CHAPTER 1
WARNING: MATURE CONTENT..THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK..
PAALALA: HINDI PO SILA MAGKADUGO SA STORY NA ITO.. UNCLE LANG ANG TAWAG NG FL ko sa ML dahil bestfriend ito ng daddy niya.. THANK YOU PO!
****
EVELYN
“Papa, ayaw ko po. Ayaw kong lumipat sa Philippines.” saad ko sa papa ko na pinipilit akong lumipat na kami sa Pilipinas.
“Sweetie, I need to go back there. We need to go back. Kailangan na ako ng lolo mo.” saad niya sa akin.
“Ikaw na lang po. Dito na lang po ako. Ayaw ko po doon ang init po doon mas gusto ko po dito sa Korea.” sabi ko sa kanya.
“Sweetie, kaya mo ba na hindi ako kasama? Kasi si papa, hindi kaya na wala ka sa tabi ko.” aniya.
“Pero, papa. Ayaw ko po talaga doon.”
“Sweetie, let’s have a deal. Doon kana mag-aaral at kapag hindi mo talaga gusto doon ay babalik ka dito. Gwaenchanha? (Is that okay with you?)”
“Opo, appa (opo, papa).” sagot ko sa kanya dahil alam ko naman na hindi siya titigil. Kaya wala talaga akong choice kundi ang sumama na lang sa kanya.
“Mabuti naman at pumayag kana.” sabi niya sa akin.
Kami na lang na dalawa ni papa ang magkasama kaya naman ayaw ko naman na maiwan siya. Siya lang ang nakakaintindi sa akin. Kahit pa sobrang pasaway ako at minsan bulakbol ako sa pag-aaral ko. Maagang nagsama ang mga magulang ko. At ayaw ng lolo ko sa mama ko dahil galing ito sa mahirap na pamilya. 19 years old lang ang mama ko at si papa naman ay 20 years na noon. Hindi pa si daddy tapos sa pag-aaral niya noong nabuntis niya si mama.
Dahil sa tulong ng mga kaibigan ni papa lalo na ng bestfriend niya ay napunta kami dito sa Korea. At simula noon ay pinutol na ni papa ang ugnayan niya sa pamilya niya. At nabuhay kami ng masaya. Pero two years ago ay iniwan na kami ni mama. Nagkaroon siya ng brain tumor kaya pumanaw na siya. Simula noon ay nagbago na ang buhay namin.
Aaminin ko na naging malungkot ako kaya binaling ko ang atensyon ko sa mga kaibigan ko. Pero naging magulo rin ang buhay ko dahil nasasangkot kami palagi sa gulo. Graduating na ako ngayon ang toto niyan ay last year pa sana. Pero dahil sa mga kalokohan ko ay hindi ako pumasa. At ngayon sa Pilipinas na ako mag-aaral.
“Appa, kailan tayo uuwi sa Pilipinas?”
“Sa sabado, anak.”
“Po? Sa sabado na po agad?” hindi ako makapaniwala na sa sabado na agad kami uuwi.
“Oo, anak dahil on monday magta-trabaho na ako sa company natin.”
“Okay po,” sagot ko na lang sa kanya.
May dalawang araw lang pala ako para magpaalam sa mga kaibigan ko. Kaya naman susulitin ko na talaga. Minsan lang ito kaya naman naisip ko na sa bar na lang kami pupunta at iinom kami hanggang sa nalasing kami. Nagpaalam naman ako kay papa kaya alam na niya kung saan ako hahanapin.
Pagdating ko sa bar ay kaagad kong hinanap ang mga kaibigan ko. At nakita ko naman sila kaya nagsimula na kaming uminom.
“Geonbae! (cheers!)” sabay-sabay na sigaw namin.
“Yeoleobun, jeoneun uliga pillipin-eulo dol-agagi ttaemun-e tteona nida. (Guys, aalis na ako dahil babalik na kami sa Pilipinas.)”
“Eonje? (Kailan?)”
“Toyoil-e, (sa sabado)” sagot ko sa kanya.
“Jeongmal? (really?)”
Tumango ako bilang sagot sa kanila. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kahit ako rin naman ay nalulungkot rin naman. Pero ano nga ba ang magagawa ko.
“Bogo sip-eul kkeoya (We will miss you.)”
“Nado dangsin-eul modu geuliwohal geos-ibnida. (Ako rin mamimiss ko kayong lahat)” sabi ko sa kanila.
Nagyakapan kaming lahat dahil sila na rin ang naging pamilya ko. May mga kalokohan kami pero hindi kami nag-iiwan kapag may mga gulo kaming kinasasangkutan. Pagkatapos ng drama namin ay nagpatuloy kami sa pag-inom. Hanggang sa may napansin ako na lalaki na kanina pa nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nationality niya pero gwapo siya.
Matangkad, matangos ang ilong, medyo makapal ang kilay at maganda ang katawan. Kinagat ko ang daliri ko dahil naakit ako sa kanya. Kaya naman lakas loob akong lumapit sa kanya. Gusto ko lang naman siyang halikan. Titikman ko lang naman kung masarap ba ang labi niya. After nito ay hindi naman niya ako kilala kaya okay lang. Tikim lang naman ang gagawin ko.
“Hi, handsome. Are you alone?” tanong ko sa kanya.
“Yeah, I am.”
Sh*t! Boses pa lang niya ay napaka-manly na. Ang bango pa ng hininga niya kahit pa umiinom siya ng alak. Ito ‘yung lalaking boses pa lang kikiligin ka na.
“Can I join you?”
“Of course, baby.” nakangisi na sagot niya sa akin.
Umupo naman ako sa tabi niya.
“Cheers!”
Uminom kaming dalawa. Kapag ganitong oras ay kanya-kanya na kami ng mga kaibigan ko. Dahil gusto rin naman nilang mag-explore. At ganun rin naman ako. Likas na sa akin na maging explorer. Kulang na lang ay palitan ko na si Dora. Sa pagiging adventurous ko.
Nagkwentuhan kaming dalawa ni Mr. Stranger. Nalaman ko na Filipino siya kaya naman nagtagalog na ako. Habang lumalalim ang gabi ay mas lalong sumasarap ang usapan naming dalawa. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakikipaghalikan sa kanya.
Nakakandong na ako ngayon sa kanya habang walang tigil sa pakikipaghalikan sa kanya. Naramdaman ko na naglalakbay na ang mga kamay niya sa katawan ko.
“Let’s get out of here, baby.” bulong niya sa tainga ko.
“Okay, baby.” nakangisi na sagot ko sa kanya.
Bago kami tuluyang lumabas sa bar ay pinanggigilan niya muna ang labi ko.
*****
“Ouch!” napangiwi ako dahil naramdaman ko ang kakaibang sakit na nasa pagitan ng mga hita ko.
Kakagising ko lang at nahihilo pa ako pero tinalo ng sakit na nasa…
“Fvck!” napamura ako bigla dahil naalala ko ang nangyari sa akin kagabi.
“Ang tanga mo!” sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko.
Naisuko ko ang hindi dapat sa lalaking hindi ko naman kilala. Ni pangalan nga niya ay hindi ko alam. Pinilit kong bumangon kahit pa nahihirapan ako. Lalong tumamlay ang pakiramdam ko ng makita ko ang pulang mantsa na nasa bedsheet. Nagulat pa ako sa lakas ng tunog ng phone ko.
“Paktay na,” bulalas ko ng makita ko ang pangalan ni papa sa screen ng phone ko.
Ayaw kong sagutin pero bigla na lang siyang nagpadala ng mensahe sa akin.
Appa: Umuwi kana, dahil narito ang Uncle mo.
Me: Uncle?
Tanong ko sa kanya dahil wala naman akong naalala na may kapatid siya. Pinsan kaya niya ito? Tanong ko bigla sa sarili ko.
Bahala na nga. Kailangan ko na talagang umuwi. Bahala na, naisuko ko na ang bataan kaya naman wala na akong magagawa pa. Magpasalamat na lang siguro ako dahil gwapo at yummy ang first experience ko. Kahit papaano ay swerte pa rin naman ako.
Kahit na paika-ika ako ay nakarating rin ako sa bahay namin. Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng papa ko.
“Saan kana naman ba galing na bata ka? Tara na sa loob dahil hinihintay na tayo ng Uncle mo,” sabi niya sa akin.
“Uncle? Sino po bang Uncle, pap….”
Hindi ko na magawang tapusin ang sasabihin ko dahil sa taong nasa harapan ko ngayon.