"Anong ibig mong sabihin? Niloloko mo ba ako?" Nasasaktan na si Shanaya sa mahigpit na hawak ng guro. "Bitiwan mo ako, ano ba!" Mabilis namang binitawan siya ni Miss Dimagiba. Hinaplos-haplos naman ni Shanaya ang nasaktang braso. "Hindi puwede? Bakit hindi puwede?!" halos sumisigaw na ito sa sobrang inis. Hindi makapaniwala si Shanaya sa inaasal ng guro. Nagpabalik-balik ito nang lakad sa harap niya hawak pa ang ulo na parang sumasakit sa kaiisip. "E, sa hindi nga. Hindi namin saklaw ang damdamin ng mga mortal. Kaya hindi puwede ang iyong gusto." Tumayo si Shanaya habang galit na hinarap siya nito. Nabasa niya kasi sa libro na bawal pangunahan ang damdamin ng mga mortal. Maling pati ang puso ay kanilang panghawakan. Malala ang mangyayari kapag tinupad nila iyon; kapahamakan. "Anon