"H-hi Mike. Para pala sa 'yo." Nakangiting inilapag ni Francia ang isang box sa harap ni Mike. Napaangat ang tingin ni Mike mula sa nilalarong ML. Hindi pa oras ng klase pero nasa room na sila. Ang iba ay abala sa pagre-review, samantalang ang iba gaya nila ay walang pakialam. Kaya heto, naglalaro. "Hi raw Mike sabi ni biik ay Francia pala." Binatukan ni Mike ang katabing si Santi bago ibinalik ang paningin kay Fracia. Sinulyapan din nito ang box ng cupcake sa harap. Pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa nilalaro. "Biik, este Francia, hindi ako kumakain ng anything sweets. Kunin mo na 'yan." "Pero, gawa ko kasi 'yan. Masarap 'yan, tikman mo lang." Kinuha nitong muli ang box at pilit na iniaabot kay Mike. Sasagot sana si Mike nang pabalang ng sakto namang pumasok si Bella. Humahalimuya