CHAPTER 4: Pictures

1591 Words
Eunah Alas nuebe na ng gabi nang kami ay makarating sa apartment na nakuha ni Papa dito sa Cainta Rizal. Dumaan pa kami kanina sa drive thru sa Jollibee para bumili ng pagkain. Sa taxi pa lang ay nauna nang kumain si Eunice dahil sa gutom. "Ito bahay mo, Lolo?! Walang gamit! Wala tayo upuan!" Natawa kami sa kadaldalan ng aking anak. "Bagong bili lang kasi ito ni Lolo kaya wala pang gamit. Bukas ay sasamahan mo ako. Bibili tayo ng maraming gamit natin dito," sagot naman ni Papa habang magkatulong na naming ipinapasok sa loob ang mga bagahe namin. "Mabigat 'yong upuan, Lolo." "Si Lolo naman ang magbubuhat. Hindi naman ikaw. Kayang-kaya ni lolo 'yon." "Wala din mesa, walang kainan." "Bibili din tayo ng mga 'yan bukas na bukas din." "Pupunta tayo sa doctor bukas, eh!" "Pagkatapos natin sa doctor, mamimili kaagad tayo." "Opo." Napapailing na lamang ako sa anak ko. Mapagpuna talaga siya sa paligid niya. Maayos naman itong apartment na nakuha ni Papa. Mayroon itong maluwag na espasyo para sa sala. Nasa kaliwang bahagi ang kinaroroonan ng kusina. Napakalinis rin ng lababo. Wala pa itong kahit na anong gamit. Naririto na rin sa gilid ng kusina ang banyo at mayroon ding nag-iisang kwarto. May kama na sa loob, mga unan at kumot. Mayroon na ring isang electricfan. "Dyan na kayo ni Eunice sa kwarto." "Binili niyo rin po ba ang katre, Papa?" "Hindi. Ang sabi ng may-ari ay iniwan na daw 'yan nang dating nakatira dito. Swerte dahil mattress na lang ang kailangan natin." "Eh, saan naman po kayo matutulog?" "Pwede na ako dito sa sala. Napakaluwag naman dito. Dalawa 'yang mattress. By one take one ko 'yan nabili. Nandyan sa gilid ang isa. May natira pa naman ako dito para sa ibang gamit na bibilhin natin bukas. Kapag kinulang, mangungutang na lang tayo. Maghahanap din naman kaagad ako ng trabaho." "Kakasya pa naman po siguro 'yong naiipon ko, Papa. Maghahanap din ako ng mapagkakakitaan dito." "Magtatrabaho ka? Paano si Eunice?" "Hindi ko po siya iiwan, Papa. Hindi ko rin po siya ipagkakatiwala sa ibang tao. Basta, maghahanap ako ng paraan. Marami namang pagkakakitaan dito, basta madiskarte lang." "Ikaw ang bahala. Kumain na muna tayo para makapagpahinga na. Bukas ay maaga tayo sa doctor." "Opo." Mabuti na lang at naka-food paper box ang mga pagkain sa Jollibee. Hindi kami nahirapan sa pagkain. Wala pa rin kasi kaming mga plato sa kusina. Para kaming bumalik bigla sa zero. Ang dami naming kailangang bilhin na mga gamit dito sa bahay. Mukhang dito mauubos ang kaunting perang naipon ko. Naglinis muna kami ng katawan ng anak ko sa banyo bago kami nahiga sa kama. Kumportable naman ang kama namin, at saktong-sakto lang para sa aming dalawa. Si Papa naman ay sa labas natulog. Naawa ako dahil wala siyang electric fan at medyo mainit dahil summer ngayon. Pero ang sabi niya kanina ay sanay na daw siya. Mas mainit daw sa kulungan kaysa dito. Pero bukas ay bibili na rin ako ng isa pang electric fan na magagamit niya. Nauna nang nakatulog ang anak ko, pero ako ay nahirapang dalawin ng antok. Hindi ko alam kung paano na naman kami magsisimula nito bukas. Nag-aalala din ako dahil nasa paligid lang namin ang mga taong iniiwasan ko. At maaaring magtagpo kaagad ang aming mga landas. *** Damiel I WOKE UP to the sound of my phone ringing. Kaagad ko itong kinapa sa ibabaw ng bedside table. Maliwanag na rin pala ang buong paligid. Umaga na pala. Kaagad ko rin namang nahawakan ang phone ko at tiningnan ang kung sinumang tumatawag na ito. Mr. Houston--calling... Tila nabuhay bigla ang mga ugat ko. Bigla akong napabangon. He wouldn't call this early if it weren't important. Pero alas otso na rin pala ng umaga nang mapasulyap ako sa orasan ng phone ko. I immediately answered the call, "Yes. Good morning, Mr. Houston." "Good news, Mr. Delavega." Tuluyan nang nagising ang diwa ko dahil sa sinabi niya. "Nakita mo na siya?" "Yes. Actually, kagabi pa. Sinundo ni Mr. Alvin Ebora si Ms. Eunah sa airport alas siete ng gabi. Pero..." "Ano'ng pero?" Nangunot bigla ang noo ko sa ginawa niyang pagputol. "May kasama siyang batang babae, na sa tingin ko ay nasa tatlo o apat na taong gulang pa lamang. Tinatawag niyang Mama si Ms. Eunah. At ... " I was suddenly stunned. "She already has a child? And what?" "It's like ... I see your face in the child." Mas lalo pa akong natigilan sa sinabi niya. Bigla akong napanganga at napatulala. "W-What the hell are you saying?" Ganun na lamang ang pagkabog ng dibdib ko. "Maybe I just made a mistake, Mr. Delavega. Wala naman silang kasamang ama ng bata. Silang mag-ina lang ang dumating. Mr. Alvin took them to Cainta Rizal last night. Now, they are in a clinic in Cainta." "Who is sick?" "I'm not sure yet, Mr. Delavega. Pero sa tingin ko ay 'yong bata. Naririnig ko kasi ang sunod-sunod nitong pag-ubo." "Did you take a picture of them?" "Yes, Mr. Delavega. I'll just send them to your email account." "Okay, kindly send me the full address of their residence. Please keep a watchful eye on them. Baka bigla na lang silang--" "Marami silang dalang bagahe, Mr. Delavega. Sa tingin ko ay magtatagal sila sa lugar na ito." "We'd better be sure." "Copy, Mr. Delavega." "Thank you. You did a great job." Kaagad ko na ring pinutol ang tawag. Hindi rin nagtagal ay nakatanggap ako ng email mula sa kanya. Mabilis ko itong binuksan at sampung mga larawan ang dumating sa akin. Hindi na ako nag-atubili pang buksan din isa-isa ang mga ito. Kaagad namang bumungad sa akin ang mukha ni Eunah kasama ang isang napakagandang batang babae. Napatitig ako dito ng husto kasabay nang paglakas ng pintig ng puso ko. Napakaamo ng mukha ng batang babae... At mukhang tama nga ang private investigator. Malaki nga ang pagkakahawig nito sa akin. Damn... What the hell? I also stared at Eunah. Parang wala namang nagbago sa anyo niya ngayon, bukod tangi sa buhok niyang umigsi na, na dati-rati naman ay mahaba. It still suits her, though. She is still beautiful, like before. Tsk. Kaagad kong ipinilig ang ulo ko sa naiisip kong 'yon at iniwasan nang tumingin sa kanya. My eyes shifted again to the little girl with her. Oh, God. Was she pregnant when she left? And she didn't tell me about it. Napatiimbagang ako. Kaya ba siya biglang umalis? Tinago niya sa akin ang bata. They also have pictures of Alvin Ebora here. The man who killed my girlfriend... I will never forgive you, damn asshole. Jail should not be your only punishment. You must have died, too! *** Eunah Natapos nang suriin ng doctor si Eunice. Kinailangan daw sumailalim sa x-ray at sputum test ang anak ko upang ma-detect ang totoo niyang karamdaman. Ang sabi ng doctor ay mukhang may tuberculosis na raw ang anak ko, kaya hindi ko napigilang umiyak sa harapan nila kanina. Napabayaan ko ngang talaga ang anak ko sa probinsiya. At kung hindi pa ako pinilit ni Papa ay malamang mas lalong lalala ang sakit niya doon. Ayon naman sa doctor ay nagagamot naman daw ito, na laking pasasalamat ko. Basta maagapan lang daw kaagad. Kaagad din naming ipina-x-ray ni Papa si Eunice at pina-examine ang sputum niya. Mamayang hapon daw lalabas ang result kaya babalik ulit kami mamaya. Pero niresetahan na rin ni doktora Tariman nang para sa ubo at vitamins ang anak ko. "Sorry, anak. Napabayaan ka ni Mama." Walang humpay ang mga luha ko habang buhat ko siya at yakap ng mahigpit. "Gagaling na 'ko, Mama! Wag na ikaw iyak." Pinunasan naman niya ang mga luha ko sa pisngi. "I'm so sorry." Pinaghahalikan ko siya sa pisngi at ulo. "Pangako, mas aalagaan ka na ngayon ni Mama. Gagawin natin ang lahat para gumaling ka." "Opo. Iinom ako ng gamot, Mama. Sabi ng doctor." "Oo, at saka ng vitamins. Tataba ka na ulit." "Si Lolo na ang magluluto nang masasarap na ulam para sa iyo," ani Papa naman sa kanya. "Opo, Lolo! Kakain ko 'yan lahat!" masiglang sagot naman ng anak ko. Kalalabas lang namin ngayon ng laboratory. "Napakagaling naman talaga ng apo ko. Oh, siya. Bibilhin ko na muna ito." Tumalikod na si Papa at nagtungo sa malapit na botika. Magkakatabi lang naman ang mga clinic, laboratory at mga botika sa lugar na ito. Nasa malapit lamang din ang isang branch ng VM Health Center na pag-aari ng mga Delavega, pero pinili naming dito na lamang magpa-checkup sa maliit na clinic sa labas. Dito na lamang namin hinintay sa gilid ng kalsada si Papa. Napahinto naman ako nang aksidente akong mapatingin sa isang lalaking nakatayo sa tabi ng isang kotse at nahuli kong tila kinukunan kami ng picture gamit ang phone niya. Nakatutok kasi ito sa amin. "Hey!" sigaw ko sa kanya. Lalapitan ko na sana siya, ngunit mabilis itong pumasok sa kotse niya at pinaharurot ito paalis. Bigla akong kinabahan. Tarantadong 'yon, ah. Bakit niya kami kinukunan ng picture? Sino ba siya? Luminga ako sa buong paligid namin. May nakita naman akong dalaga sa likuran namin. Maganda siya at sexy. Teka, baka naman siya talaga ang kinukunan ng larawan ng lalaking 'yon at hindi kami. Nag-assume lang yata ako. Napasigaw pa tuloy ako. "Sino po 'yon, Mama?" tanong kaagad ng anak ko. "Wala 'yon, anak. Namali lang ako ng akala. Lapitan na natin ang lolo mo." Kaagad na rin akong naglakad patungo sa botika kung saan naroroon si Papa at bumibili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD