CHAPTER 4

1099 Words
EVELYN Maaga akong gumising dahil first day of school ko ngayon. Gusto sana ni papa na ihatid ako pero tumanggi ako dahil alam ko naman na pumunta doon. Kahapon ay tinuro na niya sa akin ang daan papunta doon sa University na papasukan ko. Sinabi rin niya ang mga sign board ng bus na puwede ko sakyan. Medyo nakakalito lang lalo na bago pa lang ako dito. Sa Korea kasi ay organize ang mga bus lalo na ang pagbabayad. Dito ay may naniningil ng pamasahe. Ang alam ko may mga bus na rin daw na pay using card. Pero mas marami pa rin ang by ticket at may tinatawag sila na konduktor. Maaga pa kaya naman nakaupo pa ako ng maayos. Mas pinili ko ang puwesto na sa may bintana. Kitang-kita ko mula dito sa kinauupuan ko kung paano bumibigat ang daloy ng mga sasakyan sa kalsada. Panay na ang tingin ko sa relo ko dahil na-stock na ako sa traffic. At kinakabahan ako dahil ayaw kong ma-late. Kailangan ko pang hanapin ang room ko dahil hindi ko naman kabisado ang campus. Sa labas lang naman kasi kami kahapon. “Na jom neuj-eul geoya (male-late na ako).” saad ko na sobrang naiinip na ako dito. “Kuya, wait po at bababa na ho ako.” sabi ko sa driver dahil balak ko na lang lakarin. Mas mabilis pa yata akong maglakad kaysa sa usad ng bus na sinasakyan ko. First day of school traffic agad ang pinaranas sa akin. Kaya need ko na talaga na agahan pa bukas. Naglakad na ako at binilisan ko na. Maaga pa ay mainit na kaya naman pinagpapawisan na ako. “Yeogi neomu deob da (ang init dito).” napapa-korean ako ng wala sa oras dahil sa mga nangyayari sa akin. Binilisan ko ang lakad ko at halos takbuhin ko na. Mabuti na lang at nakarating rin ako sa University ng maayos. “Good morning po, kuya guard.” bati ko sa guard. “Good morning, Miss.” Sa kanya na rin ako nagtanong kung saan banda ang room ko at tinuro naman niya sa akin. Habang naglalakad na ako papalapit sa room ko ay kinakabahan ako. Mukha kasing nagsisimula na ang mga klase lalo na tahimik na ang hallway. Wala ng mga naglalakad at tanging ako na lang. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng magiging room ko ay huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok. “You’re late,” bungad agad na sabi ng pamilyar na boses. “U–Uncle William?” hindi makapaniwala na bulalas ko. “Are you in this class?” tanong niya sa akin. “Yes, Sir.” wala sa sarili na sagot ko. “This is your first day in school but you are late. Next time I won’t let you in, in my class if you are late again.” napaka seryoso ng boses niya habang nagsasalita siya. “I’m sorry, Sir.” nakayuko na sabi ko. “What are you waiting for, d’yan ka na lang ba sa pintuan?” suplado na tanong niya sa akin. “I’m sorry po,” sabi ko at pumasok na ako. Sa likuran na lang ang bakanteng upuan kaya naman dito na lang ako umupo. May katabi ako na isang babae at isang lalaki. Ngumiti ang lalaki sa akin kaya naman ngumiti rin ako sa kanya. “You, late comer. Introduce yourself.” Sabi bigla ni uncle. Tumayo naman ako at pumunta sa may harap. Nakatayo ako sa tabi niya at naamoy ko ang mabango niyang perfume. “Annyeonghaseyo, I’m Evelyn Garcia. I’m from South Korea, masaya ako na makilala kayo.” nakangiti na pakilala ko. “Uy, may classmate pala tayo galing ibang bansa. Kung masaya ka na makilala kami, hindi naman kami masaya na makilala ka.” sabi sa akin ng isang lalaki na mukhang badboy. “Hindi naman ako pumasok dito para pasayahin ka,” nakangisi na sabi ko. “That’s enough, go back to your seat.” saad ni Uncle. Naglakad naman ako pabalik sa upuan ko. At habang naglalakad ako ay masama ang tingin sa akin ng lalaking mayabang. Sarap niyang balian ng daliri. Akala mo kung sino, akala yata niya ay mabubully niya ako. Sorry na lang siya hindi ako pinanganak para lang magpa-api. Tahimik akong nakikinig kay Uncle Prof at masasabi ko na magaling siyang magturo. Lahat ay tahimik na nakikinig sa kanya. Na kapag nagsasalita siya ay para bang hindi mo na aalisin ang tingin mo sa kanya. Na para bang gusto niya na sa kanya lang ang atensyon mo. Pero kahit pa gaano siya kagaling magturo ay wala naman akong maintindihan dahil sa gwapong mukha lang niya ako nakatingin. Nang matapos ang class niya ay mabilis naman siyang lumabas sa room namin. Lumapit sa akin ang lalaking mayabang. “Ang lakas ng loob mo na kalabanin ako,” aniya sa akin. “Sino ka ba? Anong pangalan mo?” nakangiti pa na tanong ko sa kanya. “Talagang malakas ang loob mo. Hindi ako nanakit ng babae pero sa kama oo,” nakangisi na sabi niya sa akin. “Ako rin hindi rin, hindi rin pumapatol sa mukhang ipis.” natatawa na sabi ko sa kanya. “Anong sabi mo? Ipis? Mukha akong ipis?” galit na tanong niya sa akin. “Wala akong sinabi, hindi naman ako nag name drop kasi ‘di naman kita kilala.” natatawa na sabi ko. “Ako si Harry at tandaan mo ang pangalan ko. Palalampasin kita ngayon pero sa susunod ay sisiguraduhin ko na malilintikan kana sa akin.” pagbabanta niya sa akin. “Ihanda mo rin ang itlog mo. Protektahan mo dahil baka hindi na dumami ang lahi mo.” natatawa na sabi ko sa kanya. “Haist! Bwisit ka!” “Kalma ka lang, kasi warning ko lang ‘yon. Dapat tandaan mo dahil nakakahiya kung matalo ka pa ng isang babae.” pabulong na sabi ko sa kanya. Akmang sasampalin niya ako pero nasalag ko ito. “Kung gusto mo pa na maayos itong mga daliri mo ay pabayaan mo ako. Hindi ako nakikipagbiruan sa ‘yo. Huwag ako at lalong ‘wag ang mga classmate natin.” sabi ko sa kanya bago ako lumabas sa room namin. Nakasunod naman sa akin ang iba kung kaklase. Nakipagkilala sila sa akin at sinabi rin nila na bully talaga sa department namin ang Harry na ‘yon. “Hay naku, mukhang hindi magiging madali ang buhay ko dito sa bago kong school. First day pa lang pero sinusubok na ako.” Wala sa sarili na bulalas ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD