CHAPTER 3

1412 Words
EVELYN Habang nasa biyahe kami pauwi sa bahay ng grandpa ko ay nakikipag-usap si papa sa driver at kay uncle hottie. Pero may pagka-nonchalant itong si uncle dahil isang tanong, isang sagot rin siya. Sobrang tipid niyang sumagot na para bang ang mahal ng bawat salita niya. “Bye, uncle.” sabi ko dahil bumaba na siya sa harap ng isang mataas na building. Doon siguro siya nakatira dahil mukha itong condominium. Hindi man lang niya ako pinansin. Ni hindi man lang lumingon sa amin. Lumabas lang at hindi man lang nagpaalam. “Papa, ganyan ba talaga ang bestfriend mo? Ang tipid po magsalita tapos ang sungit pa ni uncle.” hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi tanungin si daddy. “Pagpasensyahan mo na ang uncle mo. Ganyan talaga dahil naging matandang binata na siya.” natatawa na sagot sa akin ni papa. “Hindi naman po halata na matanda na siya. Parang nasa 20’s pa rin siya.” “Magandang lahi kasi ang mayroon sila.” “Puwede po ba akong magpalahi?” gusto ko sana itanong sa papa ko pero baka sipain ako palabas dito sa kotse. “Maganda rin naman po ang lahi natin, papa. Mas gwapo ka pa rin kaysa ay uncle.” natatawa na sabi ko. “Hahaha, sinasabi mo lang ‘yan. Sigurado ako kapag narinig ka ng uncle mo ay maiinis ‘yon dahil poging-pogi ‘yon sa sarili niya. Campus king ang uncle mo noon.” “Siguro pihikan si uncle kasi single pa rin hanggang ngayon.” natatawa na sabi ko. “Siguro, sweetie. Matagal rin kasi kaming hindi nagkita. Pero isa lang ang alam ko, babaero pa rin ‘yon. Hindi pa rin ‘yon nagbabago.” natatawa na sabi ni papa sa akin. “Halata nga, papa.” Kung alam mo lang papa kung ano ginawa niya sa akin ay baka magkaroon ng giyera. Sigurado ako na hindi mo siya patatawarin at baka bigla kayong magsuntukan na dalawa. Kaya itatago ko na lang ang pangmalakasan kong sikreto na naka-one night stand ko ang bff mo. Tinigilan na namin ang pag-uusap tungkol kay uncle dahil baka mamaya nadapa na siya. Kawawa naman ang matandang binata kapag nabangasan lang ang gwapo niyang mukha. Nakarating na kami sa bahay ni grandpa. At sinalubong kami ng isang matanda na nakaupo sa wheelchair. “Ervin, ikaw na ba ‘yan anak ko?” umiiyak na tanong ni papa. “Opo, dad. Ako na po ito, I’m home daddy.” saad ni papa at mabilis na lumapit sa matanda. Niyakap niya ito at nakita ko ang pagtulo ng luha ng papa ko. Hanggang sa tinawag niya ako at ipinakilala sa grandpa ko. Nagmano ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. “Ang ganda-ganda naman ng apo ko,” sabi niya sa akin. “Thank you po, grandpa. Nasa lahi po natin ito,” sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya. “Simula ngayon ay dito na kayo titira sa bahay. Kaya huwag kang mahihiya, just feel at home.” sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Sa totoo lang ay namangha ako sa laki at ganda ng bahay ni grandpa. Ganito pala kayaman ang pamilya ni daddy. Masyadong ma-drama ang nakaraan kaya mas mabuti na ‘wag ng balikan. Ang mahalaga sa ngayon ay nagkaayos na silang dalawa. At naging buo na ang pamilya namin. Sinalubong rin kami ng stepmom ni daddy at nang anak nito. Mukha naman itong mabait at maasikaso. Sabay-sabay kaming kumain at halos lahat ng nakahain ngayon ay pang sosyal na food. “Apo, sana magustuhan mo ang mga ihinanda namin.” “Daddy, hindi po mapili ang anak ko sa pagkain. Kahit ano po ay kinakain niyan,” sabi ni daddy. “Mabuti naman kung ganun. Nag-alala ako dahil baka sanay siya sa mga korean food.” sabi ni lolo. “Don’t worry po, grandpa. Hindi po ako mapili kahit po hilaw kina—” “Kinakain ko po, like sashimi.” tuloy ko sa sasabihin ko dahil may biglang lumitaw na alaala sa akin ng gabi na kasama ko si uncle. “Oh my gosh!” napatakip ako sa bibig ko dahil ginawa ko ba talaga ‘yon? “What’s wrong?” tanong sa akin ng papa ko. “May naalala lang po ako, papa. Sorry po,” sabi ko sa kanya. “Akala ko kung ano na. Sige na, kumain kana. Alam ko na pagod ka sa biyahe kaya magpahinga ka pagkatapos.” malumanay na sabi sa akin ni papa. Kumain na lang ako at sobrang nasarapan ako sa mga pagkain. Ang dami kong nakain at busog na busog ako. Palabas na sana ako sa dining area ng may dumating na matangkad at magandang babae. Ang sabi nila ay auntie ko daw ito at pinsan ni papa. Nag-hi lang ako sa kanya bago ako hinatid ng kasambahay nila lolo sa magiging room ko. “Wow!” hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mamangha sa room ko. Parang ang laki nito ngayon ay kasing laki na ng bahay namin sa Korea. Mabilis akong lumundag sa kama dahil sobrang lambot nito. Tumalon-talon pa ako sa sobrang saya ko. “Totoo ba ito? Hindi ba ako nanaginip?” tanong ko sa sarili ko. Ang hirap kasing paniwalaan na sa isang iglap ay magbabago na ang buhay ko/ ang buhay namin ni papa. Nakakalungkot lang dahil wala na si mommy. Hindi na niya ito mararanasan pa, ang lahat ng ito ay kami na lang ni papa. Mas magiging masaya sana ako kung kasama namin siya ni papa. Napahinga na lang ako ng malalim dahil ayaw ko ng malungkot. Alam ko kasi na mas malulungkot ang papa ko kapag nakita niya ako na ganito. Narinig ko na may kumakatok kaya naman bumangon ako. “Sweetie,” narinig ko na tawag sa akin ni papa. “Appa,” sambit ko. “On monday ay magsisimula na ang pasok mo sa University,” sabi niya sa akin pagpasok pa lang niya sa pinto. “Maayos na po ba ang mga papers ko?” “Inayos na ng auntie mo. Don’t worry dahil professor doon ang Auntie Sanna mo,” sagot sa akin ni daddy. “Hindi naman po ako nag-aalala, papa.” “Alam ko, ako lang naman ang nag-aalala.” nakangiti na sabi niya sa akin. “I got this, papa. Don’t worry dahil kayang-kaya ko ito. Alam ko na mahihirapan ako sa umpisa pero kakayanin ko. May request lang sana ako, papa.” “Ano ‘yon?” “Ayaw ko po na magbuhay prinsesa dito. Gusto ko maging normal lang na estudyante. Ayaw ko po ng personal driver. Mas gusto ko pa na sumakay ng bus. O kaya naman sumakay sa jeep.” sabi ko sa kanya. “Okay, pero sa unang araw mo ay ihahatid kita.” “Papa, ‘wag na po. Mag-bus na lang po ako, ituro niyo na lang sa akin ang direksyon.” sabi ko sa kanya. “Okay, sige. Bukas ay magbus tayo papunta doon para naman alam mo na.” sabi naman niya sa akin. “Thank you po, papa.” “Sige na magpahinga kana. Ako rin matutulog rin dahil inaantok ako,” paalam niya sa akin. “Okay po, papa. Ako rin po, magpapalamig dahil ang init sa labas. Ganito ba talaga sa Pilipinas. Tapos nakita ko pa kanina ang katulong nila granda, papa. Umiinom ng mainit na kape kahit mainit ang panahon.” “HAHAHA, marami ka pang madidiskubre tungkol sa Pilipinas, sweetie. Ika nga nila It’s more fun in the Philippines.” natatawa na sabi ni papa. “It’s more fun talaga dito, papa. Mukhang hindi ako para sa koreano,” pabiro na sabi ko sa kanya. “Kahit ano, basta mahal mo at mahal ka.” sabi niya sa akin. “Talaga, papa?” “Opo, sweetie.” malambing pa na sagot niya sa akin. “Paano po kung senior citizen na po siya?” pabiro na tanong ko sa kanya. “Naku ka talagang bata ka. Sige na lalabas na ako, kung anu-ano na sinasabi mo.” Mabilis na lumabas si papa dahil alam ko na ayaw na niyang makinig sa mga biro ko. Nagbibiro lang naman ako eh. Ayaw ko rin naman ng senior na maliban na lang kung kasing hottie ni uncle ay baka puwede pa. “Magkikita pa kaya kaming dalawa ni uncle?” tanong ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD