"Wahh! Nadito siya! Sana sumama na lang siya papunta sa langit!" palahaw ko ng iyak.
"Hoy! Icel, ano ba ang iyong mga sinasabi mo? Habang umiiyak!"
Tumigil muna ako sa pag-iyak at tumingin kay Bombie. Nakikita ko sa mukha nito ang pagtataka.
"Nandito ang lalaking kabute..." mahina kong bulong ko sa dalaga.
"Sino?" nagtatakang tanong sa akin ng kaibigan ko.
"Iyong lalaki na gusto ng ama ko para sa akin. Hindi kaya kamag-anak siya noong namatay?" tanong ko pa.
"Aba! Iwan ko. Umiyak na lang at huwag kang magpahalata," bilin nito sa akin. Isang simpleng tango lang ang ibinigay ko sa aking kaibigan. At nagsimula na ulit na umatungal nang pagkalakas-lakas.
"Mr. L. Maraming salamat sa pagpunta mo sa lamay ng aking anak," narinig ko ang boses ni Mrs Hang. At nasa likuran namin sila. Ngunit wala naman akong narinig nasagot mula sa lalaki. Bigla rin humina ang pagtangis ko. Gusto ko rin kasing marinig ang usapan nila.
"I need to leave now," narinig kong sabi ng lalaking tinataguan ko walang iba kundi si Mr. L. Mayamaya pa'y narinig kong humakbang ito. Muli naman akong tumingin sa aking katabi na si Bombie hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ito. Hindi katulad ko na biglang humina ang pagtangis, baka kasi marinig ng lalaki ang boses ko.
"Icel! Puwede ba umiyak ka na. Baka hindi tayo bayaran dahil patigil-tigil ka sa pag-iyak!" mahinang sermon sa akin ng kaibigan ko.
Hindi na lang ako nagsalita. Pero muli akong umatungal nang pagkalakas-lakas.
"Waahhh! Bakit ka namatay? Waahhh! Muntik na tuloy akong makita, waahhh!"
"Icel!" pagsaway sa akin ni Bombie. Ngunit 'di ko ito pinansin at muling umatungal.
"Sana. . . sana. . . mabangga ka sa huling biyahe mo papunta sa langit! At. . ."
"Aray ko!" bulalas ko dahilan kaya napahinto akong muli sa aking sasabihin. Bumaling ako sa taong bumatok sa akin. Isang masamang tingin ang ibinigay ko rito.
"Kung ano-ano kasi ang iyong sinasabi. Baka may makarinig sa 'yo at hindi tayo bayaran..." pabulong na sabi sa akin ni Bombie.
"Puwede mo naman sabihin ng maayos. Bakit binatukan mo pa ako?" nakataas ang kilay ko nang tanungin ko ang babae.
"Best friend, kanina pa kita sinasaway ikaw lang itong bingi dahil sa kangangawa mo na 'di naaayon sa ating pag-iyak," saad nito sa akin.
Umismid lang ako rito. "Umiyak na nga tayo. Ang daldal mo," saad ko at muling pinatakan ng eye drops ang mga mata ko. Upang masabi na umiyak talaga ako.
Hanggang sa tuluyan kaming matapos sa pag-iyak. Balak na sana naman umalis nang muli kaming tawagin ni Mrs. Hang.
"Aalis na ba kayo? Hindi ba muna kayo kakain?" tanong nito sa amin ni Bombie. Nagkatanginan muna kami ng kaibigan ko, sabay tangon nito sa akin.
"Hmm! Kung may pagkain po kayong ibibigay sa amin, bakit hindi kami kakain. Saka medyo gutom na rin po kami," walang paligoy-ligoy na saad ko.
"Sumunod kayo sa akin para makakain muna kayo bago umalis," bilin nito sa amin ni Bombie. Isang palihim na pag-ngisi ang ginawa ko. At ganoon din si Bombie. At pagkatapos ay sumunod na kami sa babae.
Mukhang tiwala na ito sa amin dahil sa ultimong hapagkain kami dinala. Parang bigla akong naglaway nang makita ko ang mga pagkaing nakalatag sa mahabang mesa.
"Kumain na muna kayong dalawa bago kayo umalis," saad sa amin ng babae. Nagpaalam muna ito sa amin na lalabas muna dahil may gagawin daw ito.
Kami naman ni Bombie ay nagmamadaling naupo sa bakanteng silya. Tiba-tiba kami sa pagkain dahil kami lang ang nandito. Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung ano'ng lasa ng masarap ng pagkain. Kaya wala nang pakime-kime. Nang tuluyan na akong makaupo ay walang alinlangan na itinaas ko ang isang paa ko sabay subo nang sunod-sunod sa pagkain.
"Icel! Baka gusto mong magdahan-dahan at baka mabulunan ka," paalala sa akin ni Bombie.
"Kumain ka na lang at huwag na akong pansinin," sagot ko sabay subo muli ng pagkain. Nakita kong umiling-iling ang babae. Nang maubos ang ang laman ng plato ko'y muli akong kumuhan ng pagkain. At halos mapuno ulit iyon.
"May dala ka bang plastik bag?" tanong ko habang panay ang subo.
"Ha? Bakit?"
"Balak ko sanang magdala ng pritong manok at relyenong bangus," sagot ko rito.
"Hindi ka pa nakontento na pinakain ka na nga, Magdadala ka pa?" gulat na gulat na tanong nito sa akin.
"Ano ka ba naman! Hindi ka ba nag-iisip? Sayang naman kung 'di tayo magdadala ng ulam. Saka para 'di na tayo bumili bukas. Nandito na tayo, mahihiya pa ba tayo?"
Bigla namang itong napahinto sa aking mga tinuran. Pagkatapos ay ngumisi nang kakaiba.
"Sabagay para 'di na tayo bumili ng ulam bukas makakatipid pa tayo. Sige game ako riyan sa balak mo. Teka lang wala akong plastik na dala rito sa akin bag. Pero may malaki akong panyo. Malinis naman ito."
"Sige, puwede na 'yan. Diyan na lang natin ibabalot sa panyo ang pritong manok at relyenong bangus," sabi kay Bombie at muling sumubo.
Nakitang kinuha ni Bombie ang kanyang bag sabay bukas ng zipper at inilabas ang malaking panyo. Ako naman ay tumayo sa aking kinauupuan upang tulungan itong maglagay ng pagkain na i-ta-take out namin.
Walang pakialam na kinuha ko ang relyenong bangus sabay lagay sa panyong dala ni Bombie. Napansing kong naglagay rin ng limang pritong manok si Bombie sa panyo.
"Okay na siguro ito," saad ni Bombie.
"Sige puwede na iyan. Para may ulam tayo bukas. Itago mo na agad 'yan at baka may makakita pa sa atin. Baka sabihin masyado tayong matakaw," anas ko.
"Salagay na ito hindi pa ba tayo matakaw?" ngumingising saad ni Bombie.
"Gutom lang tayo. Saka kaunti lang naman nakakain ko," palusot ko rito.
"Kaunti pa iyon sa iyo? Eh, halos maubos mo nga ang mga nakahain dito sa lamesa!" palatak ng babae.
"Shhss! Huwag ka ngang maingay," saway ko rito. Muli na naman sana akong sasandok ng pagkain nang biglang magsalita si Bombie.
"Best friend, alalahanin mo. Sa putok ng bulkan may nakakaligtas pero sa putok ng tiyan wala," mapang-asar na sabi sa akin ni Bombie.
Biglang nag-iba ang timpla ng pagmumukha ko dahil sa sinabi nito. Hindi na tuloy akong kumuha. Pero napansin kong kumuha muli si Bombie ng pagkain. Nangangasar pa itong sumubo habang nakatingin sa akin at tila nagpapatakam.
Ang sarap batuhin nito ng tinidor. Kaya naman nag-isip ako nang paraan upang mawalan ito ng gawang kumain para patas kami. Bigla akong napangisi nang mamataan ko ang tissue paper sa ibabaw ng mesa. Pasimple ko iyong kinuha sabay. . .
"Hey! Ang bastos mo!" bulalas na sabi sa akin ni Bombie.
"Paano ako naging bastos? Eh, hindi ko pa nga nagagawa ang balak ko!" palatak na sabi ko sa babae. Grabe sa bilis at liksi ng mga mata nito. Sisinga pa lang sana ako nang bigla itong pumalatak, akala mo'y inaapi.
"Umayos ka Icel. Kakaiba ka talagang babae!" anas nito sabay tayo mula sa pagkakaupo sa silya. Ako naman ay ngumisi lamang dito. Tama ako sa aking plano dahil nawalan agad ito nang ganang kumain. Hanggang sa magyaya na nga ito na umalis kami.
Hinanap muna namin si Mrs. Hang. Upang magpaalam ng maayos na aalis na. Hindi naman kami nahirapan sa paghanap sa ginang. Nagbilin pa nga ito na bumalik kami bukas ng gabi para sa huling lamay ng anak nito. Masayang tumango kami ni Bombie bago lumabas ng malaking bahay.
Kasalukuyan kaming naglalakad nang mamataan nang mabilis kong mata ang lalaking kinaiinisan ko. So, may bahay pala ito rito?
"Bakit bigla kang tumigil, Icel? May nakita ka bang multo?" tanong sa akin ni Bombie.
"Tumingin ka sa kaliwa at sa kulay apple green na bahay? Tingnan mo ang isang lalaki roon," utos ko kay Bombie.
"Oh, ano'ng gagawin ko? Nakita ko na ang lalaking makalaglag panty," anas ni Bombie na kinikilig.
"Siya ang lalaking gusto ni Papa para sa akin. Hindi ko akalaing may bahay pala siya rito!"
"Ano naman kung may bahay siya? Saka hindi naman nakakapagtaka iyon dahil mayamang tao iyan."
"Sabagay tama ka," sagot ko rito. Sabay ayos ng balabal sa aking ulo upang 'di ako makita ng lalaking iyon. Nakita kong papasakay ito ng kotse at mukhang aalis. Biglang may pumasok na plano sa akin. Kaya nang tuluyang umalis ang sinasakyan ng binata ay nagmamadali akong lumapit sa gate nito.
"Hey! Icel, saan ka pupunta?!"
"Dito lang mamamasyal!" sagot ko sa babae.
"Umayos kang babae ka. Alam kong may balak ka na namam!" palatak ni Bombie.
"Wala akong balak basta't sumunod ka na lang sa akin!" saad ko rito.
Pagdating sa tapat ng gate ay bigla akong napangisi ng wala sa oras.