Nakaismid na nakaupo lang si Shanaya sa gitna nang nagkakaingayang mga estudyante. Kahit paano, may paaralan naman silang mga dayo. Parang ganito lang din naman; may estudyante, guro at paaralan. Siguro ang tinuturo lang ang naiiba.
"Bella, ka-eenrol mo lang?" Isang maputing babae ang nalingunan ni Shanaya. Naka-brace ito at mataba. As in, mataba.
"Obvious ba?" Nakasimangot na inalisan niya ito nang tingin.
Tumabi naman ito sa kaniya sa kanang upuan.
"Hindi mo ba ako natatandaan? Ako si Francia. 'Yong classmates mo no'ng 4th year?" Nakangiting hinawakan pa nito ang braso niya.
Nakataas ang kilay na sinulyapan niya ang kamay na nakahawak sa braso niya. Pagkatapos ay ibinalik dito ang tingin. At a warning look na don't touch me.
Nakangiwing binitawan ni Francia ang braso ni Bella.
Since then naman hindi ito friendly. Lalo na sa mga abnormal na panlabas gaya nila. Natuwa lang siya dahil may classmates siya dati at baka lang naman nagbago na ito. Hindi pa rin pala.
Napipilitang tumayo at bumalik sa puwesto si Francia. Pagkatapos ay nagbuklat ng notes.
Wala namang pakialam na sumimangot si Shanaya.
Boring.
Mayamaya pa, may pumasok na isang lalaking tantiya niya ay kaedad lang ng nasa katawan niya.
Kapansin-pansin kasi ang paglalakad nito nang nakayuko habang hindi na magkandaugaga sa pagbitbit ng napakaraming libro at notebook.
Kasunod nito ang mga lalaking bastos kanina. Napangiti siya. Classmates pala sila.
Sandali pa at nakita niyang binatukan ng lalaking guwapo sana ang naunang lalaki bago umupo sa may bandang kanan niya.
Bully.
Nagsisunuran naman ang apat pa. Bago isa-isang iniabot nito ang mga libro at notebook sa mga iyon.
Napansin siguro ng lalaking nanduro sa kaniya na nakatingin siya kaya napalingon ito sa gawi niya.
Tiningnan ito ng walang emosyon ni Shanaya but he sign dirty finger with a smirk.
Bastos talaga.
Pilit niya pa ring binabasa ang utak nito para malaman kung ano nga ba ang puwedeng hilingin nito at nang makaganti siya. Kaso ginawa na niya ang lahat, wala pa ring epekto.
Sinubukan niya ang mga kasama nito, wala rin.
At pati ang lalaking binu-bully nito ay hindi niya rin mabasa ang naiisip.
Inilibot ni Shanaya ang paningin at kahit sino man sa kanila ay wala siyang mabasang isip!
Hindi kaya nalaman na ng mga dayo ang ginawa niyang pakikipagpalitan ng katauhan kay Bella?
Pero kailangan pa nila akong dasalan bago makuha ang kapangyarihan ko.
Puwera na lang kung...
Nanlaki ang mga mata ni Shanaya nang maalalang maaari nga ang ginawa niya ang naging posibilidad kaya nawala ang kapangyarihan niyang magbasa ng isip ng mga mortal!
***
Natigil ang tangkang pagpasok ni Shanaya sa loob ng kotse nang may mapansing kaguluhan di-kalayuan sa kinatatayuan niya.
Hindi na sana niya papansinin pa subalit narinig niya ang boses ni Luke at kasunod ang mga tawanan.
Si Luke ang classmate niyang bulol. At nakilala na rin niya ang bastos na si Mike.
Naiinis na isinara ang pinto ng kotse at binilinan ang driver na saglit lang.
"M-m-mike... a-aki-ki-na a-ang ce-cell-phone k-ko." (Mike... Akina ang cellphone ko.)
Pilit na hinahabol ni Luke ang cellphone na pinagpasapasahan ng mga barkada ni Mike. Naroong nadarapa na ito at napapasubsob, subalit tatayong muli at hahabulin. Kakabigay lang iyon ng kaniyang kuya kaya iniingatan niya. Pero, heto at pinagtitripan na naman siya ni Mike.
Nagtatago na nga siya kanina bago pumunta ng parking lot. Ang kaso, hindi raw siya masusundo ng kaniyang kuya kaya mag-commute na lang daw siya. Paalis na sana siya nang mapansin nga siya ng grupo nito. Saktong hawak niya ang cellphone dahil tine-text niya nga ang kaniyang kuya.
"Hindi talaga kayo titigil?" matapang na saad ni Shanaya. Halos lahat sila ay napalingon sa kaniya. Nakapameywang pa siya at nakataas ang isang kilay.
"Oh, may tagapagtanggol na pala si bulol. Hoy, umalis ka na." Nginisihan lang siya ni Mike at ibinulsa ang cellphone ni Luke.
"A-a-aki-ki-na ang ce-cell-pho-phone k-ko M-m-mike." (Akina ang cellphone ko Mike.)
Pilit pa ring kinukuha ni Luke sa bulsa ni Mike ang cellphone. Naiinis na itinulak siya nito dahilan para mapaupo si Luke sa baldosa.
Agad namang dinaluhan ito ni Shanaya.
"Loser!" saad ni Mike bago nagtatawanan na iniwanan sila ng mga ito. Ginagaya pa nila ang paraan nang pagsasalita ni Luke.
"Ano ka ba? Bakit hindi ka lumaban?" Tumayo si Shanaya at gayundin si Luke.
"Hi-hin-di-di k-ko ka-ka-ya." (Hindi ko kaya.)
Malungkot na tinanaw nito nang tingin ang palayong sila Mike.
"Kaya mo. May hiling ka ba?"
jhavril---