CHAPTER 1: Hiding
Eunah
"I'm so blissful to see you happy in the arms of a man who deserves your love. I'm confident he'll make you even happier, which is all that matters to me. Congratulations on your special day, my dearest sister. I love you... And one more thing, tigilan mo na ang kakasigaw ng Daddy na parang bata. Hindi ka na daddy's girl ngayon. Asawa mo na ang tatawagin mo palagi simula ngayon."
Nagtawanan ang buong pamilya nila sa huling sinabi ni Sir Damiel sa microphone. Kasalukuyan ko sila ngayong pinanood dito sa phone ko mula sa isang post ng account ni Ms. Damzel sa social media. Pero kahapon pa talaga ginanap ang kanilang kasal.
Isa ako sa mga kinuha niyang abay pero hindi ako dumalo. Hindi maaari dahil siguradong magugulat siya kapag nakita niya ang hitsura ko. Tulad niya ay buntis na rin ako at apat na buwan na rin ang sanggol sa sinapupunan ko.
Hindi na rin ako babalik pa sa siyudad kahit kailan. Iniwan ko na lamang ang resignation letter ko sa table ni Sir Damiel isang buwan na ang nakalilipas. Hindi ko na rin nakuha pa ang backpay ko kung may makukuha pa nga ba ako. May naipon naman ako para sa aming mag-ina. Hindi ko rin ipinaalam pa sa kanya ang kalagayan ko ngayon.
Para saan? Hindi ko nga alam kung bakit niya ginawa sa akin 'to. Kinuha niya ako mula kay Miss Damzel para lang makuha ang loob ko at magamit ang katawan ko.
Dati-rati naman ay hindi niya ako pinapansin. Pero isang araw ay bigla na lamang siyang lumapit sa akin.
"Eunah!"
Bigla akong napalingon sa tumawag sa akin at nagulat ako nang si Sir Damiel ang nabungaran ko. Kabababa niya lamang mula sa kotse niya.
Nagtaka naman ako. Paano siya napadpad dito? Kalalabas ko lamang mula sa bilibid dahil dinalaw ko ang ama kong nasa loob.
"Bakit nandito ka? Mukhang galing ka sa loob." Sumulyap din siya sa malaking gate na nasa harapan namin.
Hindi ko naman malaman ang sasabihin ko sa kanya. "Ahm, m-may dinalaw lang po akong isang kaibigan."
"Nakakulong?"
"O-Opo."
"Ano'ng kasalanan niya? At ilang taon na rin siyang nakakulong?"
"Ahm, medyo matagal na po. Napagbintangan daw po siyang pumatay."
"Oh, mabigat 'yon kung ganun." Tumango-tango siya bago muling lumingon sa mataas na gate ng bilibid. "Sarado na ba ang kaso niya? Wala bang ginawang paraan upang ipaglaban ang sarili niya?"
"Hindi na po siya lumaban. Okay na daw po siya sa loob."
"Baka naman kasi totoo."
Bigla akong napahinto dahil sa sinabi niya. May kakaiba akong nababasa sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag. Nangunot bigla ang noo ko.
"Wala lang pong pera kaya hinayaan na lang niya ang sarili niya sa loob," sagot ko sa kanya.
Muli naman siyang tumango-tango. "Where are you going now? Papasok ka na ba sa office? Sumabay ka na sa akin."
"H-Hindi na po, nakakahiya. Magta-taxi na lang po ako--"
"Sumabay ka na. Ano bang hiya-hiya." Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako patungo sa kotse niya.
"P-Pero..."
"Kaysa ma-late ka pa. Finding a taxi in this remote location is difficult."
Masyado ngang liblib kaya paano siya nakarating dito?
"S-Sige po. Salamat po, Sir Damiel." Gusto ko sanang hilahin ang kamay ko mula sa kanya ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
Tuluyan na rin kaming nakarating sa kotse niya. Binuksan niya ang pinto sa front seat at inalalayan pa niya akong makapasok sa loob.
"S-Salamat po talaga." Labis ang hiyang naramdaman ko at hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya.
"No worries." Bigla niya akong kinindatan bago niya isinara ang pinto.
Natigilan naman ako at ramdam ko ang biglang paglukso ng puso ko. Bumilis na lamang bigla ang t***k nito kasabay nang paggapang ng init sa mukha ko. Parang bigla akong nahalina sa kindat niya at ganda nang pagkakangiti niya. Dumagdag pa na napakagwapo niya.
Pero shet, hindi ito pwede. Hindi ako pwedeng makaramdam ng kahit na ano sa kanya dahil may boyfriend na ako. Hindi lang ako nasamahan ngayon ni Walter dahil puyat na puyat siya ngayon at alam kong natutulog pa siya ngayon sa kanila.
GY shift siya ngayon sa call center na pinagtatrabahuhan niya.
Mabilis na umikot si Sir Damiel sa kabilang bahagi at pumasok sa driver's seat. Pansin kong wala siyang bodyguard ngayon. Siguro ay tinakasan na naman niya ang mga 'yon. Lahat kasi silang magkakapatid ay may mga kanya-kanyang bodyguard. Pero mukhang ayaw din niyang may bumubuntot-buntot sa kanya katulad ni Miss Damzel.
Wala lang kasi talagang magawa si Miss Damzel dahil 'yan ang utos ng magulang nila. Mahigpit ang seguridad sa kanila ni Sir Damien Delavega. Mga lalaking anak lang niya ang nakakayang sumuway.
"Ang aga mo namang dumalaw sa kulungan. Palagi ka bang naririyan? Is your friend a boy or a girl?" tanong ni Sir Damiel habang binubuhay na ang makina ng kotse niya.
"Ahm, b-babae po." Kahit lalaki naman talaga dahil ama ko 'yon. Ayaw ko lang kasi na may iba pang nakakaalam ng tungkol sa kanya at sa buhay ko. Ganun din si Papa. Hindi alam ng pamilya niya na nagkaroon siya ng asawa at anak.
Tanging si Walter lang ang nasabihan ko nito. Ayaw ko rin sana itong ipaalam kay Walter noon pero nahuli niya ako. Mahirap magsinungaling sa boyfriend na palaging nakabantay sa mga galaw ko. Ipinagpapasalamat ko na lang na tanggap niya ako kahit may ama akong kriminal.
"Bihira lang naman po akong dumalaw sa kanya dahil busy po ako palagi sa trabaho." Ang totoo ay weekly ko dinadalaw si Papa. Kung pwede nga lang na araw-araw ko siyang dalawin doon ay gagawin ko, pero ayaw niya. Wala na kasi akong ina kaya siya na lamang ang mayroon ako.
Pero hindi pa patay ang ina ko. Sadyang iniwan lang niya kami ni Papa at nag-asawa na siya ng iba. Hindi niya nakayanan na mayroong asawang bilanggo at kriminal. Hindi na siya nakapaghintay pa sa paglaya ni Papa.
Ayaw din naman ni Papa na naroroon ako palagi sa kulungan, pero hindi ko kayang hindi siya makita palagi. Mahal ko siya kahit gaano karami pang kasalanan ang nagawa niya sa mundong ito. Ramdam ko din naman ang pagmamahal niya sa akin bilang ama ko.
Palagi niya akong pinapaalalahanan sa maraming bagay, lalo't nag-iisa lang akong namumuhay dito sa labas.
May mga proyekto silang ginagawa sa loob ng kulungan. Binibigyan niya ako ng mga gawa niya at nabibigyan din niya ako palagi ng pera mula sa mga pinagbebentahan nila. Ngayon ay iniipon ko na lang ang mga ibinibigay niya dahil may trabaho na rin naman ako. Para paglaya niya ay magagamit niya 'yon bilang panimula ng buhay niya. Pwede niyang gamitin pangnegosyo.
Sumumpa naman siya sa akin na huminto na raw talaga siya sa paggamit at pagtutulak ng droga. Malinis na rin ang record niya sa bawat medical nila sa loob. Kung minsan ay napapaaway pa rin daw siya, pero nadadamay lang daw naman siya at hindi siya ang nagsisimula ng gulo.
Gusto na rin daw niyang makalaya, kaya ginagawa niya ang lahat para mabigyan siya ng parol. At ginagawa ko rin ang best ko bilang anak niya para magkaroon pa siya ng inspirasyon sa buhay niya. Tinalikuran na rin kasi siya ng lahat at ako na lang ang natitira sa kanya.
"Put your seatbelt on."
Nagulat ako nang bigla na lamang dumukwang sa akin si Sir Damiel. Nanigas akong bigla sa kinauupuan ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin na kamuntik pa niya akong mahalikan sa pisngi.
"P-Pasensiya na po, nakalimutan ko."
Ngumiti naman siya kasabay nang pagtunghay niya sa akin. "It's fine. Hindi ka ba sanay sumakay ng kotse?"
Napalunok ako nang tumama sa mukha ko ang mabango niyang hininga. Parang sinadya pa niyang tagalan ang pagkakabit ng seatbelt ko.
"S-Sumasakay naman po ako palagi sa kotse ni Miss Damzel, pero nasa backseat lang po kami palagi."
Tumango-tango naman siyang muli. Hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi niya at kakaiba rin ang mga titig niya sa akin. Masyadong taimtim at nakakatunaw.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang muli na siyang umayos nang pagkakaupo sa harap ng manibela. Nahugot kong bigla ang aking hininga. Nawiwirduhan ako sa kanya ngayon. First time kong sumakay sa kotse niya at ngayon lang din niya ako kinausap ng ganito.
Kaagad na rin niyang sinimulang patakbuhin ang kotse niya.
"Saan ka umuuwi?" tanong niya na siyang ikinalingon kong muli sa kanya.
"Ahm, dyan lang po sa Taytay."
"May kasama ka ba dyan?"
"Wala po."
"Don't you have a family?"
"Wala po. Nasa probinsya po sila."
"Where is your province?"
Muli akong napatitig sa kanya. Ang dami niyang tanong. "Sa Bulacan po," sagot ko pa rin.
"Do you have a boyfriend? A husband? Children?
Medyo napanganga na ako sa tanong niya. Siya naman ay patuloy lamang sa pagmamaneho at sinusulyap-sulyapan lamang ako.
"May boyfriend na po ako."
"Hmm..." Tumango-tango naman siya. "Bakit hindi mo siya kasama ngayon? Hinatid ka man lang niya sana para hindi ka nag-iisa."
"Hindi ko na po siya inistorbo dahil panggabi po ang pasok niya sa trabaho. Tulog pa po siya ngayon."
"Do you live with him?"
"No po."
"Saan siya nagtatrabaho?"
"Sa PrimePoint call center po."
Muli naman siyang tumango-tango. "How long have you been in a relationship?"
Muli akong napatitig sa kanya. Lahat ba talaga ay itatanong niya? Pati 'yon?
Sumulyap naman siyang muli sa akin at ngumiti. "Marami ba akong tanong? Pasensya na. Okay lang kung hindi mo sagutin. I'm just suddenly curious about you. Ngayon lang kita nakasama ng ganito. Matagal ka na ring nagtatrabaho kay ate Damzel. It's been two years now, if I'm not mistaken, right?"
"Opo. Three years naman na po kami ng boyfriend ko."
"Wow, three years is such a significant milestone. Siguro mabait ang boyfriend mo. Kasi kung hindi, hindi kayo tatagal ng ganyan."
"Opo. Okay naman po siya. Kapag kaya niya ay hinahatid at sundo naman niya ako sa trabaho."
"You love him?"
Napahinto naman ako sa tanong niya. Ano bang klaseng tanong 'yon? Natawa na lamang din ako. "Opo. Mahal ko po siya."
Muli naman siyang tumango-tango, pero hindi na siya nagtanong pa. Nakahinga lang ako ng maluwag nang tuluyan na kaming makarating sa VM building office.
Sa pagkakaalam ko ay wala siyang girlfriend ngayon. Pero ayon sa mga tsismis sa opisina, nagkaroon siya ng girlfriend noong high school pero namatay daw ang babae sa hindi malamang dahilan.
Simula daw noon ay naging pihikan na sa babae si Sir Damiel. Kahit close naman kami ng panganay niyang kapatid na si Miss Damzel, pagdating sa personal nilang mga buhay ay hindi ako nakikitsismis. May limitasyon pa rin ako. At saka, sobrang bait ni Miss Damzel kaya iniingatan ko ang kabaitan niyang 'yon sa akin.
Simula noong araw na 'yon ay palagi na akong kinakausap ni Sir Damiel. Sumasabay din siya sa pagkain sa akin. Kung ano-ano ring ipinapadala niya sa table ko. May chocolates, flowers, merienda at kung ano-ano pa.
Isang beses ay ibinalik ko sa kanya ang mga bulaklak at chocolates dahil may boyfriend na ako at hindi na ako pwedeng tumanggap no'n mula sa ibang lalaki. Hindi magandang tingnan. Ayaw ko ring masira ang relasyon naming dalawa ni Walter. Mabait si Walter at mahal niya ako. Mahal ko rin siya at talong taon na ang relasyon naming dalawa.
Nag-iipon lang talaga muna kami bago bumuo ng pamilya. Bukod doon ay may pinag-aaral pa rin siyang mga kapatid.
Pero noong magkaroon ng seminar si Sir Damiel sa Baguio ay isinama niya ako. Hindi na ako nakatanggi pa dahil sinabi sa akin ni Miss Damzel na kailangan ko rin daw iyon para sa future ko. Nabanggit niya sa akin na ipo-promote daw niya ako dahil napakaganda daw ng performance ko. At sino ba naman ang hindi matutuwa niyon.
Ngunit noong mga araw na nasa Baguio kami ay doon na mas nagkaroon nang pagkakataong magkalapit kaming dalawa ni Sir Damiel. Isang gabi ay niyaya niya akong mag-celebrate sa isang bar.
Nalasing ako.
At paggising ko kinaumagahan ay magkatabi na kami sa kama at pareho nang walang saplot ang aming mga katawan. Nananakit na rin noon ng husto ang p********e ko.
Pagbalik namin sa trabaho sa opisina ay kinuha na niya ako sa ate Damzel niya bilang secretary na niya. Pero bigla siyang nagbago sa akin. Bigla siyang nanlamig muli katulad ng dati.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi na rin ako nakapagpaalam pa kay Walter dahil hindi ko kayang sabihin sa kanya ang lahat. Hindi ko siya kayang saktan. Nagpaalam naman ako kay Papa na nalipat na ang trabaho ko sa probinsya kaya hindi ko na siya madadalaw pa. Hihintayin ko na lamang ang paglaya niya.
Nandito ako ngayon sa pinakadulong bahagi ng Pilipinas. Sa liblib na lugar kung saan walang nakakakilala sa akin. Dito na ako mananatili habambuhay kasama ng anak ko.
Sa yaman kasi ng mga Delavega, at kung may pakialam pa sa akin si Sir Damiel, madali niya lang akong mahahanap. Pero ayoko na. Hindi na niya kami maaari pang makita.