CHAPTER 5

1384 Words
EVELYN Nandito ako ngayon sa cafeteria. Wala naman akong kaibigan kaya mag-isa lang akong kumakain. Habang kumakain ako ay lumapit na naman sa akin ang mga bully kong classmate. Ayaw talaga akong tantanan nitong Harry na ‘to. “Hey, makikiupo nga.” Sabi niya akin at umupo sa tabi ko. Hindi ako nagsasalita at hinayaan ko na lang siya. Nagpatuloy ako sa pagkain pero nagulat ako dahil bigla na lang niyang binuhusan ng soda ang pagkain ko. Talagang naghahanap siya ng away. “Palitan mo,” utos ko sa kanya. “Ayaw ko,” nakangisi na sabi niya. “Palitan mo,” malamig na pag-uulit ko. “Ayaw ko n—” Hindi ko na siya hinayaan na tapusin ang sasabihin niya dahil mabilis akong tumayo at sinubsob ang mukha niya sa pagkain ko. “Ayaw mong palitan, ikaw na ang kumain.” Naiinis na sabi ko. “What the h*ll is going on here?!” Dumagundong na boses ni Uncle ang narinig sa loob ng cafeteria. Ako naman ay hindi pa rin pinakawalan ang mukha ng kaklase ko. Mas diniin ko pa nga ang mukha niya. “Release him,” utos sa akin ni uncle. “Bakit ko naman gagawin ‘yon?” Tanong ko sa kanya at seryoso na nakatingin sa mga mata niya. “Do I need to repeat myself, Miss Garcia?” Seryoso rin na tanong niya sa akin. “He ruined my food,” inis na sabi ko. “Release him now,” kitang-kita ko sa mga mata niya na pikon na siya. Ang galing rin niya bakit parang sa akin pa siya galit. “Kailangan ko ng bagong pagkain.” Seryoso na sabi ko bago ko pinakawalan ang bwisit kong kaklase. “Get her a new one,” utos naman ni uncle. “Ayaw ko ng—okay fine.” tumutol pa pero susunod rin pala. Tahimik naman akong lumipat sa kabilang mesa. Wala akong pakialam sa mga bulungan na naririnig ko. Ang mahalaga sa akin ay matapos ko ang pagkain ko. Pinaka-ayaw ko talaga sa lahat ay ginugulo ako habang kumakain ako. Lalo na gutom ako ngayon. “Kakausapin ko kayo after ng lunch break,” sabi ni uncle gamit ang seryosong boses. “Ito pagkain mo,” galit na nilapag ni Harry sa mesa ang pagkain ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin at ganun rin siya sa akin. Akala yata niya ay natatakot ako sa kanya. Pasalamat talaga siya dahil hindi ko binali ang leeg niya. Ayaw ko pa naman sa mga bully. Hindi ko hahayaan na apihin lang nila ako. Naranasan ko na noon kaya ayaw ko na ulit mangyari sa akin. Nagsimula na ako ulit kumain at nasa kabilang table si uncle. Kumakain rin ito dumating ang tita ko at tumabi ito sa kanya. Umiwas ako ng tingin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanila. Parang bigla akong nawalan ng gana. May relasyon kaya sila? Bakit parang sweet sila? Close ba silang dalawa? Tanong ko sa sarili ko. “Hi, can I sit here?” tanong sa akin ng isang magandang babae na sa tingin ko ay classmate ko. “Of course,” sagot ko sa kanya at kumakain ako. “I’m Reighn Dela Vega,” pakilala niya sa akin. “Alam ko na kilala mo na ako. I’m Evelyn Garcia,” pakilala ko rin sa kanya. “You’re so astig,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Self defense lang ‘yon ayaw ko kasi na may nambubully sa akin.” sabi ko sa kanya. “Me too, ayaw ko rin na may nang-aapi sa akin. Bago lang ako dito sana ay walang mang-api sa akin.” nakangiti na sabi niya. “Sa gandang mong ‘yan ay wala talaga. Baka ligawan ka pa nila.” “Hahaha, maganda ka rin naman.” Sabi niya sa akin. “Mas maganda ka,” nakangiti na sabi ko dahil talagang maganda siya. Sobrang maamo ang mukha niya. Kahit na wala siyang make-up ay talagang maganda siya. Glass skin rin siya, matangos ang ilong, mapula ang labi at para siyang isang modelo. Habang nakatingin ako sa mga mata niya ay parang may kahawig ang mga mata niya. “Maganda tayong dalawa,” nakangiti na sabi niya sa akin. Napangiti na lang ako. Magaan ang loob ko sa kanya kaya sigurado ako na magiging magkaibigan kaming dalawa. Miss ko na tuloy ang mga bff ko sa Korea. Kumusta na kaya sila? Ilang araw lang kaming hindi nagkikita ay miss ko na agad sila. “Kumain kana,” sabi ko sa kanya. Nagsimula na rin siyang kumain. Kahit ba naman sa pagkain ay mahinhin pa rin siya. Kung lalaki lang ako ay magugustuhan ko talaga siya. Habang kumakain kami ay nagkukwento siya sa akin. Nalaman ko na galing pala siya sa US at nasa probinsya ang parents niya. Nakatira siya ngayon sa bahay ng grand parents niya. Nang matapos na kami kumain ay naglakad na ako papunta sa office ni Uncle William. Pagpasok ko ay ako na lang pala ang hinihintay nila. Narito na rin si Harry. “Ang tagal mo,” sabi sa akin ni Harry. Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya. Umupo na lang ako sa katapat niyang upuan. “Pinatawag ko kayo dahil hindi ko nagustuhan ang ginawa niyo kanina.” panimula ni Uncle. “He started it,” naiinis na sabi ko. “I don’t tolerate bullying here lalo na nakikita ko.” kalmado pa na sabi ni uncle. “Kahit ako rin naman, ayaw ko rin naman ng bullying. Pero ‘yung isa kasi d’yan feeling. Akala mo naman matapang,” sabi ko. “Anong sabi mo?” maangas na tanong sa akin ni Harry. “Pinapunta ko kayo dito para magkasundo hindi para mag-away ulit.” “Mapagpatawad naman akong tao, kaya magsorry ka sa akin.” utos ko kay Harry. “Ikaw ang dapat magsorry sa akin. Nadumihan ang damit ko at pinahiya mo pa ako.” “Ang kapal mo naman. Hindi ‘yan mangyayari kung hindi mo ako pinakialaman. Crush mo yata ako eh, papansin ka kasi sa akin.” natatawa na sabi ko. “In your dreams,” sabi niya sabay iwas ng tingin. “Sabi mo eh, sige na magsorry ka na sa akin para makalabas na tayo dit—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil ang dilim ng awra ni uncle. Bakit parang galit siya? May mali ba sa sinabi ko? “Lumabas kana, Harry. Kakausapin ko lang si Miss Garcia,” utos ni uncle sa classmate ko. Mabilis namang lumabas si Harry kaya kami na lang na dalawa ang naiwan dito. “This is your first day in school pero sakit kana agad ng ulo.” “Sakit ng ulo? Ako? Saan bang ulo ang masakit, uncle?” tanong ko sa kanya dahil gusto ko lang naman siyang asarin. “What are you–” “Uncle, hindi naman ako ang nauna. Siya kaya, he bullied me. Kitang-kita mo naman siguro diba?” putol ko sa sasabihin niya. “Alam ko pero sana ni-report mo na lang.” “Kanino? Sa ‘yo? Eh parang ayaw mo nga siyang pagalitan.” nainis ako bigla. “Sasabihin ko ito sa daddy mo,” sabi niya sa akin. “Sasabihin ko rin sa daddy ko ang ginawa mo sa akin.” nakangisi na sabi ko sa kanya. “What are you talking about?” “Hindi mo ba naaalala? Gusto mo ipaalala ko sa ‘yo?” malambing na tanong ko sa kanya at kitang-kita ko kung paano gumalaw ang adams apple niya. “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” aniya. “Okay, pero ‘wag mo sabihin sa daddy ko ang tungkol dito. Don’t worry dahil kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Just keep this as our secret at itatago ko rin ang secret nating dalawa sa daddy ko.” nakangisi na sabi ko sa kanya bago ako lumabas sa office niya. Medyo naiinis ako dahil hindi niya maalala. Iyon pa naman ang first time ko tapos hindi man lang niya naalala. Sa tingin ko naman ay okay naman ang performance ko. “Marami na bang v*rgin ang dumaan sa buhay niya?” malungkot na tanong ko sa sarili ko habang naglalakad ako papunta sa next class ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD