bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

book_age18+
30.9K
FOLLOW
199.9K
READ
dark
arrogant
dominant
mafia
drama
comedy
sweet
sniper
first love
secrets
like
intro-logo
Blurb

PULUBI - R-18

Icel Reyes, pinalayas ng kanyang ama dahil hindi niya sinunod ang kagustuhan nito. Sino ba naman babae ang gugustuhin magpakasal sa lalaking hindi naman niya mahal at bastos ang bibig.

Mas lalong hindi niya masikmurang magpakasal sa isang Mafia lord, na ang tanging alam sa buhay ay puro karahasan.

Kaya kahit walang sapat na salapi ay tinanggap niya ang hamon ng kanyang ama na lumayas. Mas gugustuhin pa niyang maging pulubi kaysa matali sa lalaking hindi niya gusto.

Ngunit paano kung tadhana na ang kumilos upang muli silang pagtagpuin? Muli pa kaya siyang makakatakas sa lalaking ito? Na ang tingin niya rito ay hadlang sa kanyang mga pangarap.

Sa mga pusong hindi magkatugma, may mabuo pa kayang pag-ibig sa kanila?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
SRRedilla Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob pabukas. Pagpasok ko sa loob ay nakita kong nakapatay ang mga ilaw sa sala. Ang ibig sabihin lang niyon ay tulog na ang aking papa. At nahihimbing na rin ang tulog ng aming mga kasambahay. Alas-tres na kasi ng umaga. Marahil ay hindi na ako hinintay ng mga kasama ko rito sa bahay. Nagkayayaan kasi kami ng mga barkada ko na mag boxing. Kaya hindi namin namalayan ang oras. Iyon nga lang ay nagyaya pa rin si Mikey na lumaban daw kami ng karera. "Oh!" bulalas ko nang biglang magliwanag ang buong sala. Paglingon ko ay nakita kong nakatayo sa tabi ng switch ng ilaw is Papa. "Ano'ng oras na?" galit na tanong nito. Itinuro pa nito sa pamamagitan ng dala nitong baston ang wall clock. "Uwi ba ito ng matinong babae?" Hindi agad ako nakahuma sa galit na nababanaag ko sa mukha ng aking ama. Salubong din ang malago nitong mga kilay at naniningkit pang lalo ang singkit nitong mga mata. "Saan ka galing?" tanong nitong muli sa mataas na tinig. "Sa B. Ring," alanganin kong sagot. Lalong naningkit ang mga mata nito. "Saang lupalop ng mundo naroroon ang lugar na iyon?!" "Sa timog. Nakipag boxing lang ako kasama ang mga kaibigan ko, papa," sagot ko. "What?!" Dumagundong sa buong kabahayan ang galit na tinig ng aking Ama. "Habang ako ay mamatay-matay sa pag-aalala sa 'yo na baka kung ano na ang nangyayari sa 'yo, tapos ikaw ay nag-e-enjoy ka lang sa pakikipag basag ulo. How inconsiderate of you, Icel!" Natulala ako at hindi nakapagsalita. Noong bata pa ako, kapag nagkakamali at biglang tataas ang boses ni papa ay bibiradahan ko na agad ng iyak. Ngunit ngayon ay tinatagan ko ang aking loob. Binaliwala ko ang sakit nang pagtaas niya ng boses. "Nagpaalam naman ako kay Mang Pedro, ah," tukoy ko sa aming driver. Si Mang Pedro ang naghahatid-sundo sa aking sa eskuwelahan mula kindergaten hanggang sa magtapos ako ng kolehiyo. "Bakit, si Pedro ba ang ama mo?" tanong sa akin ni Papa. Nakaramdam naman ako ng guilt nang ma-detect sa boses nito ang pagdaramdam. "Sorry po," nakayukong sabi ko. "Ikaw ba ay walang balak maghanap ng trabahon, Icel?" Bigla akong nag-angat ng ulo. "Trabaho?" nakangiwi kong sabi. "What for? Marami naman tayong atik." Napakunot-noo ang aking Ama. "Atik?" tanong nito. "As in pera. Datung. Money," baliwalang sagot ko. "Sinu-sino ba ang mga nakakasama mo at natututo ka ng salitang kalye?" Itinuro nito ang sofa. "Maupo ka riyan at mag-usap tayo nang masinsinan." Saglit muna akong nag-atubili bago ako tumalima alam kong hindi lang kami basta mag-uusap. Papaulanan na naman ako nito ng sermon. Iyong bang tipong walang banlawan. Upang ipakitang hindi ako apektado sa ano mang sasabihin nito ay pade-kuwatro pa akong naupo sa sofa, sabay halukipkup. "How I wish na narito ang mama mo para tulungan akong pagsabihan ka," malungkot na sabi ng aking papa. Nakagat ko ang ibabang labi. Noong nabubuhay pa si Mama ay sobrang lapit ko sa kanya. Kaya lang ay maaga siyang kinuha sa amin dahil sa sakit na brain cancer. "Kailan mo uumpisahang maghanap ng trabaho?" "Pa, naman kaga-graduate ko pa lang, paghahanapin mo na ako ng trabaho? Give me a break naman. Gusto ko munang mag-enjoy. Saka, bakit pa ako magpapakapagod maghanap ng trabaho, eh, mayroon naman tayong kompanya na puwedeng kong pasukan?" "Hindi ka magtatrabaho sa D. R Advertising Company." Nagpatuloy muli sa pagsasalita ang aking papa. "Walang presidente ng kompanya ang may grade na tres. Kung hindi ko pa siguro kumpare ang propesor mo sa math, malamang ay lumagpak ka pa. Imagine, inabot ka ng seven years sa kolehiyo dahil sa kaka-drop mo. Daig mo pa ang nag-masteral, hija," napahugot ito ng malalim na hininga matapos sabihin iyon. "Para ano pa't tayo ang may-ari ng kompanya kung hindi naman ako magtatrabaho roon? Besides, hindi naman ako bobo para hindi makayanang patakbuhin ang sarili nating kompamya," naiinis kong wika. "Hija, wala akong sinabing bobo ka. If you remember, palagi kang nasa honor roll noong elementary ka. You even graduated valedictorian when you were in grade six." Umupo ito sa sofa at muling tumingin sa akin. "Ang point ko ay ang iyong katamaran. Ang pagiging easy-go-lucky mo. Ayokong dumating ang araw na mag-suffer ang negosyong ipinundar ko sa mahabang panahon dahil wala kang ginawa kundi pumirma ng papeles. That 's why I want you to start at the bottom." Kumunot ang noo ko. "Work for other companies," sabi ni papa na halos ikalaglag ng aking panga. "Pero pa---" "Kailangan magtrabaho ka na. Or else, ipapakasal na lang kita kay, Mr. L." "You gotta be kidding!" bulalas ko. Tumalim ang tingin nito. "Kung inaakala mong nagbibiro ako, well you're wrong," wika ni papa. Tumayo ito at may kinuha sa drawer ng isa sa mga antique na cabinets doon. Nagsalubong ang kilay ko ng may iabot siyang brown envelope sa akin. SRRedilla "Iyan ang kasulatang makakapagpatunay na hindi ako nagbibiro. Nakasaad diyan sa last will and testament ko na hindi ikaw ang magmamana ng lahat ng ari-arian ko. Kundi ang lalaking napili ko sa 'yo. Read it, Icel." Gusto kong maglupasay sa galit ko sa aking Ama. "No way, Pa!" protesta ko. "You have no choice but to grab it. That is, kung ayaw mong mamulubi," pagbibigay ng ultimatum nito. "Kahit ba magtrabaho ako ay si Mr. L, ay papakasalan pa rin ako sa kanya?" tanong ko. "Yes, dahil siya lamang ang tamang lalaki para sa 'yo," sabi nito. "Hindi ako magpapakasal sa kanya papa. Mas gugustuhin ko pang mamulubi at pagpalimos sa kalye, kaysa maging asawa ang lalaking iyon!" bulalas ko. Narinig kong nagbuntonghininga si papa. "Bukas na bukas din ay puwede ka nang umalis sa bahay ko. Wala kang ibang dadalhing gamit, maliban sa mga damit mo," wika ni papa at umalis sa aking harapan. Napahilot ako sa aking noo. Hindi ko susundin ang gusto ni papa. Papatunayang ko na kaya kong mabuhay mag-isa na walang galing sa salapi niya. Mas gugustuhin ko pang maging pulubi o palaboy sa kalye kaysa gawin ang gusto nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
78.7K
bc

BS05: Carrying My Husband's Child[COMPLETED]

read
50.2K
bc

Man of Vengeance [Roxanne Montereal Series19]

read
11.3K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.3K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.2K
bc

Dangerous Spy

read
311.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook