maiwasang napasinghap ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na hanggang dito sa opisina ay tatawag at magtatanong si Daddy. Mukhang hindi pa yata siya naniniwalang wala talaga akong boyfriend! “I’m sorry. I didn’t know that he called here just to ask that,” sambit ko. Hiyang-hiya ako dahil pakiramdam ko ay mismong ama ko ay hindi nagtitiwala sa mga sinasabi ko. Ano bang akala niya? Na nililihim ko lang na may boyfriend ako kahit ang totoo ay wala naman talaga? Kahit manliligaw ay wala na dahil wala naman akong ginawa kundi ang i-reject sila. Ang iba ay hindi nagpapigil sa panliligaw. But eventually ay tumigil na rin dahil wala naman talaga silang mapapala dahil masyado akong nalilibang sa trabaho at wala talaga akong oras sa pakikipag date o kahit man lang makipagkilala sa mga lalaki. No one literally came close after I broke up with my ex-boyfriend. At siguro ay pare-pareho ng iniisip na dahilan ang karamihan sa nakakakilala sa akin. Na hindi pa ako nakaka move on kaya hanggang ngayon ay single pa rin ako at hindi nakikipag date at nagpapaligaw sa kahit na sinong lalaki. “Kung wala kang balak na mag-asawa, Miss Athena, magpa-buntis ka na lang!” nakangisi niyang suggestion sa akin. Tumawa ako pero hindi ko tuluyang maalis sa isip ko ang sinabi niya. Ano nga kaya kung magkaroon na lang ako ng anak? My Dad would eventually stop nagging me if I will get myself a child! “Pero mukhang kahit ang maghanap ng bubuntis sa akin ay mahihirapan ako, Yolly. I have quite a high standard in men,” napapangiwi kong sambit sa kanya. Tumaas ang kilay niya. “But that is not a problem, Miss Athena. Maganda ka, mayaman… Most of the men in your circle are like you. Hindi ka mahihirapang humanap ng ka-level mo. Just… don’t be so choosy. Basta alam mong pasok sa standards mo ay go na, Miss Athena! Bigyan mo na lang ang apo ang Daddy mo. Makakalimutan din niya ang tungkol sa pag-asawa mo…” nakangising sambit niya. Hindi na ako nag komento pa tungkol sa mga sinabi ni Yolly pero habang pauwi ako sa bahay ay ang mga sinabi niya ang laman ng isip ko. Pero baka itakwil ako ni Daddy kung apo lang ang ibibigay ko sa kanya at walang kasamang manugang! Naiiling na bumaba ako sa sasakyan nang tuluyang nakauwi sa bahay. Hindi ko alam kung bakit habang naiisip ko ang mga sinabi sa akin ni Yolly ay walang ibang pumapasok sa utak ko kundi ang batang si Kit! Damn it, Athena! He is not even a kid right now! Kung thirty six na ako ay twenty six na siya! He is no longer the kid who stole a kiss from me decades ago! Mariing napapikit ako nang maalala ang mga pictures niya sa social media. Gwapo na siya noong bata siya pero hindi ko pa rin maiwasang isipin kung paano siya naging hot ng sobra ngayon. At hindi ko rin mapigilang isipin na marami na sigurong naging girlfriend ang batang ‘yon. Imposibleng walang girlfriend ‘yon kung gano’n ka-hot! Inis na inis ako sa sarili ko habang papasok sa loob ng bahay. Hindi ko maintindihan kung bakit siya parati ang nagiging laman ng isip ko nitong nakaraan. Kasalanan talaga ni Yumi ito dahil pinakita niya sa akin ang profile ni Kit! We are having dinner and Dad is extra silent. Kahit si Mommy ay tahimik at patingin-tingin lang kay Daddy kaya hindi tuloy ako makapag concentrate sa pagkain ng dinner. Nang lingunin ko si Hector ay tumaas ang kilay niya sa akin at saka naiiling na binalik ang tingin sa pagkain. Mas lalo lang tuloy akong hindi mapakali dahil ngayon lang naging ganito katahimik ang buong dinner namin. Usually ay kung hindi tungkol sa negosyo ay kung anu-ano ang mga tinatanong ni Daddy sa amin, pero ngayon ay sobrang tahimik siya kaya sobrang nakakapanibago. Hindi rin nagtagal ay tumayo siya at hindi man lang nagpaalam sa amin. Pare-pareho kaming sinundan ng tingin si Daddy habang lumalabas sa dining room. Bumuntonghininga si Mommy at tatayo na rin sana pero mabilis na pinigilan ko siya. “Did something happen, Mom?” hindi na nakatiis na tanong ko kay Mommy. Tumitig siya sa akin bago nagsalita. “Did you tell Dr. Lucero’s son that you are not interested in meeting him again?” seryosong tanong ni Mommy. Napasinghap ako at hindi na nabigla dahil sa tanong niya. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. “Is that the reason why Dad is silent the whole time?” hindi na nakatiis na tanong ko. Nag-iwas ng tingin si Mommy sa akin at nagpatuloy sa pagtayo. “If you don’t have a plan to get married, Athena, you shouldn’t have left your profession,” mariing sambit ni Mommy kaya natigilan ako at kunot ang noong tinitigan siya. “Ang akala namin ng Daddy mo ay pressured ka sa trabaho mo kay gusto mong tumigil at gawin ang passion mo. Wala kang narinig sa amin noong iniwan mo ang pagiging doktor. ‘Wag mong sabihin na pati ang pag-aasawa ay hindi mo na kayang gawin dahil d’yan sa passion mo, Athena?” tuloy-tuloy na sermon niya. Napasinghap ako at hindi makapag salita dahil sa pagkabigla sa sinabi niya. “Mommy–” “Why don’t you take a break, Athena? Paano kang magkakaroon ng interest sa lalaki kung puro trabaho ‘yang nasa isip mo? Take a break and have some time to socialize. You are not letting us watch our eldest daughter turning into an old maid, are you?” kitang-kita ko ang frustration sa mga mata niya habang sinasabi sa akin ‘yon. Nang hindi ako nakapagsalita ay tahimik na tumayo na siya at sumunod kay Daddy. Hector’s eyes darted on mine. “Don’t force me to date someone, Ate. I don’t have time for girls right now,” mabilis na sambit niya na para bang nabasa ang kung anong nasa isip ko bago minadaling isubo ang mga huling pagkain sa plato niya at saka tumayo na rin para lumabas sa dining room. Naiiling na pinagpatuloy ko ang pagkain pero hindi na bumalik ang gana ko dahil naiisip ko ang mga sinabi ni Mommy at ang reaksyon ni Daddy kanina. He did not even confront me. Parang mas gusto ko na lang na i-confront niya ako kesa ang manahimik siya. Mas lalo lang akong nafufrustrate at nakakaramdam ng pressure sa pag-aasawa. Nang tumunog ang phone ko ay bumuntonghininga ako bago chineck ang message ni Yumi sa akin. Mayumi Lao: Nagtatanong na si Kuya kung sasama ka daw ba para maisama sa mga list ng guest na pupunta. Kahit ayaw mo, I told him you are coming with us. Mariing napapikit ako nang mabasa ang message niya. Ilang sandali pa akong napatitig sa phone ko at agad na sinubukang tingnan ang social media account ko. I almost held my breath when I saw another friend request from Kit Yuchengco. Napalunok ako. Kahit na in-ignore ko ang request niya ay nag-send pa ulit siya sa akin. Don’t tell me… natatandaan niya pa ako? Nang maisip na sobrang tagal na simula noong huli kaming nagkita sa Cebu at imposibleng matandaan niya pa ako ay agad na nireplayan ko si Yumi para sabihin na sasama na ako sa Cagayan de Oro. Maybe I really need a break and that two week vacation will help me ease the pressure that I am feeling right now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD