bc

WILD DESIRE (R18+ SPG)

book_age18+
782
FOLLOW
2.6K
READ
revenge
friends to lovers
drama
sweet
bxg
lighthearted
first love
punishment
gorgeous
wild
like
intro-logo
Blurb

Isang pag-ibig na wagas, wawasakin ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Sofia Angheles, isang dalagang ang puso'y ibinigay na kay Lorenzo Villaflor. Ipagbibili siya ng kan'yang Auntie Milet sa matandang mayaman. Kahit lumaking mabait at masunurin, matututo siyang lumaban at sumuway sa ngalan ng pag-ibig. Ngunit dahil sa kasakiman ng ibang tao, sapilitan siyang malalayo sa lalaking kaniyang pinakamamahal.

Lorenzo Villaflor, umiikot lamang ang kan'yang mundo kay Sofia. Ngunit sa kabila ng lahat, nagawa pa rin siya nitong saktan at ipagpalit sa matandang mayaman. Ang kaniyang mga luha ay napalitan ng pagkamuhi na papatay sa apoy ng pag-ibig na minsan niyang inilaan sa isang inosenteng babae na ngayon ay itinuturing na niyang basahan.

Sa kanilang muling pagtatagpo, kakayanin ba nilang labanan ng pag-ibig kung magkasama sila sa iisang bahay? Paano kung ang dating lalaking minahal ay kaniya nang step-son, lilinisin pa rin kaya ni Sofia ang kaniyang pangalan kay Lorenzo para sa pagmamahal na wala nang katiyakan?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE Nagmamadaling naglalakad pauwi si Enzo habang tinatahak ang makipot na daan sa kanilang inuupahang silid ni Sofia. Magkadikit-dikit ang mga bahay roon. Maingay, maraming tambay sa kanto at mga batang naglalaro sa daan. Tagaktak pa ang pawis sa kanyang noo galing pa lamang siya sa kanyang tinatrabahuan na constraction site. Hindi nakapagtapos ng high school kaya sa paging helper ng constraction siya bumagsak. Pero kahit ganoon pa man nagsisikap siya upang maibigay ang magandang buhay para sa kanyang pinakamamahal na babae si Sofia. "Sofia, mahal. Nandito na ako!” nasa hagdanan pa lamang siya ay tinatawag na nito ang pangalan ng kanyang mahal. Ngunit wala man lang sumasagot sa kanya. “Mahal,” tawag niyang ulit nang tuluyan na siyang makapasok sa maliit na silid na kanilang nirentahan. Apat ang silid sa bahay na iyon at may kanya-kanyang umupa sa halagang isang libo at isa roon Enzo at Sofia. At sa ibaba naman ay mayroon din itong apat na silid. Tila ilang daang dekada na ang nakalipas ay hindi pa rin nagawang ipaayos ng may-ari dahil isang tadyak lang ng dingding ay magigiba na ito. “Mahal ko, na saan ka?” pangatlong tawag sa nito sa kasama ngunit walang sumasalubong sa kanya. Nakasanayan na niya ang masayang mukha ng katipan ang bumungad sa kanya pagdating niya galing trabaho. Ngunit iba sa araw na ito dahil walang Sofia ang sumasalubong sa kanya. Nagmamadali niyang hinubad ang itim na tshirt na puno ng alikabok ng semento bago tinungo ang kanilang katri na tinatakpan lamang ng kurtina. Buong pag-akala natulog lamang ito ngunit wala rin doon ang dalaga. Pagod siyang umupo sa mono block chair at naglagay ng tubig sa baso. Hinihintay lamang niya ito baka may binili lang sa labas. Labis siyang nababahala dahil ilang oras na siyang naghintay sa katipan ay hindi pa rin ito bumalik. Saktong paglabas niya ng pintuan sa kanilang silid ay siya ring pagbukas ng pinto sa katapat nilang silid. “Aling Myrna, nakita niyo po si Sofia?” puno ng pag-aalalang tanong ni Enzo sa babae. “Oo, nga pala Enzo, may edad na babae at matandang lalaki ang nakasalubong ko kanina sa may labasan. Mukhang mayayaman kasi may magarang kotse silang dala. Tinanong nila sa akin kung kilala ko raw si Sofia. Hindi na ako nagdalawang isip na sabihin sa kanilang inuupahan ninyo.” saad ng Ginang. "Bakit ninyo sinabi sa kanila kung na saan kami!” hindi mapigilang magtaas ng boses si Enzo. “Ano ba ang problema mo roon? Ilang sandali lang naman silang nanatili sa loob at pagkatapos nakita ko ng kasama nila si Sofia na umalis. May bitbit itong gamit,” tila binagsakan ng lupa si Enzo sa kanyang narinig na niniwala siyang hindi iyon gagawin ni Sofia sa kanya. "Sandali Enzo may pinabibigay pa lang sulat sa iyo si Sofia bago siya umalis,” Dinukot ng ginang ang isang pirasong papel sa kanyang bulsa at binigay kay Enzo. Nanginginig ang kanyang kamay na tanggapin iyon. "Oh, siya. Aalis muna ako. May pupuntahan pa ako.” hindi niya nilungon ang ginang at kaagad binuklat ang kapirasong papel at binasa ang laman. Dear Enzo, “Enzo, huwag ka ng mag-abalang hanapin ako. Sumama na ako kay tiya at Don Reynaldo. Hindi ko na kaya ang hirap na nararanasan ko sa piling mo. Hindi iyan ang buhay na pinangako mo sa akin. Nahihirapan na ako. Kaya nagpasya na akong pumayag sa gusto ni tiya na magpakasal kay Don Reynaldo. Dahil alam ko kahit ano'ng gawin mo ay hindi mo pa rin maibigay sa akin ang mga bagay na gusto ko. Hindi mo ako mabubuhay sa pagiging constraction worker mo. Sana maintindihan mo kung nais ko lang na magkaroon ng maganda at masaganang buhay. Sofia Kuyom ang mga kamao matapos mabasa nito ang sulat. Nilakumos niya ang papel at hinayaang dumaloy sa ang luha sa kanyang pisngi. Nanghihina ang kanyang tuhod. Samoʼt sari ang kanyang nararamdaman. Sakit at galit ang lumukob sa puso. Hindi niya akalain na ang babaeng pinakamamahal ay nagawa siyang talikuran at ipinagpalit sa matandang mayaman. Naniniwala siya na mahal siya ng dalaga. Ngunit kasinungalingan lamang pala ang pinakita nitong pagmamahal at paglalambing sa kanya. Marahas niyang pinahid ang kanyang luha sa pisngi. Galit na nilasan ang kanilang silid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook