CHAPTER 10

1288 Words
“Huwag kang mag-aalala sa pamangkin ko Don Enreque. Hindi tayo magkakaproblema sa kanya dahil paniguradong susunod ’yon sa kagustuhan ko. Bukas na bukas matutuloy ang inyong kasal.” “Ayaw ko ng pangako, Milet. Gusto ko ’yong sigurado. Malaki na ang halagang naibigay ko sa’yo. Alalahanin mo kapag nakasal kami ng ’yong pamangkin, bayad na ang utang mo sa akin at may dagdag pa akong pera na ibigay sa’yo," narinig niyang wika ni Don Enreque. Tila natuod sa kanyang kinatatayuan si Sofia sa kanyang narinig. Nanginginig ang kanyang buong katawan habang malinaw nakaabot sa kanyang pandining ang pinag-uusapan ng kanyang tiyahin at ng matanda. Muntik na niyang nabitawan ang bitbit na yelo dahil sa tila nawalan siya ng lakas dahil sa kanyang nalaman. Pinagtatanggol pa niya ito sa mga kasamahan dahil akala niya nagbago na ang kanyang tiyahin at higit sa lahat hindi nito makakayang gawin ang mga tinuran ni Aling Mila, ngunit hindi pa rin talaga niya lubos na kilala ang kademonyohan ni Milet. Pinaniwala lang pala siya nito na nagbago na ang pakikitungo sa kanya para maisakatuparan ang plano nitong ipapapakasal siya sa isang mayamang matanda na hindi man lang niya mahal at higit sa lahat hindi man lang niya nakikilala. Naitakip niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig dahil natatakot siyang marinig ang kanyang pag-iyak. Bumuhos ang masaganang luha sa kanyang mga mata dahil sobrang nasasaktan ang inosenting si Sofia. Naniniwala siya na nagbago na ang pakikitungo sa kanya ni Milet ngunit sa kanyang natuklasan napatunayan niyang wala ng pag-asa na magbabago pa ito. Masyado na itong hayop ang ugali dahil walang matinong tiyahin na kayang ibenta ang sariling pamangkin. Kaagad na tinuyo ni Sofia ang kanyang mga luha at walang inaksaya ng oras, kaagad siyang tumakbo palayo sa kanilang bahay at pinuntahan si Enzo. Wala siyang ibang napupuntahan at mahingan ng tulong kundi ang binata lang. Kailangan niyang makalayo sa kanyang tiyahin. Hindi siya papayag na maikasal sa taong hindi niya mahal at gawing pambayad utang ng kanyang salbahing tiyahin. Sila na lang ang kanyang pamilya at kahit na mahal niya si Milet dahil ito na ang tinuturing niyang ina, ngunit sa pagkakataon ito kailangan niyang manindigan para sa kanyang sarili. Malaki na siya, kaya hindi niya hahayaan na ibang ang tao ang madesisyon para sa kanyang sarili. Sa tanang buhay niya walang siyang ibang iniisip kundi gawin ang mga bagay na mapasaya niya ang kanyang tiyahin. Para lang matanggap siya nito bilang pamilya, ginawa niya ang lahat kahit pa wala ng natitira sa kanyang sarili. Ngunit tila napakahirap na mangyari ang kanyang kahilingan na sana matanggap siya nito, na mahalin din siya ng kanyang tiyahin. Gusto lang naman niyang maranasan na may magmahal sa kanya. Ngunit hindi niya iyon mahanap sa kanyang tiyahin at pinsan, si Enzo lang ang tanging tao na nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya ng totoo. “Oh, babyloves! Bakit ka tumatakbo may humahabol ba sa’yo?” Nagulat si Enzo sa biglang pagdating ng kasintahan. Pawisan at hinihingal sa pagtakbo. Medyo malayo-malayo ang karenderya ni Aling Melinda sa bahay nila Milet kaya pagod na pagod siya nang makarating. “E-Enzo, tu-tulungan mo ako. Ma-maawa ka sa akin. Ayaw ko na rito, Ilayo mo na ako. Handa akong sumama kahit saan mo ako dadalhin basta makalayo lang ako sa lugar na ’to." Umiiyak na saad ng dalaga. Buong pagsusumamo na tumingin siya kay Enzo para pagbigyan ang kanyang hiling. “Sinasaktan ka na naman ba ng demonyita mong tiyahin, ha, Babyloves? Sabihin mo sa akin at ibibigay ko ang kanyang hinahanap!” Hindi kayang sumagot ni Sofia dahil sa hindi niya kayang pigilin ang pagpalahaw ng iyak dahil sa matinding takot. Galit na tinanggal ni Enzo ang kanyang suot na apron para puntahan sana si Milet. Handa niyang ipaglaban ang dalaga, hindi na siya papayag na sasaktan pa nito si Sofia. “Dito ka lang! Ako na ang bahala humarap sa tiyahin mo!” Kaagad na pjnigilan ng dalaga ang kasintahan. Naikuyom ni Enzo ang kanyang kamao dahil sa matinding galit. Kung dati nadadala siya sa pakiusap ni Sofia na huwag na lang makialam ngunit sa pagkakataong ito hindi na niya kayang palampasin ang pananakit nito sa dalaga. Ipinangako ng binata sa kanyang sarili na hangga’t sa abot ng kanyang makakaya po-protektahan at aalagaan n’ya si Sofia. Hindi na niya hahayaan na may mananakit pa kay Sofia. “Enzo, huwag mo na siyang puntuhan. Hi-hindi niya ako sinasaktan. Pe-pero , napag-alaman kong ipapakasal niya ako sa matandang mayaman. Ilalayo mo ako rito ayaw kong ikasal sa taong hindi ko mahal,” Nagkanda utal-utal na tugon ni Sofia dahil hindi pa rin siya tuluyang tumahan sa kakaiyak. “Ano? Hindi pwede na gagawin ’yan ni Milet! Hindi ako papayag na mapunta ka matandang ’yon! Sumama ka sa akin, Babyloves. Ilalayo kita sa tiyahin mong walang kasing sama!” hindi maitago ang matinding galit ni Enzo para sa tiyahin ng kanyang kasintahan. Hindi na magawang magpaalam ni Enzo kay Aling Melinda. Iniwan niya ang kanyang mga hugasin sa karenderya at kaagad na tinungo ang maliit na tirahan ng binata. “Maghintay ka lang dito sa labas may kukunin lang ako sandali, Babyloves." Kaagad na pumasok sa kanyang bahay si Enzo at dinampot ang kanyang alkansiya na gawa sa kawayan. Kinuha niya ang kanyang itak para kunin ang kanyang mga naipong pera. “Matagal ka pa ba?” nahintatakotang sigaw ni Sofia sa labas. Natatakot siya na maabutan ng kanyang tiyahin. Paniguradong walang laban si Enzo sa mga tauhan ng matanda na si Don Enreque. “Sandali lang, babyloves!” tugon ni Enzo. Matapos mabasag ang alkansiya. Iniligay niya ang pera sa kanyang maliit na sling bag. Kumuha rin siya ng iilang pares ng mga damit at inilagay sa itim na back pack at nagmamadaling lumabas na ng kanyang bahay. “Tara na, Babyloves. Baka maabutan pa tayo rito.” Mahigpit niyang hinahawakan ang kamay ni Sofia at hinila paalis. Dahil paniguradong sa mga oras na ito pinaghahanap na ang dalaga dahil kanina pa ito hindi bumabalik. “Saan tayo pupunta, Enzo?” Napuno ng pangamba ang puso ng dalaga dahil hindi ito pinaghandaan ang kanilang ginagawa. Hindi nila alam kung saan sila ngayon pupunta. Pero bahala na, kung saan siya dadalhin ng binata ang mahalaga makakaalis siya sa kanyang tiyahin. “Huwag kang mag-aalala, Babyloves. Nandito ako, hindi kita pababayaan.” Niyakap ng mahigpit ni Enzo si Sofia para maibsan ang nararamdamang takot ng dalaga. Binaybay nila ang short cut na daan na tanging si Enzo lang ang nakakaalam. “Pareng Enzo, ano’ng atin? Mukhang may tinatanan ka yata?” Nakangising saad ng kanyang kaibigan na si Peter. “Saka ko na sasabihin, pare. Pakihatid muna kami sa sakayan ng bus," saad ni Enzo sa kaibigan habang nasa likod lamang si Sofia. Napapailing na lang binatang si Peter. Katulad nang sinabi ng binata sa kanyang hinatid sila sa pinakamalapit na terminal. Walang kasiguraduhan ang kanilang pupuntahan kung saan man sila dadalhin ng kanilang mga paa. Sinilip ni Enzo ang kanyang bag nadala, kunti lamang ang naipon niyang pera para sana pambili ng regalo kay Sofia. Ngunit handa niyang gawin ang lahat komportable lang ito sa buhay na kasama siya. “Enzo, natatakot ako. Paniguradong galit na galit sa akin si Anti Milet kapag nalaman niyang lumayas ako. Sabi nila mayaman ang tinatawag nilang Don Enreque kaya madali lang sa kanya ang ipahanap tayo.” “Huwag mo munang isipin ’yan, Babyloves. Ang mahalaga sa ngayon makalayo muna tayo rito sa lugar natin. Pangako, gagawin ko ang lahat para hindi ka nila makuha sa akin.” Mariing ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata nang hagkan siya ni Enzo sa noo. Kahit paano nagkaroon ng kapanatagan dahil may isang tao siyang nasasandalan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD