chapter 6

1501 Words
CHAPTER 6 Padabog na umalis si Enzo sa may bintana. Alam niyang nagagalit ito dahil sa matalim nitong mga tingin sa dalawang lalaki. Tila nagsisisi tuloy si Sofia kung bakit pa siya pumayag na magpaharana. Nakaramdam siya ng lungkot sa kanyang puso baka nasasaktan niya ang damdamin ng kaibigan. Nagsimula ng laruan ng mga kalalakihan ang gitara at nagsimula na itong kumanta. “Buksan mo ang bintana ng 'yong puso. Pawiin mo ang uhaw na damdamin.” panimulang kanta ng mga kalalakihan. Napangiwi naman si Sofia dahil sa hindi pa niya narinig ang kantang 'yon. Hinuha niya hindi pa siya ipinanganak ng ipinalabas ang awitin. Nais niyang magtakip ng tainga dahil sa napaka sentido naman ng isa. Nagkakagulo tuloy ang lyrics. “Ah, Lando. Tama na! Okay na kay Sofia!” sigaw ni Aling Melinda. Medyo natatawa pa si Aling Melinda. Napakamot naman sa ulo si Lando. “More practice pa po ba, Tiya Melinda?” medyo natatawang tugon naman ng lalaki. Alanganing ngumiti si Sofia nang napadako ang tingin nito sa kanya. Hinahanap sa kanyang paningin si Enzo pero wala ito sa loob ng bahay . Nag-aalala tuloy siya kung saan pupunta ang binata. “Tiya, Melinda. Maari na ba naming makausap ang iyong magandang dilag?” napabaling ang kanyang ang atensiyon sa lalaki. Nais niyang tumutol. Ngunit baka ano pa ang isipin ni Aling Melinda. “Ano Piyang ayos lang nakausapin mo sila?” baling sa kanya ng ginang. Walang ganang tumango siya rito at alanganing ngumiti bilang pagsang-ayon kahit ang totoo labag sa kanyang kalooban. Hindi nais makausap ang mga panauhin. Matamis ang ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki pagkapasok ng bahay. Isa lang ang tumuloy sa loob at nanatili ang dalawa sa labas ng bahay. Napipilitang siyang gumanti naman ng ngiti ayaw niyang maging bastos sa kahit na sino. “Ma-a-ari ba akong makikiupo?” medyo nauutal na tanong ng lalaki sa. “Naku sige umupo ka ng bata ka hindi na dapat pa magpaalam,” si Aling Melinda na ang sumagot dahil nakita niyang tulala ang dalaga. “Piyang, ayos ka lang ba?” pukaw niya sa dalaga ngunit mahina lang ang pagkakasabi niya. Napakurap naman si Sofia at napabaling sa Ginang. “A-ayos lang ako, Aling Melinda.” pagsisinungaling niya kahit ang totoo lumilipad ang kanyang diwa dahil sa labis na pag-aalala kay Enzo. “Sige maiwan ko na kayo rito. Mag-uusap kayong dalawa dahil may gagawin pa ako sa loob ng aking silid. Huwag kang gagawa ng kaluhan sa dalaga ko Lando kundi ako ang makakalaban mo!” may himig na pagbabanta ang tinig ng ginang na ikinangiti naman ng lalaki. “Ako nga pala si Lando,” pagpapakilala ng lalaki sa kanya. Pormal na nilahad ng lalaki ang kamay nito sa kanya. Hindi niya alam kung tatanggapin ba niya o hindi. Nagpalinga-linga siya sa paligid baka makita siya ni Enzo. Ewan ba niya bakit kailangan pang- isangguni ang lahat sa kaibigan. “Kung iyong mararapatin. Maari ko bang malaman ang ’yong pangalan magandang binibini?” napapitlag si Sofia sa muling pagsasalita ng lalakk hindi niya nalamayan kanina pa pala siya nakatitig sa nakalahad nitong kamay. Nakakahiya siya. Baka kung ano na ang isipin ng lalaki. “Ah—a-ako pala si So–” hindi natuloy ang nais pakikipag kamay ni Sofia kay Lando dahil biglang sumulpot sa kung saan si Enzo. “Enzo pare, fiancee ni Sofia. And were getting married soon,” saad ni Enzo sa lalaki at ito pa mismo ang tumanggap sa nakalahad na kamay ni Lando. Nanlaki ang mata ni Sofia sa kanyang narinig. Napanganga siya. Pero kakaiba ang t***k ng kanyang puso labis na saya ang kanyang nadarama. Nang balingan naman ng tingin ni Sofia si Lando. Nakita ang pagkadismaya at lungkot sa mukha nito. Naawala tuloy siya sa lalaki. Pero tama na rin ’yon ayaw niyang paasahin ang lalaki. Pero sa totoo lang sobrang kinakabahan siya kanina baka magalit sa kanya si Enzo. “Pasensiya na pare, akala ko walang jowa. Sayang, pero congratulations in advance sa kasal ninyo. Ingatan mo siya pare.” Bahagya pa itong sumulyap sa kanya sa huling salita nito. “Don't worry pare, I always take care my honey bunch. Kaya kung maari lang puwede na ba kayo makaalis. She need to rest early because she's freygnant( pregnant),” pagtataboy na ni Enzo sa lalaki. Nais naman mapabulanghalit ng tawa ni Sofia dahil sa english carabao ni Enzo. At the same time namumula rin ang pisngi. Nahihiya siya sa huling tunuran nito. “Pasensiya na pare sa distorbo. Aalis na po ako.” Yumukod ito sa kanila at nagmamadaling lumabas ng bahay. Nang makasigurong nakaalis na ang lalaki. Hinampas niya ang balikat ng lalaki. “Aray, ko! Honey bunch. Bakit mo ako sinasaktan?” natatawang tanong ni Enzo kay Sofia na ngayon nagkulay kamatis na ang mukha dahil sa sobrang kahihiyan. “Tse! Huwag mo akong matawag-tawag na honey bunch! Walang hiya ka kung ano-ano ang pinagsasabi mo sa tao. Nakakahiya! May pa-english- english ka pang nalalaman mali-mali naman!” kunwaring nagagalit ang dalaga dahil kakaiba ang kanyang nararamdamang saya sa mga oras na ito. “Ano ba kasi ang ikinagalit mo honey bunch ko? 'Yon bang you're freygnant? Puwede naman na totohanin natin 'di ba?” bahagya pa itong kumindat at ngumiti ng nakakaloko sa kany. “Buwesit ka! Huwag mo akong idamay sa kamayakan mo! Inosenti ako!” muling singhal niya rito at muli na naman pinaundayawan ng hampas ang lalaki. “Honey bunch, ano'ng pinagsasabi mo? Wala naman akong minamanyak na iba. Ikaw lang kaya ang minaman—ay este minahal ko.” mas lalong namula aa inis so Sofia dahil sa walang prenong bibig ni Enzo. “Isa, honey bunch, pagmakaabot ng tatlo sige ka! Aray! Aray!” kuntudo ilag si Enzo sa mga hampas ni Sofia dahil hindi pa rin tumigil sa kahahampas ang dalaga. “Ano? Ano’ng gagawin mo sa akin, ha. Aber?” panghahamon na saad ni Sofia. Mabilis na hinuli ni Enzo ang kanyang kamay. Niyakap siya nito ng mahigpit. Tila naninigas si Sofia sa kanyang kinatatayuan hindi siya makagalaw. Nasamyo lang niya ang mabango at mainit na hininga ng lalaki sobra ang kalabog sa kanyang dibdib dahil sa bilis ng t***k nito. “E-Enzo," halos pabulong na tawag niya sa pangalan ng lalaki para sana sabihin bitawan siya. Pero kakaiba yata ang hatid nito sa kanya. “Sofia, napakaganda mo,” namaos ang tinig ng binata. Tila may sariling pag-iisip ang kanyang mga mata at kusa na lamang iyong pumikit. Hanggang sa naramdaman niya ang mainit na labi ni Enzo. Buong puso niyang tinanggap ang mainit nitong mga halik. Ramdam niya ang buong ingat at pagmamahal ni Enzo sa kanya. “Ahh!” mahinang daing niya dahil sa pagsipsip ng binata sa kanyang pang-ibabang labi. Gumanti naman siga sa pagsipsip sa matamis na labi ng lalaki. Nang makawala sa pagkakayakap ni Enzo. Kusang pumulupot ang kanyang mga braso sa leeg ng binata. Nakipag-espadahan siya ng dila. Lumalaban, ayaw paawat. Hinuli niya ang dila ni Enzo at sinipsip 'yon. Ito ang pangalawang mainit na halik na pinagsaluhan nila ngunit masasabi niya nakakaiba ang halik na ito. Napaliyad siya nang bumaba ang labi ni Enzo sa kanyang leeg. “Ah! Ah!” mahinang halinghing niya dahil ngayon pa lang siya nakakatikim ng kakaibang sarap. Hindi maipaliwanag. Gumapang ang kamay ni Enzo sa ilalim ng kanyang suot na blusa. Napaigtad siya nang bahagyang haplusin qng lalaki ng lalaki ang kanyang tagiliran. Hanggang sa hindi man lang niya namalayan na unhook na ni Enzo ang kanyang suot na bra. Mariing napapikit si Sofia nang pinaggapang ng binata ang mga kamay nito na nasa loob ng kanyang blusa. At dahan-dahang nilalamas ang kanyang naglalakihang mga bundok. Mariin niyang tinakpan ang kanyang bibig sa kanyang mga kamay para hindi kumawala ang kanyang malakas na ungol. Ngunit tila nabuhusan ng malamig na tubig si Sofia at muling bumalik ang kanyang katinuan nang marinig ang tinig ni Aling Melinda. “Sofia, nakita mo ba si Enzo?” Nagmamadaling inayos niya ang kanyang natabinging blusa. Tila nga magnanakaw ang dalawa na takot mahuli ng may-ari. Sinunod niyang sinuklay ng kanyang mga kamay. Ang magulo niyang buhok. Nang tingnan niya si Enzo kumindat lang ito sa kanya at sumenyas pa ng isang halik kaya inirapan niya ito. “O! nandito ka na pala Enzo. Saan ka ba ng galing? Na saan na si Lando.” “Umalis na tita gwaps. Nagbago na ng isip. May haharanahin pa raw silang iba.” “Naku, mga bastos ang mga batang ’yon. Mabuti na lang umalis na sila. Sofia, bakit parang hiningal ka yata?” Nanlaki ang kanyang mata. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. “Ah, tita gwaps. Wala naman nangyari kay Sofia. Nag-practice lang siya ng inhale exhale kanina. Para maging malusog ang kanyang baga.” “Ah, ganoon ba. Naku ipagpatuloy ninyo 'yan. Tama at lumanghap kayo ng sariwang hangin.”Lihim na natatawa si Sofia sa kalokohan ni Enzo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD