EVELYN
“Appa,” tawag ko sa papa ko.
“Sweetie, meet your Uncle William, my best friend.” pakilala sa akin ni Papa sa lalaki na nasa harapan ko ngayon.
“Samchon?” kunot noo na tanong ko.
“Oo, sweetie ang Uncle mo.”
“Mano po, Uncle William.” lumapit ako sa kanya at nagmano ako sa kamay niya pero iniwas niya ang kamay niya.
“Masyado namang magalang ang anak mo, Bro.” saad nito sa papa ko.
“Kahit na dito siya lumaki at sinigurado namin na Filipino Style pa rin ang pagpapalaki namin sa kanya.”
“Sweetie, kiss mo na lang ang Uncle mo. Ayaw niyang magpamano,” natatawa na utos sa akin ni papa.
Matangkad si Uncle William kaya naman tumingkayad pa ako para humalik sa pisngi niya. Wala man lang itong reaksyon dahil seryoso pa rin ang mukha niya.
“Nagkita na ba tayo before?” tanong niya sa akin.
“Hindi ko po alam, uncle. Ngayon lang po kita nakita eh,” sagot ko sa kanya.
“Gala lang itong anak ko, bro. Pero hindi pa naman ito nakauwi sa Pilipinas. Baka kahawig lang niya,” sabi naman ni papa.
“Siguro nga, bro.”
“Appa, pasok po muna ako sa room ko. Inaantok po ako,” paalam ko sa papa ko.
“Okay, sweetie.”
Halos takbuhin ko na papasok sa room ko. Pagkasara ko pa lang sa pinto ay napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang kinakabahan ako. Mukha namang hindi niya ako naalala. Pero paano kapag naalala niya ako? Lagot ako nito sa papa ko. Ang bff pa talaga niya ang nakakuha sa bataan ko. Kilala ko ang papa ko. Baka biglang magkaroon ng world w*r three kapag nalaman niya ito.
Kailangan kong mag-isip ng solusyon sa problema ko. If ever lang ay kailangan kong makipagdeal sa lalaking ‘yon. Kung bff siya ni papa ay 40+ na siya.
“Sh*t! 40 na siya pero hottie pa rin.”
“Oh my gosh! What if my asawa na siya? May anak at pamilyadong tao siya. Oh my.. No, no, no, ayaw kong maging kabit, maging querida o mistress. I can't even, oh my gosh..”
Bigla akong nataranta sa naiisip ko ngayon. Hindi ako puwedeng maging other woman. Sa angking niyang kagwapuhan ay hindi malabo na may asawa na ito. Ayaw ko naman kumulot itong tuwid kong buhok.
Ang mahal kaya ng bayad ko sa salon para lang maging maganda at healthy ang buhok ko. Hindi ko kayang hilain na lang ng iba ang buhok ko dahil baka bigla akong gumanti at makatulog siya.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako lumabas sa room ko para maligo. Hindi kasi ako makatulog kapag ganito. At kagaya kanina ay inayos ko ang lakad ko kahit na sobrang hapdi na ng kiffy ko.
“Malaki kaya ang ano niya? Bakit naman ganito ang kiffy ko ngayon? Tapos feeling ko na-dislocate pa ang balakang ko.”
Hindi na ako sumulyap kay papa dahil naririnig ko naman silang dalawa na nag-uusap. Masarap maligo kaya naman hindi ko namalayan na matagal na pala ako dito sa banyo.
“Sweetie, natulog kana ba d’yan? Ang tagal-tagal mo. Gagamit ng banyo ang uncle mo.” Narinig ko si papa.
“Palabas na po!” Sagot ko sa kanya.
Paglabas ko ay bumungad agad sa akin si Uncle William. Agad akong umiwas ng tingin at dumaan ako sa tabi niya. Nalanghap ko ang pabango niya na amoy pangmayaman.
“Bakit ang bango niya? Amoy expensive talaga siya. ‘Yung amoy na hahanap-hanapin mo talaga,” sabi ko na lang sa sarili ko.
“Sweetie, kumain muna tayo bago ka matulog.”
“Appa, mamaya na lang po ako. Inaantok na po talaga kasi ako.” Pagdadahilan ko dahil ayaw ko talaga na sumabay sa kanilang kumain.
“Sweetie, sumabay kana. Minsan lang nandito ang Uncle mo. At isa pa pagdating natin sa Pilipinas ay hindi naman kami laging magkikita dahil busy rin ‘yan sa trabaho niya.”
“Okay po, appa.”
Ako na ang naghain ng pagkain namin sa mesa. Sakto rin na pagtapos ko ay nakalabas na si Uncle sa banyo.
“Bro, pahiram ako ng damit. Nabasa kasi ang damit ko,” saad nito sa papa ko.
“Sige, bro. Kuha lang ako ng damit mo.”
Umalis si papa at pumasok sa loob ng silid niya. Ako naman ay umupo na at hinihintay ko na lang sila. Umupo naman sa tapat ko si Uncle William. Hindi ako tumingin sa kanya dahil topless siya. Pareho kaming tahimik na dalawa.
“Bro, pasensya kana sa anak ko. Mahiyain talaga ‘yan kapag may bisita kami.”
“Okay, lang bro.”
Bakit ba ang ganda ng boses niya? Gusto ko tuloy maalala ang ibang detalye kagabi. Medyo malabo na kasi ang ibang mga alaala ko. Mukha lang niya ang hindi ko makakalimutan. Nagsimula na kaming kumain at nagkukwentuhan silang dalawa. Kaunti lang ang kinain ko dahil gusto ko ng pumasok sa room ko.
Ang buong akala ko ay aalis na ito pero kasabay pala namin siyang umuwi bukas sa Pilipinas. Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko ay mas pinili ko lang na dalhin ang mga gamit na gagamitin ko. Ang mga hindi ko naman kailangan ay hindi ko na dinala pa. Kaunti lang ang mga damit na dadalhin ko dahil mainit naman doon. Halos ang mga damit ko dito ay pang winter na.
Matutulog na sana ako pero biglang pumasok ang papa ko para kausapin ako.
“Sweetie, alam ko na napilitan ka lang dahil sa akin. Pero doon, gaganda ang buhay mo. Ang buhay natin, magtatrabaho ako para maging maayos ka doon. Gusto kong iparanas ang mga bagay na hindi mo naranasan dito. Alam ko na nahihirapan ka rin dito, sweetie.”
Pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak sa harapan ng daddy ko. Alam ko kasi ang hirap niya sa pagtatrabaho para lang maging maayos kami ni mommy. Bigla akong na-guilty sa narinig ko mula sa papa ko.
“Sayang lang po at hindi na ito mararanasan ni mama.” malungkot na sabi ko.
“Alam ko na masaya ang mama mo para sa ating dalawa.”
“Kaya po natin ito, appa. Kung saan po kayo ay sasama po ako sa inyo. Kasi tayo na lang na dalawa ang pamilya.”
“Of course, tayo pa kayang-kaya natin ito. Pero please lang anak, magpakabait ka doon. Baka mapa-aga ang buhay ng lolo mo kapag nagpasaway ka doon.” natatawa na saad ni papa.
“Promise po, appa. Behave lang ako doon. Pero payagan niyo na akong magboyfriend kasi 23 na ako.” natatawa na biro ko sa kanya.
“Kapag naka-graduate kana ay papayag na ako.”
“Okay, appa. That’s our deal.”
“Opo,” malambing na sabi ng papa ko.
Nang matapos na kami sa pag-uusap ay lumabas na siya ay natulog na rin ako. Kinabukasan ay maaga kaming gumising para pumunta sa airport. Magkakasama kaming tatlo. Buong flight ay gising ako lalo na ito ang unang beses ko na sumakay sa eroplano. Gumagana talaga ang utak ko dahil nag-overthink ako. And finally nakalapag na kami after ilang hours na nasa ere.
Nasa Pilipinas na talaga ako dahil ramdam ko na talaga ang init.
“Ang init pala talaga dito, papa. ‘Yung weather dito ay parang ako lang,” sabi ko sa papa ko.
“Sweetie.”
“Kasing hot ko, papa.” pabiro na sabi ko sa papa ko at narinig ko na nabulunan si Uncle William.
“Okay ka lang ba, UNCLE?” tanong ko sa kanya.
“I’m fine,” sagot niya sa akin.
Dumating na ang sundo namin at sumabay na sa amin si Uncle. At hindi ko alam kung malas ba ako o swerte dahil katabi ko lang naman siya ngayon. Habang ang papa ko ay nasa front seat.
“Ang init na nga sa Pilipinas mas mainit na lalo dahil katabi ko itong hottie uncle ko.” pilya na saad ko sa sarili.