Chapter 7

1131 Words
“A-aray, babyloves, bakit mo naman ako kinurot?” “Tse... babyloves mo ’yang mukha mo! Bakit ka ba nanghahalik, ha?” singhal ni Sofia sa lalaki. “Kayong dalawa, tama na ’yang bangayan ninyo. Matulog na kayo ng maaga. Babalik na tayo ng Maynila bukas!” sigaw ni Aling Melinda sa loob ng silid nito. Iisa lang ang silid ng kanyang bahay kaya ang magkaibigan sa sala na lang naglatag ng banig. Kampanti naman ang ginang na walang mangyari sa dalawa. “Opo, tita gwaps. Matulog na po kami ni baby—” hindi natuloy ang sasabihin ni Enzo dahil nanlilisik ang mga mata ni Sofia na nakatingin sa kanya. Baka kapag iniinis niya ito hindi na siya sasagutin ng dalaga. “Babyloves huwag ka ng magalit sa akin. Hindi ko kaya ’yon,” pang-aalo ni Enzo sa dalaga na ngayon nakatalikod sa kanya habang nakahiga. Ilang beses na silang magkasamang matulog ng binata ngunit ngayon lang siya nakaramdam ng pagkailang. Kinakabahan siya baka mi na naman siyang matangay sa mga halik ng binata. Nalulungkot si Sofia bakit ganoo na lang siya kadaling halikan ng lalaki. Baka akala nito easy to get lang siya. Ngunit nagagalit naman siya sa kanyang sarili dahil hindi niya kayang tanggihan ang mga halik ng kaibigan. “Babyloves kausapin mo naman ako. Sige na,” pangungulit ng lalaki. Ngunit mas lalo lamang napahalukipkip ng higa ang dalaga at mabilis na nagtalukbong ng kumot. Ayaw niyang makita ang mukha ng binata. Malakas na buntonghininga ang pinakawalan ni Enzo. Ngunit dahil sa kanyang kapilyohan pumasok siya sa loob ng kumot ni Amara. At mahigpit niyang niyakap ang dalaga. Sobrang mahal na mahal niya ito. Ayaw niyang magtatampo ang dalaga. Hindi niya kakayanin kahit ilang oras lang silang hindi magkibuan. Marahang napapikit sa kanyang mga mata si Sofia nang maramdaman niya ang pagpulupot ng matigas nitong bisig sa kanyang malambot na katawan. Kakaiba ang kanyang nararamdaman. Pakiramdam niya safety siya sa tuwing ang lalaki habang natutulog walang sino man ang makapanakit sa kanya. “Sorry na babyloves ko," malambing na saad ni Enzo sa kanyang punong tainga na ikinakiliti ng dalaga ngunit pinigilan lamang niya ito. “Bakit basta ka na lang nanghahalik sa akin, ha? Bakit tingin mo ba sa akin kaladkaring babae? Easy to get?” halos mangiyak-ngiyak na tanong ni Sofia sa lalaki. “Hindi ganyan ang tingin ko sa’yo. Nagkakamali ka babyloves. Patawarin mo ako kasi hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na hindi angkinin ang ’yong matamis na labi. Mahal na mahal kita, Sofia,” seryosong saad ni Enzo. At mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap ni Sofia. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa batok ng dalaga. Ayaw na niyang matapos ang sandaling ito. “Eh, hindi pa naman kita sinasagot,” mahinang saad ni Sofia ngunit sakto lang na narinig ni Enzo. “Hmmp, hindi mo pa ba ako sinasagot, babyloves. Sarap na sarap ka nga sa halik ko.” Natatawang tugon ni Enzo. Umaandar na naman ang kanyang kapilyohan. Iniinis na naman niya ang dalaga nasiyahan kasi siyang makitang namumula ang pisngi nito. Napaharap si Sofia sa lalaki at kinurot na naman niya ang tagiliran nito. Nahihiya kasi siyang pag-usapan ang namagitan sa kanila kanina. Ngunit embes na masasaktan mahinang tumatawa ang loko dahil nagtagumpay siyang inisin ang dalagam “Ikaw talaga kahit kailan napakaloko-loko mo! Kaya ayaw kong maniwala sa’yo! Maghanap ka ng ibang liligawan mo!” Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Enzo at napalitan kaagad ng seryosong mukha. Hinuli niya ang kamay ng dalaga. Pinakatitigang mabuti ang mga mata nito. Nais niyang ipakita sa dalaga kung gaano siya ka sensiridad sa kanyang mga sinasabi. “Sofia, maloko man ako pero paniwalaan mo naman ang sinasabi ko sa’yo kung gaano kita kamahal. Patawarin mo ako, ang cute mo lang kasi kapag naiinis. Mahal na mahal kita, Sofia. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Gusto kong protektahan ka sa mga taong nais manakit sa’yo. Gusto kong alagaan kita dahil para sa akin espesyal ka.” Hindi namalayan ni Sofia na kusa na pa lang tumulo ang kanyang mga luha. Noon pa man tagapagtanggol na niya ang binata kahit sa kanyang tiyahin lagi siyang ipinagtatanggol kaya ayaw nito sa kanya dahil laging itong kinukontra ni Enzo lalo na ang ginawang pananakit ng tiyahin aa kanya. Tanging si Enzo lang at Aling Melinda ang totoong nagmalasakit sa kanya kahit hindi man niya kadugo ang dalawa. “Mahal na mahal din kita, Enzo. Salamat sa pagmamahal mo sa akin.” Nanlaki ang mata ni Enzo sa narinig. Ngunit kalaunan napangiti rin siya dahil sigurado siyang sinabi ni Sofia na mahal din siya nito. “Tama ba ang narinig ko babylove? Mahal mo ako? Ulitin mo please, gusto kong marinig ulit ang sinasabi mo.” paninigurado ni Enzo. Sinamahan pa niya ito ng puppy eyes para effective. Napanguso naman si Sofia dahil sa kagustuhan ng binata. Ngunit napatawa siya dahil sa mukha nitong nagpapaawa. “Sige na nga, sabi ko mahal din kita. Sinasagot na kita. Kaya tayo na.” “Wooah! Sinasagot na ako. Girlfri—" Mabilis na tinakpan ni Sofia ang bibig at kinorot ang tagiliran ni Enzo dahil baka marinig ito ni Aling Melinda nakakahiya sa Ginang. “Huwag ka ngang maingay. Baka marinig tayo ni Aling Melinda.” suway niya sa binata. “Ano naman ngayon babyloves ko? Okay lang naman malaman ni tita gwaps. At isa pa masaya lang naman ako dahil sa wakas girlfriend na kita.” Mabilis na ginawaran ng halik ni Enzo si Sofia. At kaagad kumakaibabaw sa dalaga. Kahit nais naman tumutol ni Sofia wala siyang nagawa, hindi siya nakagalaw dahil nasa loob pa rin sila ng kumot. “Babyloves, kung puwede pa lang na sumama kana sa akin. Huwag ka ng umuwi sa demonyita mong tiyahin,” seryosong saad ni Enzo habang nanatiling nakatitig sa mukha ng dalaga. Mabigat ang hiningang pinakawalan ni Sofia. “Alam mo naman hindi puwede. Ako lang ang tanging inaasahan nila tiya.” Kahit hindi man maganda ang trato ng kanyang tiyahin sa kanya hindi pa rin matatawaran ang pagtanaw niya ng utang na loob sa ginawang pag-alaga at pagkupkop sa kanya noon. Wala na rin siyang ibang kamag-anak na mapupuntahan. At isa pa si Milet na mismo ang tinuring niyang ina. Kahit malupit man ito sa kanya mahal na mahal pa rin niya ang tiyahin. “Alam ko naman na hindi mo sila maiwan, babyloves. Napakaswerte nila sa’yo. Pero inaabuso na nila ang kabaitan mo. Pero patawarin mo ako, hindi ako papayag na saktan ka pa nila ulit. Ako na ang makakalaban nila.” “E-Enzo,” tanging nasambit ni Sofia dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Napaka suwerte niya na may isang Enzo na nagmamahal sa kanya ng totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD