Muling Pag-iyak sa patay. 6

1417 Words
Parang gusto kong manakal ng kaibigan ng mga sandaling ito. Talagang walang paligoy-ligoy itong magsalita. Kaya naman hindi na ako nakapagtimpi at balak ko sanang sipain ito nang bigla akong mapatingin sa talyer ni Totoy. At namataan ko ang lalaking may-ari ng kotse. Lumbas ito muli sa loob ng talyer at kasama ito ni Totoy. Mabuti na lamang at hindi pa kami nakikita nito. Sabagay medyo malayo-layo pa naman kami mula sa talyer. "Mas maganda siguro kung sa ibang talyer na lang tayo pumunta para maibenta natin itong dalawang gulong at isang side mirror na nakuha natin," biglang saad ni Bombie. Biglang nawala sa tabas ng mukha nito ang pangangasar sa akin. Kaya naman nakataas ang kilay na tumingi ako sa aking kaibigan. "Kanina lang kung asarin mo ako wagas na wagas, eh, gusto mo rin pala ng datong!" Malakas naman tumawa ang babae. "Kahit kailan 'di ka na mabiro. Saka gusto ko na ring makahawak ng pera na pinaghirapan natin," nakangising sabi nito sa akin. Umiling muna ako bago muling magsalita. "Yung naman pala, eh. Gusto mo rin ng salapi. Maganda nga ang sabi mo na sa ibang talyer natin dalhin ang mga gulong na ito. Dahil gusto ko na ring makahawak ng pera lalo na ang buong isang libo. Saka hindi ko na rin alam kung ano'ng kulay ng buong isang libo. Problema ko rin ang lalamunan ko, nagwawala na kasi naman hindi na nasasayaran ng masarap ng pagkain," tuloy-tuloy na litanya ko. Bigla naman humagalpak ng tawa si Bombie. Hanggang sa yayain na akong lumipat sa ibang talyer. Sa totoo lang ay marami naman talyer rito kaya hindi kami mahihirapan sa paghahanap. Napangiti ako nang may mamataan kong pagawaan ng sasakyan. Malalaki ang mga hakbang na lumapit kami roon. Paglapit namin sa talyer ay agad akong nagtanong kay manong. "Manong, ikaw ba ang may-ari ng talyer na ito?" Sabay turo ko sa pagawaan ng kotse. "Tauhan lamang ako rito ineng. Bakit mayroon ka bang kailangan sa amo ko?" "Hmm! May nais lang po kaming ibenta. Nasira na po kasi ang sasakyan ko at tanging gulong na lang ang puwede at maayos pa naman ito. Kaysa naman itapon ko gusto ko sanang ibenta na lamang." Bigla lamang itong tumingin sa gulong naming hawak ganoon din sa side mirror na dala-dala ko. "Kailangan ko munang i-check ang mga gulong ineng bago ko bilhin ang mga iyan," saad naman ng matanda. Lumawak ang ngiti ko sa tinuran nito. Mukhang masarap nga ang ulam namin ni Bombie mamaya. Ibinaba namin ang dalawang gulong upang tingnan ng matanda. "Mukhang bago pa itong mga gulong at sa aking tingin ay kabibili lamang dahil wala pa akong makitang dumi o gasgas dito," wika ng matanda. "Tama ka po manong. Ang totoo niyan ay kahapon lang namin binili ang gulong na iyan. Nagkaton lang na nasira ang kotse ko. Kaya binalak ko na lang na ibenta ang mga iyan. Sayang din po kasi," palusot ko sa matanda. At sana lang ay maniwala ito sa akin. "Mga ineng, sa totoo lang ay mahal ang mga gulong na dala-dala ninyo. Pero hanggang apat na libo lamang ang kaya ko sa isang gulong. At ang side mirror naman ay limang daan lamang ang kaya ko." Palihim akong napangisi. At pasimpleng tumingin kay Bombie. Nakita ko rin ang ngiti nito. "Sige po manong. Ayos na po sa amin ang apat na libo. Hindi ko naman maibalik ang perang pinambili ko riyan, ay ayos lang sa akin. Ang mahalaga ay hindi naman masasayang ang mga gulong," sagot ko rito na pinalungkot ang pagmumukha. Tumango ang matanda. Mayamaya pa'y agad itong naglabas ng pera at ibinigay sa amin ang bayad. Kaya naman maliksi ko iyong kinuha mula sa kamay ng matanda at agad na inilagay sa bulsa ng pantalon ko. Mamaya na namin ito paghahatian ni Bombie. "Hindi ko na kayo hahanapan ng id mga ineng. Saka nagmamadali rin ako. Dahil mayroon magpapagawa ng kotse at nangangailangan dalawang gulong. Sana lang ay puwede ang mga iyan," Sabay turo nito sa mga gulong. Hindi naman kami nagtagal sa talyer at agad na nagpaalam sa matanda. Nang alam namin malayo na kami at hindi na kami nakikita ng matanda ay agad kong inilabas ang pera upang ibigay ang kahati ni Bombie. "Itong limang daan ay ibibili natin ng masarap na pagkain," saad ko sa aking kaibigan. Sumang-ayon naman ito sa aking plano. At nang may makita kaming karenderia ay nagmamadali kaming pumunta roon. Kumakalam na rin ang tiyan ko tanda na ako'y nagugutom na rin. Pagpasok sa loob ng karenderia ay agad kaming nag-order ng masarap ng putahe. Wala na nga kaming imikan ni Bombie habang kumakain, ninanamnam namin ang sarap at lasa ng ulam namin na sinigang na hipon, minsan lang kami makatikim ng ganito. Nang tuluyan na kaming makatapos kumain ay naghanda kami para umuwi, dahil babalik pa kamin sa bahay ni Mrs. Hang para umiyak, sinabi rin nito sa amin kagabi na agahan daw namin ang pagpunta roon. Pagdating sa bahay ay naligo lang ako at pagkatapos ay nagbihis. Hinintay lang namin sumapit ang alas-singko ng hapon bago tuluyang umalis ng bahay. "Sana naman ay may bago na naman tayong makuhang gulong," biglang wika ko. Kaya agad na bumaling sa akin si Bombie. "Huwag mong sabihin na may balak ka pang balikan ang dalawang gulong ng kotse na naiwan natin kagabi?" gulat na natong nito. "Kung mabigyan tayo ng pagkakataon bakit, hindi?" sagot ko. "Icel, baka sa kulungan na ang bagsak natin!" bulalas ni Bombie. "Ano ka ba? Hindi naman natin gagawin kapag may mga tao, simpre isasagawa lamang natin kapag tayong dalawa lamang," seryosong wika ko. "Wala ka talagang kadalaan Icel. Sabagay mas masaya nga kung mayroon humahabol sa ating mga tao o mga pulis," saad nito. Sabay halakhak ng malakas. "Ang gusto ko sa buhay ko ay may trill para masaya," biliw na sagot ko sa aking kaibigan. "Kaya nandito ka sa kalye? Dahil gusto mo ay may trill ang buhay mo?" "Pinaalis ako ni papa kaya nandito ako. Ayaw ko kasing sumunod sa gusto niya na magpakasal sa lalaking iyon," nakasimangot na sabi ko. "Baka naman may dahilan ang iyong ama kaya nagawa niya ang bagay na iyon. Hindi ka man lang ba nagtanong sa kanyan?" tanong sa akin ni Bombie. "Hindi, eh. Saka ng araw ding iyon ay umalis ako sa bahay namin. Hindi nga ako nagpaalam kay papa bago umalis. Bakit pa? Pinalalayas na nga niya ako," nakasimangot kong sabi rito. "Kakaiba ka talaga, Icel," umiiling na saad ng kaibigan ko. Hindi na lamang ako nagsalita sa sinabi nito. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa bahay ni Mrs. Hang. Nagulat pa nga ako kay Bombie nang ibigay sa aking ang kulay itim na tela. Kaya nagtataka akong kinuha ko iyon. "Ano'ng gagawin ko rito?" tanong ko. "Kainin mo kung gusto mo," baliw na wika ni Bombie. Aambaan ko sana ito nang suntok nang maliksi itong lumayo sa akin, nakangisi pa nga ito. "Hindi ka na mabiro," saad nito. Umirap lamang ako rito. Ngunit isang hagalpak ng tawa ang ginawa nito. "Ilagay mo iyan sa ulo mo. Para naman hindi makita ang mga pagmumukha natin doon sa patay na iiyakan natin," mabahang litanya nito. "Ah! Maganda ang naisip mo, ah," anas ko. Pagdating sa tapat ng gate ay sinalubong agad kami ni Mrs. Hang. Sinabi nitong magsimula na kaming umiyak. Kaya naman tuloy-tuloy kaming pumunta sa harap ng kabaong. Inayos ko muna ang balabal sa aking ulo bago simulan ang pag-atungal. Narinig ko na rin si Bombie na umiiyak na para bang wala ng bukas. Kaya nagsimula na rin ako. "Uwaahhh! Bakit mo sila iniwan! Uwaahhhhh!" malakas na atungal ko. Tumigil muna ako sa pag-iyak upang itanong kay Bombie kung ano ang pangalan ng taong iniiyak namin. "Alam mo ba kung ano ang pangalan ng tao na iniiyakan natin?" pabulong na tanong ko sa aking kaibigan. "Hindi ko alam," mahinang sagot nito. "Dapat inalam mo sana. Para naman mabanggit ko ang pangalan niya sa ating pag-iyak," wika ko. "Hayaan muna umiyak ka na lang," sabi nito. "Uwaaahhhh! Kung na saan ka man ngayon. Sana'y maging masaya ka at diyan ka na lamang. Uwahh!" malakas kong bigkas. Kinuha ko rin ang eyemo drop at ipinatak sa aking mga mata para may tumulong luha roon. Ngunit bigla akong napabaling sa pinto nang mamataan ko roon ang lalaking kinaiinisan ko. "Uwaahhh! Bakit nandito siya. Dapat natigok na lang siya! Uwaaahhh!" bulalas kong muli. "Hoy! Ano ba 'yang pinagsasabi mo!" saway sa akin ni Bombie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD