Pabuntong-hiningang nahiga nang pahalang si Shanaya sa sariling kama. Ngayon pa lang, natatakot na siya sa maaaring kahinatnatan ng hiling ni Miss Dimagiba. Wala naman siyang choice kung hindi tuparin iyon. Apat na araw siyang ikinulong ni Miss Dimagiba sa loob ng basement. Isang araw din siyang hindi nito pinakain o pinainom. Akala niya, katapusan na niya pero nang ikalawang araw, naawa ata o dahil gusto lang talaga nitong makamit ang gusto, pinakain na rin siya nito. Hindi niya alam pero napa-oo siya ng guro. Sinabi niyang makalipas ang tatlong araw makukuha na nito ang nais. At ngayon ang araw na iyon. Naiinis na tumayo siya, pilit niyang inaalis sa isipan ang mga nagawa. At lalo na ang nangyari kanina sa pagitan nila ni Luke. Gustong-gusto niyang sabunutan si Shelley at ipamukha