Eunah "Ikaw na ang bahala sa kanila. Paki-ingatan na lang sila," turan ni Papa kay Sir Damiel. "I will," sagot naman niya kasabay nang bahagya niyang pagyuko. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya at sa mga kilos niya sa harapan ng ama ko. Iba ang awra niya tuwing tumitingin sa anak ko, maaliwalas at iba din sa harapan ng ama ko. Parang halos ayaw niya itong pansinin. May mga band-aid pa rin at mga pasa ang pisngi niya. "Ahm, Sir Damiel, siya ang Papa ko..." pagpapakilala ko naman sa kanya. Tanging tango lang naman ang isinagot niya, ni hindi niya tiningnan ang ama ko. "Are your things ready?" tanong niya sa akin. "O-Oo. Pero nagkausap kami ni Papa. Pupunta kasi siya sa Bulacan sa pamilya namin doon. Hindi ko pa kasi nakikilala ang lola ko at mga tita ko doon. Mga kapatid niy