TAHIMIK si Sofia na nakasandal sa passenger seat habang lulan sila ng sasakyan pabalik ng Maynila. Naisip niya ang kanyang tiya Milet kung ano ang maging reaction nito sa pagbalik niya, ilang araw din ang pamamaligi nila sa lugar ni Aling Melinda. Paniguradong sisiklab na naman ang galit nito dahil hindi man lang siya nagpapaalam. Kinapa niya ang isang libo na bigay ni Aling Melinda sa kanya, pera lang ang importanti ng kanyang Anti Milet wala itong pakialam sa kanya kung saan man siya nakakarating ang mahalaga may maiabot siya rito.
Napalingon siya kay Enzo nang kunin nito ang kanyan mga palad at bahagyang pinisil-pisil. Pagkatapos nagmulat ito ng mata.
“Bakit ang tahimik naman yata ng babyloves ko? May iniisip ka ba?” tanong nito sa kanya. Ngunit pinong kinurot niya ang tagiliran ng binata sabay bulong.
“Ano ka ba! Baka marinig ka ni Aling Melinda,” saway niya rito. Sa ngayon ayaw niyang may makakaalam sa kanilang relasyon nais muna niyang ilihim ang kanilang relasyon.
“Ayos lang 'yan si tita gwaps naman ’yan. Ano ba naman kasi ang iniisip ng mahal ko?” Itinaas nito ang isang braso pagkatapos inakbayan siya at kinabig ang kanyang katawan para mas lalong mapalapit kay Enzo.
Isang malakas buntong hininga ang pinakawalan ni Sofia. Pagkatapos umiiling. Iniisip niya ang kanyang mga pinsan at tiyagin. Kung puwede lang mananatili siya sa probinsiya ni Aling Marta. Pero kahit ganoon ang turing nga mga ’yon sa kanya. Iniisip niya na wala naman ibang maasahan kung hindi siya.
Tahimik niyang binabagtas ang makipot na daan patungo sa kanilang bahay. Nais sana ni Enzo na ihatid pa siya pero hindi na siya pumayag baka mas lalong sisiklab ang galit ng kanyang tiyahin kapag nakita nito ang lalaki. Matagal na siyang binabalaan ni Milet na huwag ng sumama kay Enzo pero hindi niya kayang iwasan na lang ng basta ang kaibigan. Ito na nga lang natitira niyang kakampi.
“Oh, Milet, nandito na pala ang pamangkin mong malandi,” rinig niyang saad ng bababe na isa sa mga kalaro nito ng tong its. Nais niyang umalma sa narinig pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang makalikha ng eskandalo.
Napalunok siya nang makitang ang nag-aalab na mga mata ng kanyang tiyahin nakatutok sa kanya. Hindi man ito nagsasalita pero alam niyang galit na galit ito. Malakas ang kalabog ng kanyang dibdib habang minamasdan ang bawat galaw ng ginang. Nais man niyang tumakbo papalayo pero hindi niya magawa dahil sa labis na pangangatog ng kanyang tuhod.
“Sofia anak, nandito ka na pala. Akala ko iiwan mo na kami. Alam mo ba na ilang araw na kaming naghahanap sa'yo. Nag-aalala ako baka ano na ang nangyari sa’yo," bigla na lang umaatungal ang kanyang tiyahin ng makalapit ito sa kanya. Maging ang ibang nagsusugal pinagtitinginan na sila. Hindi alam kung ano ang kanyang mararamdaman sa mga oras na ’yon. Unang pagkakataon na tinawag siyang anak nito.
“A-anak?” hindi makapaniwalang tanong niya sa tiyahin ang buong akala niya galit ito sa kanya base sa tingin nito kanina sa kanya.
“Oo, anak. Ako na ang nagpapalaki sa iyo kaya natural na tawagin kitang anak. Halika ka na umuwi na tayo ipaghahanda kita ng makakain. Paniguradong matutuwa ang mga pinsan mo,” nakangiting saad ni Milet sa kanya. Napaluha siya sa narinig. Unang beses na tinawag siyang anak at nginitian siya nito. Dahil simula’t sapul palagi na lang itong galit kapag nakikita ang pagmumukha niya.
“Sa-salamat po, Anti. Akala ko galit po kayo sa akin.” Tuluyan ng nasilaglagan ang kanyang mga luha. Labis na tuwa ang kanyang nararamdaman dahil sa wakas nagbago na rin ang pakikitungo ng kanyang tiyahin sa kanya.
“Ako magagalit? No-no hindi nagagalit sa’yo anak. Alam ko naman na wala kang ibang iniisip kundi ang kapakanan namin.” Niyaka pa siya nito ng mahigpit na kaagad naman din niyang niyakap ng buong puso.
“Oh, ano mga Mare, uuwi na muna ako. Kayo na muna ang bahala riyan. Aasikasuhin ko na lang muna ang pamangkin ko!” sigaw ni Milet sa mga kasamahang naglalaro ng tong its.
“Basta ang pinag-usapan natin. Huwag mong kakalimutan 'yong balato ko. Paniguradong tiba-tiba tayo!” nakangising tugon ng matabang tomboy. Nangunot ang noo ni Sofia sa narinig.
“A-anti, ano po ang ibig sabihin ni Berna?” nagtatakang tanong ni Sofia. Bakit tila hindi maganda ang kutob niya sa mga narinig ngunit pinili niyang balewalain 'yon. Ayaw niyang muli na namang magalit sa kanya ang tiyahin.
“Naku! Huwag mo silang isipin. Alam mo naman ang mga 'yan, mga baliw.” Humagikhik na tugon ni Milet.
Napangiti siya habang naupo sa may mesa. Masaya niyang tinanaw ang tiyahin habang naghahanda ng kanyang pagkain. Akala niya hindi na darating ang ganitong pagkakataon. Nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil unti-unting tinutupad nito ang kanyang mga dasal.
Muli na namang tumulo ang kanyang mga luha. Sa pagkakataon na ito luha ng kaligayahan. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam na may inang mag-aalaga. She hope na sana tuloy-tuloy na ang pagbabago ni Milet.
“Oh, naku huwag ka ng magdrama. Kumain ka na, magpakabusog ka, ha. May bisita tayo mamaya kaya magbihis ka na muna," saad ng kanyang tiyahin habang nilalagay ang pagkain sa mesa. Hindi na siya nagtanong kung sino ang bisita. Sinunod niya ang gusto nito. Magana siyang kumain dahil sa ipinakitang kabaitan ng kanyang tiyahin.
“Umuwi na pala ang salot na 'yan! Ano tapos ka ng lumandi kay Enzo, Ha? Mana ka talaga ng ’yong ina!” Napatigil siya sa pagnguya dahil sa narinig. Nang lingunin niya ito nanlilisik ang mata ni Mariel ang sumalubong sa kanya.
“Hoy, Mariel manahimik ka! Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang pinasan mo!” sita naman ni Milet sa kanyang anak.
"Ano kinakampihan mo na ang malanding ’yan, Ma? Na walang ibang dala sa atin kundi kamalasan!”
“Sinabinh tumigil ka na kung ayaw mong makakatikim sa akin!” galit na sigaw ni Milet sa kanyang anak
“Huwag mong pansinin ang pinsan mo kumain ka lang d'yan. Pagsabihin ko muna ’yon.” Marahang tumango na lamang si Sofia. Hindi na bago sa kanya ang ginawa ng kanyang pinsan. Sanay na siya sa lagi pangungutya nito. Hindi rin lingid sa kanyang kaalaman na may matinding paghanga ito kay Enzo kaya ganoon na lamang din ang galit nito sa kanya dahil pagiging close nila ng binata. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit palihim muna ang kanilang relasyon ni Enzo bilang magkasintahan. Alam niyang .as titindi pa ang galit nito sa kanya kapag malaman ni Mariel ang lahat. Pero ipinapanalangin niya na darating din ang panahon na magkakasundo rin siya mg kanyang pinsan.
Nagmamadali niyang tinapos ang pagkain pagkatapos naligo. Muntik na niyang nakalimutan. Pupuntahan nila ngayon ang sinasabi ni Aling Melinda sa kanyang trabaho. Kaibigan nito ang may-ari ng restaurants kahit wala ziyang pinag-aralan matalinong dalaga si Sofian kaya madali lang sa kanya ang matutohan ang mga bagay-bagay.
Palabas na siya ng bahay ang siya rin pagdating ng tatlong mga kalalakihan. Nakasuot ng kulay itim na tshirt pinatungan ng itim din na leather jacket. Parehas din ang tatlo na may suot na shades. Napangangang dumiritso ang tingin niya sa kasunod ng mga ito ang matandang may hawak na baston. Nakasuot ng sumbrero. Base sa suot itong malaking gintong kwentas at kasuotan nito nanghuhumiyaw ang karangyaan ang pamumuhay ng matanda.
“Don Enrique! Magandang umaga. Halika po kayo pasok po muna.” Masayang salubong ng kanyang Anti Milet sa kanya. Labis naman siyang nagtataka kung sino ang kanilang bisita gayong wala naman siyang kilalang kamag-anakan nila.
Napasinghap siya nang bumaling ang tingin ng matanda sa kanya at marahang sinuyod siya nang tingin ang kanyang kabuoan. Napangisi naman si Milet sa kanyang nakikita mukhang jackpot nga siya at interesado talaga si Don Enriqtue kay Sofia.
“Sofia, anak. Ipaghanda mo muna ng maiinom sila.”
Kaagad na tumalima si Sofia sa utos ng kanyang tiyahin na walang kaalam-alam sa binabalak ng kanyang walang hiyang tiyahin.