CHAPTER 6

1262 Words
EVELYN Padapa akong humiga sa kama ko dahil sa pagod. First day of school ko pa lang pero pagod na pagod na ang katawang lupa ko. Hindi dahil sa mga lessons kundi sa traffic. Nakipag-unahan pa ako para lang makasakay pauwi. Halos isang oras akong naghihintay ng bus. Halos lahat ay punuan na at nakatayo na ang iba. Kaya wala rin akong choice kundi ang makipagsiksikan dahil hindi ako makakauwi kapag naghintay lang ako na maging maluwag ang mga dumadaan na bus. Nagtanong pa ako kanina at ang sagot sa akin ay ganito talaga dito. Need mo makipagsabayan kung nais mo ng umuwi. “Sweetie, dinner is ready.” narinig ko na tawag sa akin ni papa. “Okay po, papa. Susunod na lang po ako sa ‘yo.” “Okay, sweetie.” malambing na sabi ni papa. “Papa, puwede kaya akong kumuha ng driver license dito?” biglang tanong ko sa kanya. “Why, sweetie?” “Gusto ko po sana na ibili niyo ako ng motor. Grabe po pala talaga ang traffic dito,” sabi ko kay papa pero tumawa lang siya. “Mukhang nahirapan ang prinsesa ko.” nakangiti na sabi sa akin ni papa. “Nahirapan po talaga ako. Akala ko pa naman madali lang pero hindi po pala, papa. Ang traffic po sobra, alam mo bang nakipag-unahan pa ako para lang makasakay ako pauwi.” para akong bata na nagsusumbong. “Hahaha, ito ang gusto mo diba?” “Gusto ko dahil akala ko mabilis lang. Please, papa tulungan mo po ako. I need license,” sabi ko sa kanya. “Okay, sweetie. Magkasama tayong kukuha,” sabi niya sa akin. “Kamsahamnida, appa.” malambing na sabi ko sa kanya. “Magbihis kana dahil hinihintay na nila tayo sa baba. Magpapaalam pala ako sa ‘yo, anak. May boys night out kami ngayon. Niyaya ako ng mga old friends ko,” sabi niya sa akin. “Okay, papa. Enjoy ka po doon,” malambing na sabi ko sa kanya. “Thank you, sweetie. Labas na ako sumunod ka,” sabi niya sa akin. “Opo,” sagot ko sa kanya. Lumabas na si papa. Napangiti na lang ako dahil nagpaalam talaga siya sa akin kahit pa hindi naman kailangan. Matanda na si papa at gusto ko na magsaya siya. Gusto ko na maging masaya ang papa ko. Kahit pa tinatamad ako ay nagbihis na ako at bumaba dahil nakakahiya naman kung paghintayin ko sila. Pagpasok ko sa dining area ay nagulat ako dahil nandito si uncle. Umupo ako sa tabi ni daddy at nasa tapat ko siya. “Kumusta ang unang araw mo sa university, apo?” tanong sa akin ni grandpa. “Okay naman po, grandpa.” “Naku, daddy. Kinukulit na niya ako na kukuha na daw siya ng driver license. Nahirapan siya sa pagsakay sa bus.” natatawa na sabi ni papa. “Papa, hindi mo na dapat ‘yan sinabi kay grandpa.” sabi ko sa kanya. “Kawawa naman pala ang apo ko.” nakangiti na sabi ni grandpa. “Puwede ko siyang isabay kung gusto niya. Iisang University lang naman kaming dalawa. Dito naman palagi ang daan ko,” biglang nakisali si uncle sa usapan. “Naku, ‘wag na bro. Ayaw nga niyang ihatid siya ng driver nam–” “Okay lang po ba, uncle?” nakangiti na tanong ko sa kanya. “Okay lang naman kung gus–” “Gusto ko po, mas okay po na sumabay ako sa inyo para naman hindi ako ma-late sa class mo.” putol ko sa sasabihin pa niya. Hindi naman kasi halata na excited ako na sumabay sa kanya. Aarte pa ba ako eh siya na ang nag-alok? Pabor ito sa akin para naman maging close kaming dalawa. Malay mo kapag close na kami ay ipapasa na lang niya ako sa class niya kahit pa hindi na ako pumasok. “Okay, kunin ko mamaya ang number mo.” seryoso na sabi niya sa akin. “Thank you po, uncle.” nakangiti na sabi ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at patuloy lang kaming kumain. Habang si papa at grandpa ay nag-uusap ng tungkol sa unang araw ni papa sa company. Kaunti lang ang kinain ko dahil gabi na. Kahit pa masarap ang ulam ay mas pinili ko na hindi masyadong magpaka-busog. Umakyat si papa sa silid niya para magbihis. Si uncle naman ay nakaupo lang dito sa living room. Paakyat na sana ako pero naalala ko na kukunin pala niya ang number ko. “Ahm, u–uncle.” nauutal pa na tawag ko sa kanya. “Yes?” “Kukunin mo ba number ko?” tanong ko sa kanya. “What’s your number?” tanong niya sa akin. “Kunin ko po muna ang phone ko. Hindi ko kasi kabisado ang number ko dito,” sagot ko sa kanya at mabilis akong umakyat sa silid ko para kunin ang phone. Halos liparin ko na pababa dahil baka bigla na lang sila umalis ni daddy. “Oh my gos—” Muntik na sana akong mahulog sa hagdan pero ang bilis ni uncle dahil inagapan niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakayakap na ako sa kanya. Narinig ko siyang tumikhim kaya naman mabilis akong lumayo sa kanya. “I’m sorry, uncle.” “Huwag ka kasing tumakbo pababa dahil delikado.” sabi niya sa akin habang seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. “Opo, akala ko kasi aalis na kayo ni papa.” masyado akong honest sa sinabi ko. “Your phone,” sabi niya sa akin at kinuha ang phone sa kamay ko. “Password?” tanong niya sa akin. “Park Seo joon,” sagot ko sa kanya. “What?” kunot noo na tanong niya sa akin. “Park Seo joon,” sagot ko sa kanya. “Ikaw na maglagay.” parang naiinis na sabi niya. Kinuha ko naman ang phone ko sa kanya at ako na ang unlock. “Who’s Park Seo Joon?” kunot ang noo na tanong niya sa akin. “Boyfriend ko,” mabilis na sagot ko sa kanya. “Boyfriend?” “Opo, uncle.” “Alam ba ito ng daddy mo?” seryoso na tanong niya sa kin. “Opo, kasi si Seo Joon ang asawa ko.” nakangisi na sagot ko sa kanya. “Fvck!” mahina siyang nagmura. Aalis sana siya pero mabilis kong hinuli ang kamay niya. “What?” suplado na tanong niya sa akin. “Kukunin mo pa ang number ko diba?” “Nagbago na isip ko. Hindi na ako dadaan dito.” sabi niya sa akin na kinataranta ko. “Uncle, joke lang. Wala akong boyfriend kung ‘yon ang dahilan mo kaya ayaw mo na akong isabay sa pagpasok. Hindi mo ba kilala si Park Seo Joon. Sikat siyang Korean actor, crush ko kasi siya.” sabi ko sa kanya. “Masyado ka naman yatang confident sa sinabi mo, Miss Garcia. Kung iniisip mo na dahil sa Seo Joon na ‘yon kaya hindi na ako dadaan dito ay nagkakamali ka. I changed my mind. Ayaw ko ng sakit sa ulo kaya ayaw kitang isabay. Bigla ko kasing naalala ang ginawa mo kanina sa University. Kaya magpahatid ka na lang sa papa mo.” sabi niya sa akin at mabilis na lumabas sa may pinto. Naiwan naman akong hindi makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. “Ano ‘yon? Humanda ka sa akin bukas,” saad ko sa sarili ko bago ako umakyat sa silid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD