Chap-chap 4

1593 Words
"Waahh! Maraming salamat sa 'yo dahil namatay ka! nagkapera tuloy kami sana . . ." "Icel! Bakit nagsasalita ka pa? Baka may makarinig sa 'yo!" pagsaway sa akin ni Bombie. "Walan namang ibang tao rito kundi tayo lang, kaya huwag kang mag-alala," abnormal na sagot ko sa aking kaibigan. Kaya naman muli na naman akong umatungal na parang baka. "Hohoho! Hohoho! Sana matagal ka pa bago ilibing! Para naman may makuha pa kaming datong sa ina mo...!" "Aray ano ba?!" muling bulalas ko sapagkat hinila ni Bombie ang aking buhok. "Umayos ka, Icel!" pagbabanta nito sa akin. "Oo na!" sagot kong naka-irap. Wala na akong nagawa kundi umiyak na lang at hindi na nag-ngangawa pa. Baka bigla na lang akong isilid nito sa loob ng kabaong dahil sa pagkairita sa akin. Hanggang sa lumipas ang mahabang oras. Sa wakas natapos din kami sa aming pag-atungal sa harap ng kabaong. Hindi naman kami nagtagal sa bahay ni Mrs, Hang. Pagkabigay agad ng pera sa amin at walang pag-aatubiling kinuha namin iyon. At tuluyang umalis ng bahay nito. Bukas ng gabi ay babalik pa kami ni Bombie rito para muling umiyak. Malaking pabor iyon sa amin para naman kahit papaano ay may pera kaming dalawa. Napabuntonghininga na lamang ako habang naglalakad kami ng kaibigan ko papunta sa sakayan ng jeepney. "Ang lalim naman noon?" pagpuna nito sa akin ng kaibigan ko. Hindi ako nagsalita sa pagpuna nito. Ngunit nagpatuloy pa rin sa katatalak ni Bombie. "Wala ka bang balak puntahan ang iyong ama? Baka nag-aalala rin 'yun sa 'yo. Siya nga pala, iyong bang lalaking ipapakasal sa 'yo ay gwapo?" tanong sa akin ni Bombie. "Hmm! Gwapo naman. Ang hindi ko lang gusto ay ang ugali nitong magaspang at bastos ang bibig. Saka iba rin kung makatitig ang lalaking iyon. Para bang hinuhubaran ako sa tuwing nakatingin sa akin," umiiling na wika ko sa aking kaibigan. "Diyos ko! Kung gwapo pala bakit hindi ka na lang pumayag sa gusto ng iyong ama. Kaysa naman magpakahirap ka rito sa kalye!" muling palatak nito sa akin. "Ha! Gwapo nga bastos naman ang bibig! Saka mas gugustuhin ko pang mamulubi rito sa kalye. Kaysa naman magpakasal ako sa lalaking iyon. Kung alam mo lang kung gaano ito kayabang, pakiramdam ko nga'y may balak akong gahasahin kapag kami lamang dalawa ang magkausap," sumbong ko rito. "Ayos lang iyon, magpagahasa ka na lang. Saka gwapo naman ang gagahasa sa 'yo. Mag-enjoy ka naman," nakangising wika nito sabay lingon sa aking gawi. "May saltik ka talaga!" bulalas ko pa. Ngunit tumawa lamang ito nang malakas sa aking mga tinuran. Ngunit nagulat kami nang may biglang magsalita sa likuran namin. "Holdap ito mga, Miss! Huwag kayong kikilos nang masama baka maaga kayong paglalamayan!" bulalas ng dalawang lalaki sa likuran namin. Anak ng tukwa. Hindi man lang namin namalayan may nakasunod na pala sa aming paglalakad. Medyo malayo-layo pa kasi ang sakayan ng jeep. Kaya bigla kaming napatigil ni Bombie at sabay ring nagtinginan. "Mga kuya. Sure ba kayo na kami ang hoholdapin ninyo? Wala nga kaming pera. Ang totoo niyan naghahanapan din kami ng tao na hoholdapin namin," baliw na wika ko. Nakita ko pa nga ang pasimpleng pag-ngisi ni Bombie. Ngunit biglang nagtawanan ang dalawang lalaki sa aming likuran. Dahil siguro sa aking sinambit na salita. "Mukhang mga lampa naman kayo? Saka mga babae lang kayo. Kaya ba ninyong mangholdap? Nakakatawa naman kayo," pagmamaliit ng lalakimg nasa likuran ko. Tumingin ako kay Bombie. Nakita ko itong nagsinyas sa akin. At alam ko na agad kung ano ang ibig sabihin nito. Kaya naghanda ako. Mayamaya pa'y maliksi kaming humarap sa dalawang lalaking nasa likuran namin. Hindi nga namin ininda ang hawak nilang kutsilyo. Mabilis ding gumalaw ang kamay namin patungo sa mukha ng mga ito. At isa pang suntok sa sikmura ng lalaking kalaban ko. Hindi agad sila makahuma sa mga galawan namin ni Bombie. Itinaas ko ang paa ko. Sabay sipa sa kamay nitong may patalim kaya nakita kong tumalsik sa malayo ang kutsilyo ng kalaban ko. Muli na naman sana akong aataki nang bigla itong yumuko habang nakataas ang mga kamay. "Hindi na ako lalaban!" biglang bulalas nito. "Paalala lang, ha. Bago kayo mangholdap ng tao siguraduhin muna ninyong hindi papalag sa inyo!" sigaw ko pa sa lalaking naging kalaban ko. "O-Oo," nauutal na sagot na wika nito. "Sige na umalis na kayo habang mabait pa kami!" bulalas naman ni Bombie. Kaya naman kanya-kanyang nagsitakbuhan ang dalawang lalaki papalayo sa amin. "Let's go," pagyaya sa akin ng kaibigan ko. Hahakbang na sana ako nang makita ko ang kotse na pamilyar sa amin. At nakatigil iyon sa isang malaking gate. Peste! Hindi ako puwedeng magkamali. Alam ko, kung kanino ang sasakyang iyon. Kaya naman agad kong kinuha ang sombrerong dala-dala ko at inilagay iyon sa aking ulo. Baka may tao roon at makita ako at makilala pa. "Bakit naglagay ka ng sombrero?" nagtatakang tanong ni Bombie. "Mamaya ko na ipapaliwanag sa 'yo. May mga dala ka ba riyang pang baklas ng gulong?" tanong ko habang nakatingin sa bag nito na nasa likuran nito. Minsan kasi ay nag sideline ito sa mga talyer o pagawaan ng mga sasakyan. Mayroon kasing pumasok na kabaliwan sa akin utak. Nagawa ko na naman ito dati. Pero gagawin ko ulit para makaganti man lang ako rito. "Mukhang may binabalak ka, ahh?" umiiling na tanong nito sa akin. "Simple lang naman ang balak ko. Kaya hayaan mo muna ako," naka ngising wika ko rito. Hindi na lang ito nagsalita. Mayamaya pa'y inilabas na nga nito ang mga gagamitin ko. Agad ko naman iyong kinuha. Nang tuluyan na kaming makalapit sa kotse ay pasimple akong tumingin sa kaliwa at kanan ko. Pagkatapos ay sa sasakyan upang tingnan kung may tao ba sa loob. Mabuti na lang at medyo naka-awang ang bintana nito. Nasaan kaya ang may-ari nito? Bakit kaya iniwang nakaawang ang bintana? "Ano'ng balak mo riyan, babae? Huwag mong sabihin na inaabot na naman ng kabaliwan ang utak mo?!" palatak ni Bombie. "Hindi ito kabaliwan. Kailangan ko lang gumanti sa may-ari ng kotseng ito. Nang dahil sa kanya ay nandito ako ngayon sa kalye nagpapakalat-kalat!" katwiran ko sa aking kaibigan. "Ikaw na nga ang bahala. Sige na bilisan mo. Gawin mo na agad ang nais mong gawain diyan sa kotse habang walang pang tao sa paligid. Dahil lagot tayo oras na may makakita sa atin dito," saad ni Bombie. Labis akong natuwa dahil agad itong sumang-ayon sa aking plano. Pansensyahan na lang tayo kabute, dahil itong kotse mo ang magbabayad. Bigla tuloy akong napangisi. Muling tumingin ang mga mata ko sa gulong ng sasakyan. Sure akong mahal ito kapag ibebenta namin. Kaya naman mabilis kong kinuha ang mga gamit na ipinahiram sa akin ni Bombie at nagsimula nang baklasin ang gulong. Tinulungan naman ako ng aking kaibigan. Dahil mas sanay ito sa pagbaklas ng gulong dahil ito ang sideline nito. Tagaktak ang pawis naming dalawa bago namin maalis ang isang gulong ng kotse. "s**t ka talaga, Icel! Ano bang pumapasok sa utak mo? Siguro'y na sobrahan ka sa pag-iyak!" na aasar na saad ni Bombie. "Ganito talaga ako kapag nauubusan ng luha. Kung ano-ano ang umapasok sa utak ko. Saka sayang din ito. Puwede nating ibenta bukas. Alam kong mahal ang gulong na ito," wika ko pa. Sabay ikot ng mga mata ko sa harapan ng kotse. Namataan ko ang side mirror kaya agad akong lumapit doon. "Hey! Ano'ng gagawin mo riyan? Huwag mong sabihin pati iyang side mirror ay hindi mo papalampasin?!" nagtatakang pagpuna sa akin ni Bombie. "Sayang din ito kapag ibenenta natin," wika ko at mabilis na binaklas ang side mirror. Napapailing na lamang ito sa akin. "Lahat ba ng gulong ay tatanggalin natin?" tanong ng aking kaibigan. "Oo lahat," baliwalang sagot ko rito. "Hindi kaya makulong tayo sa gagawin nating ito? At mukhang mayaman ang may-ari ng kotseng ito?" "Huwag kang mag-alala. Ikaw lang naman ang makukulong hindi ako," sabay ngisi ko rito. Kaya sumama ang tingin nito sa akin. "Joke lang," muling bawi ko. "Bilisan mo na Icel, kung gusto mong makuha ang lahat ng gulong ng kotseng ito. Iwan ko ba naman sa 'yo. Kung ano-ano na lang ang maisipan mong gawin at pumapasok diyan sa ulo. Imbes na natutulog na sana tayo ngayon. Pero heto tayo sa kalye at nagnanakaw ng mga gulong," mahabang litanya nito sa akin. "Pera, ang magiging kapalit nito bukas," sagot ko rito. "Pera? Sure ka? Paano kung maghimas tayo ng isang malamig na bakal? Saka hindi tayo papasakayin ng jeep nito dahil may mga dala tayong gulong!" bulalas pa nito. "Huwag kang mag-alala akong bahala," panatag na sagot ko rito. "Okay fine. Ito namang isang gulong ang kailangan nating alisin. Bilisan mong kumilos Icel. Baka may makakita pa sa atin." Kaya agad akong lumapit sa gulong na balak naming alisin, talagang pinagtulungan naming tanggaling ito. Napaupo pa nga ako sa semento nang tuluyang maalis namain ito. May dalawang gulong pa kaming aalisin. Lumipat kami sa likurang bahagi upang muling alisin ang ikatlo. Ngunit bigla kaming napatingin sa harap ng gate nang biglang bumukas iyon at lumabas ang isang lalaki. "Hoy! Ano'ng ginagawa ninyo sa kotse?!" tanong nito sa amin. Pero ramdam ko ang galit nito. Bigla kaming nagkatingin ni Bombie. Sabay alis sa likuran ng kotse. At nagmamadaling kinuha namin ang dalawang gulong na naalis namin ganoon ang side mirror. At pagkatapos ay matuling tumakbo papalayo sa kotseng chinapchop namin. "Hoy! Ibalik ninyo ang gulong ko!" rinig ko pang sigaw ng lalaking nakakita sa amin. Sorry na lang ito. Dahil mabilis kaming tumakbo ni Bombie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD