Wala kaming sinayang na oras ng mga sandaling ito. Para kaming mga ipo-ipo sa liksi dahil sa bilis nang pagtakbo namin. Ako naman ay muling lumingon sa pinanggalingan namin. At nakita ko ang lalaking nagsisigaw na para bang humihingi ng tulong sa mga kabitbahay nito.
Muling lumipat din ang mata ko sa kotseng inalisan namin ng mga gulong. Ganoon na lamang ang gulat ko dahil iba ang itsura ng unahan nito. Ang magkaparihas lang pala ay ang likuran.
Anak ng limang pating, oh. Dahil namali pa kami ng
kotse na kinuhanan ng gulong. Pero wala na kaming magagawa pa dahil nakuha na namin. Hindi na namin puwedeng ibalik pa rito at baka sa kulungan ang bagsak namin ni Bombie.
Sorry, na lang sa may-ari ng sasakyan dahil ninakaw namin ang gulong nito. Kaya naman mas binilisan na lang namin ang pagtakbo. Lalo at nakita kong kumuha ito ng cellphone at may balak tinawagan.
Nang alam namin na malayo na kami at walang nakasunod sa amin ay dagli muna kaming nagpahinga. Para kaming lumaban ng karera dahil halos mawalang kami ng hanging sa katawan. Tumingin ako sa paligid at nakita ko agad ang isang jeep na nakaparada sa 'di kalayuan.
"Sumakay na tayo ng jeep para makauwi na tayo," sabi ko sa aking kaibigan. Agad naman itong tumango sa akin. At muli naming binuhat ang gulong na ninakaw namin. Medyo may kabigatan din ito pero kaya naman naming buhatin.
Pagdating sa sakayan ng jeep ay napansin kong may mga nakatingin sa aming mga tao. Ganoon din ang ilang driver. Papasok na sana kami sa loob nang biglang harangin kami ng isang lalaki.
"Hoy, teka lang! Saan kayo pupunta?" tanong ng lalaki at alam naming driver ito ng jeepney na sasakyan sana namin.
Sumama ang tingin ko rito. Muli kong ibinaba ang gulong na dala-dala ko para makipag-usap kay kuyang driver.
"Sasakay kami ng jeep kuya. Ano sa tingin mo ang gagawin namin sa loob? Mag jack en poy sa loob ng jeep kasama ang mga pasahero mo?!" nakataas ang kilay na tanong ko rito at nasa boses ko ang asar sa lalaki.
Nabanaag ko rin sa mukha nito ang iritasyon dahil sa aking mga sinabi. "Umayos ka nang pananalita mo, babae! Hindi kayo puwedeng sumakay sa aking jeep. Baka mga magnanakaw kayo. Lalo at may mga dala kayong gulong!" singhal ito sa amin ni Bombie.
Pagkatapos ay bumaba ang tingin nito sa mga gulong na hawak-hawak namin.
"Saang kotse kaya ninyo ninakaw ang mga gulong na iyan?" mapanghusgang tanong ng driver.
"Simpre sa kotse namin. Saka flat ang gulong ng sasakyan namin kaya dinala namin ito!" paismid na wika ko sa lalaking karahap ko. Sa totoo lang ay gusto ko na itong sakaling.
Ngunit napansin ko agad na parang hindi ito na niniwala sa aking mga palusot. Mas lalo pa ngang kumuno't ang noo nito. Bigla rin namang tumaas ang kilay ko nang humakbang ito papalapit sa pwesto ko.
"Oooh, bakit lalapit ka pa?!" singhal na tanong ko sa lalaki.
"Gusto ko lang alamin kung totoong flat nga ang gulong na dala-dala ninyo. Kasi wala akong tiwala sa pagmumukha ninyong dalawa!"
Napanganga ako nang maliksing lumapit dito si Bombie. Namataan ko rin ang patagong pagkuha nito ng kutsilyo at pagkatapos ay itinutok sa tiyan ng lalaki. Wala naman nakakakita kundi kaming tatlo lamang.
"Ang dami mo pang satsat, taba. Bakit hindi mo na lang kami pasakayin sa jeep. Magbabayad naman kami sa 'yo. Baka gusto mong lagyan kita ng gripo?" pananakot na wika ni Bombie sa driver. Nababanaag ko naman sa mukha ng lalaki ang takot at para bang tinakasan ng kulay.
"Si-Sige, su-sumakay na kayo," nauutal na wika ng lalaki.
"Ayon sila! Ang mga nagnakaw ng aking gulong!"
Sabay kaming napalingon ni Bombie sa taong nagsalita. At ganoon na lamang ang gulat namin nang makita namin ang lalaking ninakawan namin ng gulong. Ang masama pa'y may kasama na itong mga pulis.
"Nalintikan na!" sigaw ni Bombie. Agad nitong itinulak ang lalaking driver na ikinatumba ng huli. Mabilis din itong lumapit sa gulong na dala-dala nito kanina at pagkatapos ay binuhat iyon. Kaya ganoon din ang ginawa ko. Muli na naman kaming tumakbo na para lang makatakas sa mga humahabol sa amin. Dahil sa mga ninakaw namin.
"Icel, sa bus na lang kaya tayo sukamay!" biglang bulalas ni Bombie.
"Sige, kung may magpapasakay sa atin," sagot ko naman sa aking kaibigan.
Tumingin ako sa unahan at napansin ko agad ang bus na papalapit. Kaya tumigil kami ni Bombie upang parahin ito. Pero sadyang malas yata kami ngayon gabi dahil hindi man lang ito tumigil.
Sabagay papaano naman ito titigil kung dito sa pwesto namin ay madilim tapos may mga dala-dala pa kaming gulong.
"Icel, mukhang ang kalalabasan natin ay maglalakad tayo pauwi sa bahay. Dahil walang gustong magpasakay sa atin. Dahil sa mga dala-dala natin. Mahirap naman iwanan natin ito rito. Ang swerte naman nang makakakuha nito. Tayo ang naghirap pero iba ang makikinabang," mahabamg lintanya ni Bombie.
"Game ako sa paglalakad. Saka sayang din ito. Bukas ay pera na ang kapalit nito," sagot ko sa aking kaibigan.
Kaya naman nagsimula na kaming maglakad upang makarating sa bahay namin. Lumipas ang mahabang oras sa wakas ay natatanaw ko na ang Guadalupe. Kaunting tiis na lang makakauwi na rin kami. Pagod na pagod na rin ang aking mga paa.
Pagdating sa barong-barong na tinitirhan namin ni Bombie ay agad kaming nahiga sa lumang papag. Ngunit bago kami tuluyang natulog at itinago muna namin ang mga gulong na nadikwat namin at baka may pumasok dito at manakaw pa ito.
Kinabukasan ay tanghali na kaming nagising dahil din siguro sa puyat at pagod namin kagabi, madaling araw na kasi kami nakauwi.
"Kailangan na nating bumangon para maibenta na natin ang gulong na kinuha natin kagabi. Saka nangangati na ang mga palad ko baka pera na ito."
Biglang bumaling sa akin si Bombie. Nagulat siguro sa aking mga pinahayag. "Huwag mong sabihin na inaabot na naman ng pagkasaltik ang utak mo ng kabaliwan, Icel?"
"Pagkasaltik? Ang sabi ko lang nangangati na ang mga kamay ko," paingos na palusot ko rito.
"Talaga lang, ha? Tumayo na tayo para magkaroon na tayo ng pera ngayon araw," saad din naman ni Bombie sa akin.
"Kunwari pang ayaw ng pera..." pabulong na sabi ko.
"Ano?!" biglang saad ni Bombie, sabay bato sa akin ng unan. Ako naman ay humagalpak nang tawa.
Bago kami umalis ay kumain muna kaming dalawa upang hindi magutom. Maghapon na naman kami sa kalye nito. Sana lang ay maibenta namin agad nang mas maaga ang gulong at itong side mirror ng kotse.
Habang naglalakad kami sa maliit na eskenita rito sa squatter area, napapansin kong nakatingin sa amin ang ilang mga tambay dahil siguro sa dala-dala namin.
"Saan natin ito ibebenta?" tanong ko sa aking kasama.
"Sa talyer ni Totoy," sagot sa akin ni Bombie.
"Hindi kaya baratin lang tayo ni Totoy? Ang alam ko ay kuripot iyon," saad ko rito.
"Kung babaratin tayo ni Totoy, eh, 'di lilipat tayo sa ibang talyer. Saka alam kong mahal ang mga gulong na ito," anas ni Bombie.
Hindi naman kalayuan ang talyer ni Totoy. Ngunit bigla kaming napahinto sa paglalakad ni Bombie nang mamataan namin ang kotseng nakaparada sa harap ng pagawaan ng sasakyan.
Alam kong ito 'yung kotse na ninakawan namin ni Bombie kagabi. Lagot kami nito oras na makita ang gulong na dala-dala namin.
Biglang bumaling sa akin si Bombie. At nasa mukha nito ang pangamba.
"Lagot tayo oras na mahuli tayo ng may-ari ng gulong. Tiyak na mbubulok tayo sa bilangguan!" bulalas sa akin ni Bombie.
"Hindi naman tayo tanga para magpahuli, noh. Saka namumukhaan ba tayo niya? Ang alam ko'y madilim kagabi. Kaya nakakasiguro akong hindi nito nakita ang mukha natin!" palatak ko.
"Sana lang talaga na hindi tayo makilala. Dahil oras na makulong tayo ikaw ang ipagdidiinan ko dahil ikaw ang puno't dulo ng lahat!" palatak sa akin ni Bombie.
"Eh, ikaw ano? Ano'ng ambag mo bunga lang ba, ha?" mapang-asar na tanong ko. Ngunit nagulat na lang ako nang bigla nitong pitikin ang aking ilong, habang ang mukha ay 'di maipinta dahil sa inis sa akin.
"Umayos ka Icel! Kahit kailan talaga puro kabaliwan ang laman ng utak mo! Parang laging may toyo ang utak mo!"
"Ha! Toyo?" tanong kong nagtataka.
"Oo, toyo! Kasi naman laging maitim palagi ang plano mo! Di ba ganoon ang kulay ng toyo? Kung baga laging may maitim ng balak sa kawpa! Katulad na lang ng gulong na ito!" palatak ni Bombie.