Tulalang naglalakad si Shanaya sa hallway ng school. Kagabi pa niya tine-text si Luke pero hindi ito nagre-reply. Hindi naman niya magawang tawagan ito dahil baka nga inaayos pa nito ang problema sa kanilang bahay. Problemang siya mismo ang may gawa. Sumasakit na ang ulo niya sa pag-iisip. Hindi na sana siya papasok. At ang nakakainis pa, nagkalat ang mga hugis pusong papel sa paligid. "Maligayang araw ng mga puso!" "Happy Valentines day, baby!" At kung anu-ano pang mga pagbati gamit ang kaniya-kaniyang endearment ng mga may jowa sa paligid. Hashtag inggitmuch! Napabuntung-hiningang nagpatuloy na lang siya patungong classroom. Subalit, nasa hagdan pa lang siya nang makarinig nang sigaw. Boses babae iyon at kasunod ang malalakas na tawanan. Natural naman na makarinig siya ng mga gan