EVELYN
Hindi ako makatulog dahil sa kagagawan ng matanda na ‘yon. Nakakainis siya, pinaasa niya ako. Ang buong akala ko ay matutulog ako ng masaya pero hindi pala. Mukhang siya lang ang magiging masaya dahil kasama niya ngayon ang papa ko na nagsasaya sa bar. Hindi ko talaga matanggap na ganoon ang ginawa niya sa akin. Kinilig pa naman ako sa pagsalo niya sa akin kanina kaya hindi ako nahulog sa hagdan. Pero ngayon ay inis na inis na ako sa kanya. Gusto ko kasi talagang sumabay sa kanya.
“Hindi ka sana maging masaya ngayon,” saad ko sa sarili bago ako nagtalukbong ng kumot.
Itutulog ko na lang itong inis ko. Bukas na lang ako gaganti sa kanya. Hindi ko ito puwedeng palampasin na lang. Pinaasa niya ako kaya sisiguraduhin ko na sasakit ang ulo niya sa akin. At sisiguraduhin ko na ako ang mananalo. Baka gusto niyang ipapaalala ko sa kanya ang nakalimutan niya.
*****
Pababa na ako ngayon sa hagdan dahil kakain muna ako ng breakfast. Natanaw ko si papa na nakabihis na at mukhang aalis na siya.
“Sweetie, hindi ka ba papasok?” tanong niya sa akin.
“Papasok po, papa.”
“Hindi ka ba male-late sa class mo?”
“Hindi naman po, maaga pa naman po.” sagot ko sa kanya.
“Pero laging traffic,” aniya.
“It’s okay po, papa. Don’t worry po,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Okay, pasok na ako sa office. Ingat ka sa biyahe, next week ay kukuha na tayo ng license mo.”
“Thank you, appa.” masaya na sabi ko dahil excited na ako.
Kumain muna ako ng breakfast bago ako pumasok sa University. Alam ko na late ako at talagang sinadya ko. Nang makarating ako sa campus at tahimik na ang hallway. Nagsisimula na ang class at hindi ako pumasok sa class ni uncle. At nakatambay lang ako sa labas ng room. Hinintay ko na matapos siya sa class niya..
Paglabas pa lang niya ay nakakunot na agad ang noo niya nang makita niya ako.
“You’re late,” seryoso na sabi niya sa akin.
“I’m not late, mas maaga nga ako para sa pasok ko bukas sa class mo.” nakangiti na sagot ko sa kanya.
“You’re so rude, makakarating ito sa papa mo.” sabi niya sa akin.
“Sige lang, go.” nakangiti pa rin ako sa kanya bago ako pumasok sa loob ng room namin.
Wala sa mood akong umupo sa upuan ko. Lumapit naman sa akin si Reighn. Nakangiti siya sa akin kaya naman ngumiti rin ako. Ayaw ko naman siyang idamay sa init ng ulo ko sa matandang binata ko na prof.
“Late ka? Dahil ba ulit sa traffic?” nag-aalala na tanong niya sa akin.
“Sinadya kong hindi pumasok sa class ng matanda na ‘yon.” mahina na sabi ko.
“Hahaha! Ayaw mo bang pumasok sa class ni prof?” natatawa na tanong niya sa akin.
“Ayaw ko,” mabilis ko na sagot kay Reighn pero nakangiti lang siya sa akin.
“Gusto mo bang sa condo ko? Wala naman akong kasama at malaki ‘yon,” sabi niya sa akin.
“Akala ko sa bahay ka ng grandma mo?”
“Lilipat na ako mamaya, ayaw kong mapagod sa biyahe. Every weekend ay uuwi ako sa kanila. May condo ako na malapit lang dito, walking distance lang,” mahinhin na sagot niya sa akin.
“Huwag na, kapag nakakuha na ako ng driver license ay pwede na akong magmaneho ng motor.” sabi ko sa kanya.
“Ang cool mo naman, magaling ka siguro magmotor.” sabi niya sa akin.
“Marunong lang ako. Hindi naman ako magaling, sa Korea kasi ay may part time job ako at minsan nagdedeliver ako. Hindi naman kami mayaman sa Korea.” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Ang mommy ko racer siya,” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Really?”
“She was a professional racer,” nakangiti na sagot niya sa akin.
“Wow!” tanging nasabi ko.
“Pero ngayon full time housewife na siya.”
“Ikaw, ayaw mo bang maging katulad niya?” hindi ko mapigilan na itanong sa kanya.
“Mas mahilig akong mag-volleyball kaysa humawak ng manibela,” sagot niya sa akin.
“Hindi ka ba takot na matamaan ng bola?”
“Hindi naman, tinamaan na ako dati. Masakit pero okay lang,” tumatawa pa siya ngayon. Kahit ang tawa niya ay ang hinhin.
“Ako naman sports ko taekwondo. Sa Korea kasi common na siya at nagustuhan ko naman,” sabi ko sa kanya.
“Alam mo malaki ang similarity niyo ng mommy ko. Sana ay magkakilala kayong dalawa, sigurado ako na matutuwa siya sa ‘yo.” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Puwede ko ba makita ang mukha ng mommy mo?” wala sa sarili na tanong ko sa kanya.
“Okay, wait lang.” aniya habang hinahanap sa phone niya ang picture ng mommy niya.
“Ito–”
“Garcia, tawag ka ni Prof Dela Vega!” sigaw ng classmate ko.
“Why?” kunot noo na tanong ko.
“Ewan ko, hindi ko alam. Sabi pa niya ay bilisan mo daw,” sagot naman ng classmate ko.
“Sige na puntahan mo na, baka mas magalit pa ‘yon kapag nagtagal ka. Next time ko na lang ipakita sa ‘yo ang pictures ng mommy ko.” sabi sa akin ni Reighn.
“Okay, sige punta lang ako doon.” paalam ko sa kanya.
Ayaw ko naman sanang pumunta pero sige puntahan ko na lang. Kumatok ako sa pinto niya.
“Come in,” narinig ko na sabi niya.
Pagpasok ko ay nandito si auntie. Magalang ko naman siyang binati. At nakangiti naman siya sa akin. Hinintay ko muna na matapos silang dalawa sa pinag-uusapan nila. Kahit na ang totoo ay naiinip na ako. Nilalaro ko na nga ang butones ng uniform ko. Nang makalabas si auntie ay kami na lang na dalawa ang naiwan dito.
“Pinatawag mo daw ako?” tanong ko sa kanya.
“Give me your number,” sagot niya sa akin.
“Wala akong phone,” masungit na sabi ko sa kanya.
“You have a phone kaya ibigay mo na ngayon.”
“Hindi ko kabisado ang number ko.”
“Give me your phone.”
“Hindi ko dala ang phone ko. Iniwan ko sa bahay,” sagot ko sa kanya.
“Iniwan? Hindi mo dapat iniiwan ang phone mo? Paano kung may emergency ka? Paano mo tatawagan ang papa mo?” parang naiinis na sabi niya sa akin.
“Are you my father? Mas OA ka pa sa papa ko,” sabi ko sa kanya.
“Nagsasabi lang ako ng–”
“Alam mo po, hindi ko na ibibigay ang phone number ko. Para saan pa? Pagkatapos mo akong paasahin na isasabay mo ako. Ayaw mo nga kunin diba kaya panindigan mo na.” mataray na sabi ko sa kanya.
“Ganyan ka ba talaga makipag-usap? Ang bastos mo,” tanong niya sa akin.
“Diba ayaw mo na magalang ako ako sa ‘yo?” nakangisi na sabi ko sa kanya.
“We’re here in the Campus kaya sana kahit dito ay irespeto mo naman ako. I’m your professor at late kana naman sa class ko. Sa tingin mo ba ito-tolerate kita sa ginagawa mo porket bestfriend ko ang papa mo.”
“I’m late? I’m absent po, magkaiba po ‘yon. I’m sorry po uncle professor pero boring po ang class mo. Inaantok ako habang nakikinig sa ‘yo. Like you, ang boring.”
“What the—”
“Mano po, uncle. Bukas po ay hindi na ako late,” nakangisi na sabi ko at mabilis na tumakbo palabas sa office niya.
Narinig ko ang mga malulutong niyang mura. Kaya naman napangiti na lang ako. Sapat na ang isang mano para makaganti sa kanya.
“Humanda ka talaga sa akin dahil gagalangin na kita simula ngayon. Ipapaalala ko sa ‘yo ang edad mo kapag nakikita kita.” napa-bungisngis ako bigla sa kalokohan na iniisip ko.