EVELYN
Akala ko pa naman magiging masaya na ang araw ko pero itong Harry na ito ay sinusubukan na naman ang pasensya ko. Trip talaga niya akong asarin.
“Alam mo wala akong balak na patulan ka kaya tigilan mo na ako.” naiinis na sabi ko sa kanya.
“Bakit ba kasi nakakainis ang pagmumukha mo?” nakangisi na tanong niya sa akin..
“Kung may problema ka sa mukha ko ay pumikit ka na lang. Please lang, tantanan mo ako kasi ayaw ko talaga ng gulo.” naiinis na sabi ko dahil uwing-uwi na talaga ako.
Hinarang na nila ako ngayon. Ako talaga ang target nilang i-bully.
“Ang angas mo talaga. Bagay sa ‘yo turuan ng leksyon,” sabi sa akin ni Harry.
“Huwag niyo akong sisihin dahil binalaan ko kayo.”
Nauubos na ang pasensya ko kaya bahala na. Sa tingin ko naman ay kakayanin ko silang apat. Basta isa-isa lang muna para naman sigurado ako. Sumenyas si Harry sa mga kampon niya na sugurin na ako. Nakatayo lang ako at naghihintay sa kanila. Nang malapit na ang isa sa akin ay umikot ako sabay sipa sa dibdib niya. Ayaw ko naman tamaan ang ulo dahil baka ano pa mangyari sa kanya.
“What the—”
“Sabi ko naman kasi sa ‘yo, ‘wag ako. Ano pa hinintay mo? Sugod na, ipakita mo sa akin ang tapang mo, Harry.” nakangisi na sabi ko sa kanya dahil natutuwa na ako ngayon.
Hindi na masama para sa magiging practice ko. Hindi siya sumugod dahil ang mga alepores lang niya. Wala akong choice kundi patumbahin silang lahat. At nang akmang tatakbo si Harry ay mabilis ko siyang hinuli at binalibag ko siya.
“Sa susunod leeg mo na ang babaliin ko. Naiintindihan mo ba ako? Kung ayaw mo masaktan pa ulit ay itikom mo ang bibig mo.” pagbabanta ko sa kanya.
“Sh*t!” napamura ako bigla dahil may mga guards na dumating kaya naman mabilis akong tumakbo sa bandang parking area.
Mabilis akong lumapit sa isang kotse dahil hinahabol na ako ng mga guards. Kahit pa hindi ko alam kung sino ang may-ari nitong kotse ay binuksan ko ito at mabilis na pumasok sa loob para magtago.
“What the h*ll are you doing?!” nagulat ako sa tanong sa akin ng may-ari ng sasakyan.
“U–Uncle,” nauutal na sambit ko.
“What the–”
“Sorry, uncle. Hindi ito magtatagal. Magtatago lang po ako,” sabi ko sa kanya.
“Ano na naman ba ang ginawa mo?” suplado na tanong niya sa akin.
“Ayaw kasi akong tantanan ni Harry.”
“So, ikaw pala ang hinahanap niyang mga guards.” sabi niya.
“Hindi naman ito mag– Anong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya dahil binuksan niya ang pinto ng kotse niya.
“Tatawagin ko sila.”
“What the h*ll?!” sigaw ko sa kanya. Hindi yata siya makapaniwala sa pag-sigaw ko sa kanya.
“Kailangan mo na talagang bigyan ng leksyon dahil—”
Hindi ko na siya hinayaan na magsalita dahil hinila ko siya at hinalikan ko siya sa labi para naman manahimik siya. I need to do this para naman paglabas ko ay wala na ang mga guards. Ilang segundo rin na naglapat ang mga labi naming dalawa bago naghiwalay. Kitang-kita ko kung paano siya nagulat sa ginawa ko.
Napatingin ako bigla sa may backseat at may nakita akong t-shirt at sumbrero kaya naman mabilis kong hinubad ang damit ko at sinuot ko ang damit niya. Pinusod ko rin ang buhok ko at sinuot ko ang sumbrero niya.
“Thank you po sa tulong niyo, uncle. Ibabalik ko na lang po itong damit mo.” sabi ko sa kanya sabay mano sa kamay niya.
“Thank you po ulit,” nakangisi na sabi ko bago ako lumabas sa kotse niya.
Wala akong response na narinig dahil mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Masyadong malaki ang damit niya pero okay na ito kaysa mahuli ako ng mga guards. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil payapa akong nakalabas sa gate.
Wala akong balak na magbus ngayon kaya naman nagtaxi na ako pauwi. Maaga akong nakauwi kaya naman may time pa akong magbabad sa bathtub ko. Gustong-gusto ko talaga magbabad dahil nakaka-relax. After 30 minutes ay umahon na ako para maligo na. Nang matapos ako ay mas pinili ko na towel ang itakip sa katawan ko kahit na may bathrobe naman.
“A–Anong ginagawa mo dito?” nauutal na tanong ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
“Dinner is ready,” sagot niya sa akin at mabilis na lumabas sa room ko.
“What the fvck? Hindi ‘yon totoo diba?” tanong ko bigla sa sarili ko.
Mabilis akong nagbihis para kumpirmahin na mali ang iniisip ko. Na wala talaga dito si uncle. Pero sh*t, pagbaba ko ay nandito talaga siya. Bigla akong kinabahan dahil baka bigla niya akong isumbong sa daddy ko.
“G–Good evening po, uncle.” nauutal na bati ko sa kanya at wala sa sarili na nagmano ako.
“Magalang talaga itong, apo ko at malambing pa. William, ikaw na sana ang bahala na tumingin sa University. ‘Wag mo naman pahirapan ang apo ko,” sabi ni grandpa.
“Late po siya sa class ko kanina.” biglang sumbong niya sa lolo ko.
“Sweetie, sabi ko naman sa ‘yo na late kana kanina.” sabi sa akin ni papa.
“Sorry, papa. Bukas po ulit, I mean bukas po ay agahan ko na para naman hindi na ako ma-late sa class ni uncle. Naiinis nga po ako dahil hindi ako nakapasok sa class niya. Ang galing pa naman ni uncle magturo,” nakangiti na sabi ko kahit na ang totoo ay kasinungalingan lang mga pinagsasabi ko.
Nakita ko naman na naging seryoso ang mukha ni uncle sa sinabi ko. Binalewala ko lang ito at nagkunwari na ako na kumakain ako ng maayos.
“Anak, bilhan na kaya natin ng condo ang apo ko? Para naman malapit na lang siya sa University.” biglang tanong ni grandpa kay papa.
“Gusto mo bang lumipat, sweetie?” tanong sa akin ni papa.
“Ayaw ko po, papa. Gusto ko na magkasama po tayong dalawa,” sagot ko sa kanya dahil ‘yon naman ang totoo.
“Okay, sweetie.” nakangiti na sabi sa akin ni papa.
Alam ko na ayaw rin niya na magkahiwalay kaming dalawa. Kaya nga ako napilitan na sumama sa kanya dahil sa nais niya na magkasama kami. Alam ko na kahit sa breakfast at dinner lang kami magkasama ay sapat na ‘yon sa papa ko.
Narito na naman pala si uncle dahil lalabas na naman sila ng papa ko.
“Huwag mo ngang yayain lagi ang papa ko na pumunta sa bar. Hindi siya katulad mo,” naiinis na sabi ko sa kanya bago ako umakyat sa silid ko.
Naiinis ako dahil sigurado ako na tinuturuan niya ang daddy ko na maging babaero tulad niya. Iniisip ko pa lang na magkakaroon na ako ng stepmom ay hindi ko na kaya. Gusto ko naman na maging masaya ang papa ko pero hindi pa ngayon. Two years pa lang namatay ang mama ko at ayaw ko na may pumalit agad sa kanya. Okay lang na mag-enjoy siya basta hindi niya kasama si uncle.
“Sweetie, alis na kami.”
“Okay, papa. Ingat p and enjoy,” sagot ko sa kanya.
Hindi ako lumingon sa kanya. Hinayaan ko siyang tuluyang umalis.
“Hindi man lang ako niyaya, gusto ko rin naman pumunta doon.” biglang saad ko sa sarili ko.
“What if tumakas kaya ako ngayon? Ngayon lang naman e. Uuwi rin ako kaagad.” nakangisi na sabi ko at mabilis na naghanap ng isusuot ko.
“Reighn, gusto mo bang sumama sa akin?” tanong ko sa kaibigan ko dahil siya agad ang una kong naalala.
“Saan?” tanong naman niya mula sa kabilang linya.
“Sa bar,” sagot ko sa kanya.
“Okay sige,” sagot niya sa akin na ikinangiti ko.
Mukhang nakahanap na ako ng magiging bestfriend ko. Mukhang hindi ito ang unang beses na tatakas ako. Mukhang masusundan pa ng maraming beses.