Sa mahiwagang lugar... "Shanaya, anong ginagawa mo riyan?” Napalingon si Bella sa nagsalita. Mabilis niyang pinahid ang luhang tumulo sa pisngi. Masiyado siyang natulala sa kaiisip kanina kaya hindi na niya namalayang nakalapit na pala si Tamak, ang kababata raw ni Shanaya. Hirap na hirap na siya sa lugar na iyon. Tinangka niyang sabihin ang lahat sa kanila; ang mga nangyari sa pagitan nila ng tunay na Shanaya, subalit naduwag siya. Nasaksihan niya kasi ang isang dayo na pinarusahan ng ninunong dayo dahil daw sa kasinungalingan. Baka gawin sa kaniya iyon at ayaw niyang makulong sa kuweba ng isang taon. Kailangan makaalis na siya rito. "Wala. Bakit ka narito? Babalik na ako sa puwesto ko." Tinangka na niyang tumalikod at pumunta sa kaniyang puwesto. Subalit, naramdaman na lang niyang