Kaagad na sinusunod ni Sofia ang utos sa kanya ni Milet. Napangiti pa siya habang nagtitimpla ng juice para sa kanilang panauhin. Pinaghandaan talaga ito ng kanyang tiyahin ang pagdating ng kanilang bisita dahil talagang napabili pa ito ng mate-templang juice.
Ngunit kaagad din napalis ang ngiti sa labi ni Sofia, nang naramdaman niyang tila may na nonood sa kanyang bawat galaw. Nang napadako ang tingin niya sa sala, nakita niya ang matandang lalaki na hinahagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Kaagad nag-iwas ng tingin ang inosenting dalaga dahil tila na ninindig ang kanyang balahiho dahil sa ginawa ng matanda. Walang dingding sa pagitan sa kanilang kusina at sala kaya tanaw lamang siya sa kung sa kung sino man ang tao sa kanilang munting sala.
Nang napadako ang tingin ni Milet sa kanyang matamis ang ngiting ipinukol nito sa kanya at sininyasan siya na dalhin na ang maiinom. Ngunit naalala niya nawala pala silang yelo.
“Anti, bibili lang ako ng yelo sa labas," saad niya kay Milet nang lumapit ito sa kanya.
“Sige anak, bilisan mo, ha. Nakakahiya kay Don Enreque kung paghintayin natin siya.”
“Okay po, Anti. Mabilis lang po ako.”
Nagnamadali siyang lumabas sa kanilang bahay dahil ayaw niyang baka magagalit na naman sa kanya ang kanyang tiyahin. Labis na kasiyahan ang kanyang nadarama dahil naniniwala siya na ito na ang simula nang kanyang masayang buhay. Lihim siyang nagpapasalamat siya Diyos dahil dininig na ang kanyang mga panalangin.
“Aling Tisay, pabili po ng dalawang yelo," kaagad niyang saad sa may-ari ng tindahan. Nasa labas ito kasama mukhang nakiki-chismis na naman kasama ang isa pang nilang kapit bahay.
“Aba! Mukhang masaya tayo ngayon, Piyang?” saad ng tindira. Ngumiti na lamang siya ayaw niyang sagutin ang tanong nito dahil primerang Marites din ito sa kanilang lugar. Kanina nakikita niya itong panaka-nakang sumisilip sa kanilang bakuran.
“Naku! Paano hindi sasaya ’yan? Aba'y makaahon sa kahirapan. Malapit ng umalis 'yan sa bahay ni Milet at titira na ’yan mansiyon,” segunda ng isang matandang babae. Kainuman at ka-tong its din ito ng kanyang tiyahin.
“‘Yon naman pala, Piyang. Aba’y malapit ka na pa lang magbuhay reyna. Alam mo ba ang sabi-sabi wala ’yang asawa si Don Enreque, wala rin anak. Kaya paniguradong sa’yo maiiwan ang lahat ng yaman. Kung sakaling pakakasalan ka niyan.” Nakangising tugon naman ni Aling Tisay.
Nagsalubong ang kilay ni Sofia sa mga narinig. Nais sana niyang manahimik na lang at ayaw na niyang patulan ito pero baka kung ano pa ang iisipin ng mga taong makakarinig.
“Aling Mila at Aling Tisay , mawalang galang naman, po. Huwag naman po tayong makalap ng ano’ng kwento lalo pa at gawa-gawa lamang po natin. Walang katotohanan. Matanda na ho tayo hindi magandang pamarisan ang magsisinungaling,” tugon niya sa mga chismosa niyang kapitbahay. Hindi niya nais makipag-away kaya nanatiling kalmado ang kanyang boses. Kahit papaano may respeto pa rin siya lalo na sa mga nakakatanda sa kanya.
“Nagbago na po ang Antie Milet ko kaya huwag naman po sana kayo gagawa ng paraan para siraan siya. Pakibigay na lang po ng yelo ko Aling Tisay nagmamadali po ako.”
“Ikaw ang bahala kung ayaw mong maniwala sa amin. Pero matagal na namin alam ’yan na ikaw ang gagawing pambayad utang ng tiyahin mong maduga.” Nakapamaywang na tugon sa kanya ni Aling Tisay bago pumasok sa loob ng tindahan para bigyan siya ng yelo.
“Ay, naku Sofia. Hindi mo ba alam ang totoong dahilan kung bakit biglang may bumisita sa inyong mayaman na matanda?” tanong ng isang matanda na ang pangalan ay Mila.
“Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. At kung ano man ’yon hindi ako interesado. Hindi ko po ugali ang makialam. Isa pa hindi ko naman kilala ’yong matanda." Totoo naman na wala siyang alam kung ano ang pakay ng kanilamg panauhin.
“Kawawa ka naman pala kung ganoon. Akala ko ba pumayag ka na maging pambayad utang? ’Yon kasi ang sabi sa amin ni Milet.” Pasimpleng hinila siya ng matanda sa may gilid. Gusto sana niyang tanggalin ang kamay ng matanda na nasa kanyang braso pero ayaw niyang makalikha ng gulo.
“Makinig ka sa akin, ha. Ang matandang ’yan ay si Don Enrequez, siya ang pinansir ng mga pasugalan dito sa atin. Nagpapautang din siya ng pera at isa na rin doon si Milet. Malaki ang pagkakautang ng tiyahin mo dahil sa sunod-sunod na pagkatalo niya sa sugal. At ikaw ang ginawa niyang pambayad dahil interesado sa’yo ang matanda.” Kumabog ng mabilis ang dibdib ni Sofia. Hindi man niya nais paniwalaan ang matanda dahil baka gumagawa lang ito ng kwento pero may parti ng kanyang isipan na gustong maniwala nito. Ngunit mas nanaig pa rin ang sinasabi ng kanyang puso na hindi magagawa iyon ni Milet sa kanya.
“Pasensiya na po, Aling Mila. Pero hindi po ako naniniwala sa’yo. Hindi naman siguro magagawa sa akin ni tiya Milet ’yan lalo pa at nagbago na ang kanyang pakikitungo sa akin ngayon. Kaibigan mo po ang tiyahin ko pero kung makapanira kayo sa kanya wagas!” mahina ngunit matigas niyang saad. Alam naman niya na puro chismis ang alam ng matandang kaharap. Sa katunayan ilang beses na nga itong napa- barangay dahil sa kahit sino na lang ang ginagawan ng kwento kaya patong-patong na ang records nito sa barangay hall dahil sa kabila-bilang reklamo nito. Kaya bakit naman siya maniwala sa isang primerang pakialamera at chismosang katulad ni Mila?
“Hay, naku! Sofia! Pinagsabihan na kita dahil kung hindi mo alam na ibininta ka pala ng ’yong tiyahin may panahon ka pa para umalis. Kahit ganito ako, kaibigan ko ’yang si Milet naaawa pa rin ako sa’yo. At isa pa, hindi ka ba nagtataka na biglang bumait na lamang ’yang tiyahin mo sa’yo Dahil may malaki kang pakinabang sa kanya. Kapag maikasal ka na kay Don Enriquez bayad na ang utang niya at may makukuha pa siyang malaking halaga. Kaya pag-isipan mo ’yang sinasabi ko sa'yo.”
Mas lalong rumaragasa ang kaba sa dibdib ni Sofia sa tinuran ng matandang kaharap. Hindi niya naiisip kung bakit biglang bumait ang tiyahin niya dahil masyado siyang natuwa sa ipinapakita nitong kabaitan ng kanyang tiyahin sa kanya.
Walang salitang tinalikuran niya ang matanda. Bitbit ang yelong binili niya sa tindahan muling tinahak niya ang makipot na daan pabalik sa kanilang bahay. Katulad kanina sa likod bahay siya dumaan para hindi makakuha ng atensiyon sa kanilang mga bisita. Akmang papasok na siya sa loob ng marinig ang tinig ng kanyang tiyahin na nagsasalita.