[Athena’s] “You are not escaping Dad because he’s trying to set you up on someone, are you?” Kulang na lang ay ibato ko na sa kapatid kong si Hector ang maleta ko dahil kanina pa siya pabalik-balik dito sa kwarto ko at inaabala ako sa pag-eempake ng mga gamit. Hindi ko naman sinabi sa kanya na mawawala ako ng dalawang linggo dahil magbabakasyon ako sa Cagayan de Oro kasama ang pamilya ni Yumi at si Justin pero mukhang nabanggit na ng magaling kong pinsan sa kanya kaya kanina pa ako pinagdududahan dito! Akala siguro niya ay balak kong takasan si Daddy dahil sa ginagawa nitong pamimilit sa akin na makipag-date at mag-asawa. “What if you just spend those weeks attending on a date with someone you can marry, Ate? I don’t think you really have some time to waste on a vacation,” tuloy-tuloy