Bawang at Sibuyas 8

1354 Words
Tamang-tama ang aking plano ngayon gabi dahil wala ang lalaking kabute na iyon dito sa bahay niya. Balak ko na sanang sumampa sa gate nang may pumigil sa aking damit. Paglingon ko'y nakita ko ang mukha ni Bombie. "Ano'ng gagawin mo sa loob ng bahay na iyan? Hindi ka ba natatakot na baka mahuli ka?!" singhal sa akin ng babae. "Huwag kang mag-alala dahil may sa palos yata ako. Kung sasama ka ay sumunod ka na lang sa akin, puwede ring magbantay ka rito sa gate," saad ko, sabay tungtong sa bakal na gate para umakyat. "Naku! Icel! Huwag lang talaga tayong mahuli ng may-ari ng bahay na iyon. Kakalbuhin ko ang buhok mo sa ibaba!" palatak ng babae. "Wala ka nang makakalbo hija, dahil nakalbo ka na," sagot ko rito. Ngunit isang batok na naman ang aking napala mula sa babae. "Pasaway talaga, Icel!" palatak ng babae. Napatawa na lang ako rito. Nakita kong sunod din naman ito sa akin paakyat sa gate. Hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob. Laking tuwan namin nang mabuksan ni Bombie ang pinto sa likod bahay gamit ang isang alambre na dala-dala nito. Halos patay ang ilang sa buong kabahayan. Ngunit salamat sa liwanag ng buwan dahil nakikita namin ang daan. Sa kusina kami unang pumunta. Kinuha ko ang maliit na flashlight na lagi kong dala-dala sa tuwing aalis ako. Ito ang nagbibigay liwanag sa amin dito sa kusina. Mayamaya pa'y napansin ko ang malaking refrigerator, maliksi akong lumapit doon at balak ko na sanang buksan ito ngunit napatingin ako sa basket na 'di kalakihan sa akin. Maliksi akong lumapit doon upang alam kung ano ang laman ng basket. Namangha ako nang makita kong naglalaman ito ng mga sibuyas at bawang. "Bombie! Lumapit ka rito sa akin, dahil mo ang bag mo rito!" pagtawag ko sa babae. Narinig kong lumapit nga ito sa akin. "Bakit, Icel?" tanong nito. "Buksan mo ang bag mo dahil magdadala tayo ng sibuyas at bawang," baliwalang sabi ko rito. "Ha! Ano'ng gagawin natin diyan? Baka malaman ni Mr. L, na may kumuha ng mga sibuyas at bawang niya," kabadong sabi ni Bombie. "Hindi iyon malalaman. Dahil sa aking pagkakaalam ay malawak ang taniman ng bawang at sibuyas ng lalaking kabute na iyon. Puwede rin natin itong ibenta bukas sa bangketa. Sayang din ito. Magiging pera ito oras na mapaubos natin," katwiran ko sa aking kaibigan. "Sige, pera nga iyang oras na maibenta natin," sang-ayon sa akin ng dalaga. Kaya wala na kaming sinayang na oras. Agad naming dinakot ang bawang at sibuyas na nakalagay sa basket. Hindi namin alintana kung may mga nahulog sa ibaba basta kuha nang kuha lamang kami at basta lang din naming isinalpak sa baga ni Bombie. "Okay na siguro ito, halos mapuno na, eh," saad ni Bombie sa akin. "Sige, ayos na iyan. Tayo na, kailangan na nating umalis baka may makakita pa sa atin dito," saad ko at nagmamadaling humakbang papalabas ng bahay. Pagdating sa harap ng gate ay muli kaming umakyat upang makalabas na nang tuluyan. Bigla akong napangisi dahil walang kahirap-hirap kaming nakapasok at nakalabas ng bahay ni Mr. L. Ang maganda pa'y may nadikwat din kami na puwede naming ilako sa bangketa bukas. "Bilisan mo Bombie! Baka may makapansin sa atin!" bulalas ko, pagkatapos ay halos takbuhin namin makalayo lamang sa bahay ng lalaking kabute na iyon. Pagdating naman sasakayan ay nagdesisyon na lang kami ni Bombie na sumakay ng taxi para mapabilis kaming makauwi. "Guadalupe kami, Manong," saad ko nang makapasok sa loob ng taxi. "Napataas pa nga ang kilay ko nang mapansin ko ang dalawang babae sa aking tabi. Nakita kong nagtabon sila ng mga ilong nila. Aba't ano'ng tingin nila sa akin mabaho. Tumingin naman ako kay Bombie, nasa tabi kasi ito ng driver ng taxi. Lumingo din ito sa akin sabay ngisi. "Best friend! Mukhang nababahuan sa 'yo!" mapang-asar na sabi ni Bombie. Kaya ang ginawa ko'y inamoy ko muna ang aking sarili pati ang kilikili ko'y inamoy ko rin. Pero wala naman akong naamoy na kakaiba. Kaya naman masamang tingin ang ibinigay ko sa mga ito. Naglakbay rin paningin ko sa kabuuan nila. Bigla tuloy akong napaismid. "Pwe! Huwag nga kayong mag feeling mayaman! Pari-parihas lang naman tayong maasim ang pawis!" palatak ko pa. Bigla naman tumawa nang pagkalakas-lakas si Bombie dahil siguro sa aking sinabi. "Aba't, hoy! Para sabihin ko sa 'yo hindi kami katulad mo! Yaakkks! Sobrang baho mo!" palatak ng katabi kong babae. Napahagalpak tuloy ako ng tawa. "Kung mabaho ako, ano naman kayo? Hmmm! Mga nagfe-feeling rich. Pero butas naman ang bag. Tapos ang kilay parang dinaanan ng bagyo dahil hindi pantay!" asar nasabi ko sabay tingin dalawang babae. Nakita kong tumingin ang babae sa dala niyang bag. At ang isa naman babae ay hinawakan ang kilay nito. Ramdam kong napahiya siya dahil sa aking sinabi. "Alam mo best friend! Dapat ang mga ganyang tao binibigyan ng premyo. Hayaan mo at ako ang magbibigay sa kanila mamaya," singit naman ni Bombie. Nang sabihin iyon ni Bombie ay wala naman kaming narinig na salita mula sa dalawang babae. Hanggang sa makarating kami sa Guadalupe. "Oh, Ito! Ibenta ninyo nang makabili kayo ng karayom, sinulid at pang ahit ng kilay," saad ni Bombie habang inilalagay sa tabi ng dalawang babae ang mga bawang at sibuyas na nakulimbat namin sa bahay ni kabute. Pagkatapos ay maliksi kaming bumaba ng taxi nang tumigil na ito. Walang pakialam na tuloy-tuloy kaming naglakad para tuluyang makauwi. Hanggang sa sumapit na nga kami sa harap ng munti naman bahay. Pagdating sa loob ay agad namin inasikaso ang mga dala-dala namin lalo na ang ulam na nakuha namin. Iyong mga sibuyas naman ay inilagay namin sa isang maayos na lagayan. Bukas na lang namin ito kikiluhin kung ilang kilo. "Mauuna na akong matulog sa 'yo, Bom," paalam ko sa aking kaibigan. "Sige," sagot nito sa akin. Ako naman ay nagmamadaling nahiga sa papag para matulog. Bukas ay panibagong pakikibaka na naman. Hanggang sa tuluyan na akong namunin ng antok. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Upang asikasuhin ang mga sibuyas at bawang na nakulimbat namin. Pansin ko'y wala na si Bombie sa aking tabi. Aba! Nauna pang nagising sa akin ang babaeng iyon. Paglabas ko sa munti naming silid ay nakita ko ang kaibigan ko na busy sa paghihiwalay ng bawang at sibuyas. "Ako ang magtitinda ng bawang, itong sibuyas ay ikaw," saad ni Bombie sa akin, habang nakatingin pa rin sa ginagawa nito. "Tingin mo, mga ilang kilo ang mga iyon?" tanong ko. "Tingin ko'y may limang kilo itong sibuyas at itong bawang ay apat na kilo," sagot ko. Mayamaya pa'y naghanda na nga kaming umalis upang magbenta ng mga nadikwat namin sa bahay ni kabuti. Pagdating sa bangketa ay kanya-kanya na kming pwesto ni Bombie. "Ohh! Sibuyas kayo riyan! Murang-mura lang. Huwag na kayong mag-atubili sa pagbili!" sigaw ko, habang hawak ang basket na may lamang sibuyas. "Bawang! Bawang! Pantakot sa aswang!" na rinig kong palatak ni Bombie, sa 'di kalayuan sa aking pwesto. Ako naman hindi nagpatalo upang makabenta at maubos itong lahat. "Oh! Bili na kayo ng sibuyas! Murang-murang tatlo'y isang daan!" sigaw ko po. "Icel! Walang bibili niyang sibuyaa mo kung ibebenta mo ng tatlo'y isang daan!" biglang sabi ni Bombie sa akin. "Ha! Mura na nga iyon! Sa mahal ng bilihin ngayon!" angal ko sa aking kaibigan. "Bibigyan kita ng isang daang piso kung maibebenta mo ng. . . tatlo'y isang daan ang mga sibuyas mo!" bulalas ni Bombie. Pabor naman sa akin ang sinabi ito. Kaya naman muli akong mag-alok ng sibuyas sa mga taong dumaraan dito. "Manang! Sibuyas po kayo. Murang-murang lang po!" "Magkano ba 'yang sibuyas mong tinda?" tanong sa akin ng babae. "Tatlo'y isang daan po, manang," mabilis na sagot ko. "Mahabaging Diyos. Ano ba iyang sibuyas na tinda mo ginto?!" palatak ng babaeng nasa harapan ko. "Mamang, hindi po ginto iyan. Pero malalaki naman po iyan at masarap ipang sahog. Saka mahirap po kasing umakyat!" "Umakyat? Mataas ba ang puno ng sibuyas na pinagkukunan mo?!" "Paktay..." mahina kong bulong sabay kamot sa aking ulo. Anak tinapa bakit ba iyon ang nasabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD