CHAPTER 9

1326 Words
EVELYN “Ang ganda mo, beshy.” nakangiti na sabi sa akin ni Reighn nang magkita na kaming dalawa. “Ikaw rin po, beshy.” sabi ko rin sa kanya. Kung maganda siya kapag hindi nakaayos mas lalo siyang gumanda ngayon. Kahit pa light lang ang make-up niya ay ang ganda-ganda niya talaga. Dinaanan ko siya para naman sabay na kaming pupunta sa bar. Siya ang nagmamaneho dahil may kotse pala siya. Gusto ko sana na ako pero wala naman akong driver license kaya pasahero na lang muna ako ngayon. Ayaw kong maging makulit kapag si Reighn ang kasama ko. Alam ko kasi na matino siyang babae at ayaw ko naman na maging katulad ko siya. Aminado ako na may katigasan talaga ang ulo ko. “Saan tayo pupunta, beshy?” “May alam ka bang bar dito?” tanong ko rin sa kanya. “Meron, doon na lang ba tayo?” nakangiti na tanong niya sa akin. “Doon tayo sa safe para sa ‘yo.” natatawa na sagot ko sa kanya. “Don’t worry nagpaalam ako sa mommy ko. Pumayag naman siya.” “Ang swerte mo siguro sa mommy mo kasi mukhang mabait?” “Super blessed ako na siya ang mommy ko. She’s cool and kind,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Ang mama ko rin, mabait at mapagmahal siya. Kaya lang iniwan na niya kami, she passed away two years ago.” “I’m sorry—” “Okay lang, hindi mo kailangan na magsorry sa akin.” sabi ko sa kanya. “Mag-enjoy na lang tayo para hindi ka malungkot.” sabi niya sa akin. “Tama ka, let’s enjoy the night dahil minsan lang ito.” Nang makarating na kami sa loob ay napangiti ako. Buhay na buhay ang dugo ko dahil sa amoy ng bar. Naghanap kaming dalawa ng table at nag-order kami ng drinks. “Orange juice lang po para sa kanya.” sabi ko sa waiter. “Ladies drink po, kuya.” sabi ni Reighn. “Juice na lang po sa kanya.” “Beshy, okay lang na uminom ako. Don’t worry about me.” malambing na sabi niya sa akin. “Okay, ikaw ang bahala.” sabi ko sa kanya. “Okay lang ako, beshy. Sanay akong pumunta sa bar,” natatawa na sabi niya sa akin. Nagulat naman ako dahil sa ganito ka hinhin na babae ay nagba-bar pala. Mukhang marami akong madidiskubre sa kanya. “Bakit feeling ko hindi ka naniniwala sa akin? Alam mo ba na ang sabi sa akin ng mommy ko. Okay lang na mag-enjoy basta alam ko ang limitations ko. Kaya ‘yon ang ginagawa ko.” sabi niya sa akin. “Ako rin, kaya lang kasi.. Dibale na nga,” sabi ko sa kanya dahil sa matandang binata ko lang pala ibibigay ang pinaka-iingatan ko. Bigla ko kasing naalala ang tungkol sa limitations na ‘yan. Sobrang ingat ko na hindi ibigay ang v-card ko pero sa William lang na ‘yon napunta. Hindi na nga niya maalala ang nangyari sa aming dalawa. Kung puwede lang na hindi ko siya makita ay gagawin ko. Nagsisimula na akong mainis sa kanya. Feeling ko balewala lang sa kanya na ako ang nakasama niya noong gabi na ‘yon. “Cheers!” sigaw namin ni Reighn at nagsimula na kaming mag-inuman. May usapan kami na hanggang 12 am lang kami dito. Dahil may pasok pa kami bukas. Nagpaalam muna ako sa kanya na pupunta lang ako sa restroom. Paglabas ko ay hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero nakita ko yata si Uncle William na may kahalikan na babae. Dahil sa nais kong makumpirma ay naglakad ako papunta sa direksyon nila at tama nga ako. Siya nga talaga ang nakikipaghalikan sa isang babae. “Hi, uncle.” nakangisi na bati ko sa kanya. “Why are you here?” tanong niya sa akin na halatang nagulat na makita ako. “Where’s my dad?” tanong ko sa kanya. “Nasa VIP room. Alam ba niya na nandito ka?” tanong niya sa akin. “Hindi, tumakas lang ako.” “Sinong kasama mo?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo niya. “Kaibigan ko,” sagot ko sa tanong niya. “Let’s go, i-uuwi na kita. Hindi ka dapat narito, bawal ka dito.” sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko. “Baby, how about me? Anong balak mo sa akin?” tanong ng babae na kahalikan niya. “Maybe next time.” “Wala ng next time, nakakainis ka!” sabi ng babae at mabilis kaming iniwan. “Hindi mo ako kailangan na ihatid pa dahil kaya naming umuwi. Nagalit pa tuloy sa ‘yo ang babae mo.” sabi ko sa kanya habang pigil ang paghinga ko dahil magkadikit ang katawan naming dalawa. “Bakit ka kasi pumunta dito? Tapos bukas sa klase ko late kana naman. Ibabagsak talaga kita, hindi ako maawa lalo na sa mga pasaway na estudyante,” sabi niya sa akin. “Okay lang, puwede naman akong pumasok ulit next year. Ayaw mo pa no’n magkikita ulit tayo next school year. Hindi naman ako takot na maging repeater,” natatawa na sabi ko sa kanya. “Sa tingin mo ba natutuwa ako sa ‘yo? Sa katigasan ng ulo mo?” naiinis na siya ngayon. “Ako rin naman hindi ko rin naman gusto na naka-dikit ka sa akin at ang matigas na ulo na mayroon ka. Habulin mo na lang ang babae na ‘yon dahil masakit ‘yan sa puson kapag pinigilan mo. Mukhang hard na ‘yan, Uncle. Sige po, bye po.” natatawa na sabi ko sa kanya. Nagmano muna ako sa kanya at mabilis ko siyang iniwan. Pagdating ko sa table namin ni Reighn ay ini-sang lagok ko ang alak na nasa baso ko. Parang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa paghawak niya sa akin at pagdikit ng matigas na bagay na nasa pagitan ng mga hita niya. Aminado ako na uminit ang pakiramdam ko. “Are you okay?” tanong sa akin ni Reighn. “I’m fine, uwi na tayo.” sabi ko sa kanya. “Okay, sige.” Lumabas na kaming dalawa at siya na ulit ang nagmamaneho. Sinigurado ko muna na safe siyang nakauwi bago ako sumakay ng taxi para umuwi na rin sa bahay. Ite-text ko na lang siya mamaya kapag nakauwi na ako. Pinipigilan ko ang antok ko habang nasa biyahe. At sa wakas nakauwi na rin ako. “Thank you, kuya.” nakangiti na sabi ko sa guard namin dito sa bahay. “Miss, ‘wag mo akong idamay ha.” sabi niya sa akin. “Opo, kuya. Don’t worry po,” sagot ko sa kanya at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Puno ng pag-iingat akong umakyat sa room ko. At nang makapasok na ako sa room ko ay tuluyan na akong nakahinga ng maluwag. Nagbihis muna ako bago ako humiga sa kama ko. Sinigurado ko na hindi malalaman ni papa na umalis ako. Magpa-pahinga na sana ako pero narinig ko ang pagbukas ng gate sa baba. Kaya naman sumilip ako sa bintana ko. At nakita ko na dumating na pala si papa. Mabilis akong humiga sa kama ko. At tama nga ako papasok dito sa room ko si papa. Kaya naman ginawa ko ang lahat para magkunwari na tulog ako hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. ***** “Miss Evelyn, gising na po kayo.” “Miss, gising na po.” naririnig ko ang boses ng kasambahay nila grandpa. “Inaantok pa ako,” sabi ko sa kanya habang nakapikit. “Gising na po kayo dahil may pasok ka po sa school at may naghihintay po sa inyo sa baba—” “Anong sabi mo? Naghihintay sa baba? Sino?” biglang nagising ang diwa ko sa narinig ko mula sa kanya. “Si……”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD