bc

HILING SA MAHIWAGANG DAYO 2: SHANAYA, SA MUNDO NG MGA MORTAL

book_age0+
788
FOLLOW
3.0K
READ
drama
twisted
like
intro-logo
Blurb

a mundo ng mga tao maninirahan na si Shanaya, ang mahiwagang dayo.

May kapangyarihan pa kaya siya para sa mga hiling?

Paano na si Bella?

Ang pangalawang kuwentong nanaisin n'yong humiling muli...

*hiling sa mahiwagang dayo 1

© jhavril, 2019

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Miss... Miss..." Hindi man lang lumingon si Shanaya na nasa katauhan ni Bella. Dire-diretso siya sa paglalakad dahil ini-enjoy ang pagiging tao. Patalon-talon pa siya at paikot-ikot habang tawa nang tawa. Ito na ang katuparan ng kaniyang hiling. "Ang bingi naman..." "Ang ganda at sexy..." "Mukhang masarap. Sana akong mauna sa sa gunggong na ito..." Natigilan siya dahil may narinig siyang mga maliliit na tinig sa kaniyang utak. Nanlalaki ang mga matang napalingon siya sa likuran. Dalawang lalaki ang kaniyang nakita. Pinakatitigan niya ang dalawa habang nakangising lumalapit sa kaniya. Malalaswa ang nababasa niya sa kaisipan ng mga ito patungkol sa kaniya. Nababasa niya? Ibig sabihin, hindi niya naisalin ang kapangyarihan kay Bella? "Hi Miss... gusto mo nang makakasama?" Inayos pa nang balbas sarado ang nakasukbit na riffle sa balikat nito. Mukhang mga mangangaso ang mga ito. "Dude, ang bata naman niyan mukhang high-school pa 'yan. Nene pa ang itsura," saad naman ng lalaking medyo maliit. Hindi sumagot ang lalaki, pero nabasa ni Shanaya na mas gusto raw nito ang bata. Naningkit ang mata ni Shanaya. Mayamaya pa ay napangiti. May naisip siya. "May hiling ba kayo?" Napangiti ang dalawa dahil feeling nila, game naman pala ito. "Oo naman, ang maangkin ka!" Tumawa pa ang balbas sarado at marahang lumalapit na sa kaniya. "Sige. Pero maglalaro muna tayo. Ibibigay ko ang hiling mo kung may iaalay." Napakunot-noo ang lalaki sa sinabi ni Shanaya. "Aha! Iba rin ang trip mo ha? Gusto ko 'yan..." tumawa pa nang malakas ang lalaking balbas sarado bago tinangka nang hawakan si Shanaya. "Iba nga. Ibang-iba kaya payag ka na?" Patagong ikinuyom ni Shanaya ang mga palad. Naiinip na siya! Nakangiting tumango ang lalaki. At tiningnan ang kasama. "Kailangan ba tao? O hayop? Bagay?" Ngiting-ngiti pa nitong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Shanaya. "Tao. Ikaw din puwede kang humiling." Matiim nitong binalingan ang kasama nito. "Sige. Exciting ito. Iaalay ko siya at pagkatapos iaalay niya ako? Puwede ba iyon? Tapos sarili mo naman ang iaalay mo ha?" Mala-demonyo pang tumawa ang balbas-saradong lalaki. Napangisi si Shanaya. Sakto para sa plano niya. Tagumpay! jhavril---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OBSESSED with my future husband

read
423.4K
bc

Conquered By the Dragon (Welsh Dragon Book 3)

read
176.4K
bc

His Sunshine Baby

read
3.0M
bc

Loving a Bully

read
346.5K
bc

forced love of my boss

read
320.4K
bc

The School Bully

read
2.8M
bc

Jett (Sabers MC. Book 1)

read
161.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook