DAYO 4

798 Words
Kanina pa pabalik-balik nang lakad si Shanaya. Naroon siya sa kaniyang kuwarto at hindi siya mapakali. Alam na niya ang dahilan kung bakit nawala ang pagbabasa niya nang isipan. Umupo siyang bigla sa kama at pabigla ring humiga. Naiinis siya sa katangahan. Pero iyon lang ang tanging paraan para hindi siya masundan ng mga ninunong dayo. Ang pumatay. Oo, pinatay niya ang dalawang mangangasong nagtangkang gumawa sa kaniya nang masama. Kapag kasi nawala ang mga ito, sa sikretong kuweba sila napupunta. At malalaman nilang siya ang may gawa noon. Hindi nila siya puwedeng ibalik ulit sa lugar na iyon. Masaya na siya rito. Kanina, tinanong niya si Luke kung ano ang kahilingan nito. Subalit hindi na ito sumagot bagkus ay iniwan na lang siya nito basta. Gustong-gusto na niyang makaganti sa grupo ni Mike. Pero paano? Inilabas niya ang maliit na librong dinala niya buhat sa mahiwagang lugar. Pinag-aralan niya ang iba pang puwedeng mangyari sa mga hihiling sa kaniya. Napangiti siya dahil pabor lahat sa kaniya ang mga iyon. *** "Mike, hindi mo ba napapansin? Maganda naman iyong bagong salta, 'di ba? Iyong taga-pagtanggol ni bulol? At matapang pa. Syotain mo kaya?" Naitaas ni Mike ang paningin kay Jerome mula sa cellphone. May nginunguso ito at nang sundan niya nang tingin, nakita niya si Bella. Mabilis siyang tumayo para harangin ito. "Hey Bella!" Nakangiting pagbati ni Mike. Tumigil naman kaagad ito at nakasimangot na tumingin sa kaniya. Oo nga, maganda pala siya. "Yes?" Nakataas ang kilay na tanong nito. Hawak nang mahigpit ang bag na para bang handang ipanglaban sa kanila ano mang oras. "Ang taray mo naman. Sasabayan ka lang namin sana sa paglalakad. Tara?" At ibinigay ni Mike ang ngiting kinahuhumalingan ng ilang babae. "Anong gusto mong palabasin, Mike? Bait-baitan ka ngayon?" At didiretso na sana ito sa paglalakad kaso hinarang naman ni Jerome. "Bella baby..." hindi na ni Mike naituloy ang sasabihin dahil dumaan si Miss Dimagiba. Nakangising sumabay na rito si Shanaya. "Kayo? Walang balak pumasok sa subject ko?" Nanlalaki ang mga matang binalingan nito ang grupo ni Mike ng mapansing hindi sumunod ang mga ito. "Papasok na rin po, ma'm," nakangiting saad ni Mike bago kinindatan si Shanaya. Naningkit ang mata ni Shanaya dahil sa paglalandi ni Mike. Pero, in the other hand, baka magamit niya ang kalandian nito sa balak na paghihiganti sa kanila. *** "Be-be lla... sa-sa la-la-la ma-mat ka-ka-ha-ha-po-pon..." (Bella... salamat kahapon.) Alanganing ngiti ang iginawad ni Luke kay Shanaya ng ilapag ang tray ng pagkain sa harap niya. "Para sa akin?" Tiningnan ang tray ng pagkaing na inilapag ni Luke sa harap niya. Tumango si Luke at kiming ngumiti sa kaniya. "Okay." Kinuha niya ang kubyertos at sumandok ng pagkain. Isusubo na sana niya ito ng may tumabi kay Luke na nasa tapat lang niya. Inakbayan pa ni Mike ang lalaki at mahigpit na hinawakan ang balikat. "Naman insan. Pumoporma ka na ngayon? Kapal din ng mukha mo e, no? Ang ganda-ganda ni Bella tapos li-li-ga-ga-wa-wan mo-mo lang?" As usual, second the motion ang tawanan ng grupo nito. Naibagsak ni Shanaya ang kubyertos. At inis na hinarap si Mike. "Ano bang problema mo? Nakakairita ka na!" Nanggigil na sabi ni Shanaya. "Whoah, Bella baby. Hindi ikaw ang kaaway ko. Itong pinsan ko." Kumindat na naman ito sa kaniya. "Bakit naman kasi Bella, sa dami ng maaaring magustuhan mo, ito pang si-si bu-bu-lo-lol?" saad ni Christian, ang pinakamaliit sa grupo, kasunod nang malakas na tawa nito. "E, ano bang paki n'yo? Umalis na nga lang kayo, kung ayaw n'yong..." natigil sa pagsasalita si Bella nang tumayo na si Luke. "A-a-a-li-lis na-na a-a-ko..." (Alis na ako) At nakayukong mabilis itong tumalikod palabas ng canteen. "Ma-ma-bu-bu-ti-ti pa nga..." panggagaya naman ni Santi, ang feeling pogi. "So, Bella. Date naman tayo," nagpapa-cute na saad ni Mike sa kaniya. Tinangka pa nitong hawakan ang kaniyang kamay na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Mabilis naman niyang naipiksi iyon. "Ang arte mo naman! Hoy, para sabihin ko sa 'yo, masuwerte ka at pinapansin kita. Dahil marami riyan mas maganda pa sa 'yo..." Halatang napahiya si Mike sa pagtanggi sa kaniya ni Shanaya kaya naggalit-galitan ito. Kinatyawan kasi siya ng grupo na ayaw na ayaw niya. "E, di doon ka sa kanila." Tuluyang tumayo na si Shanaya at iiwan na sana ang grupo ni Mike nang pabigla siyang hawakan nito sa braso. "Ito ang tatandaan mo, hindi pa ako napapahiya sa tanang buhay ko. At walang tumatanggi kay Mike Clemente!" mahina subalit madiin na saad nito bago siya marahas na binitawan. Napangisi naman si Shanaya. "Ito rin ang tandaan mo, walang nangahas sa akin na magsabi niyan. 'Yong huling nagtangka, namatay na." At tiningnan niya pa isa-isa ang mga ito. Halos lahat sila ay hindi nakahuma kahit pa wala na sa harap nila si Shanaya. jhavril---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD