chapter 2

1282 Words
“Prrt! Tumigil kayo!” sigaw ng isang mamang police na humabol sa kanila. Walang lingon silang tumatakbo nang mabilis. Habang nagpatianod lamang si Sofia sa batang lalaki na humihila sa kaniya dahil sa lakas ng kabog sa kaniyang dibdib. Pakiramdam niya hindi lumapat ang kaniyang mga paa sa lupa dahil sa bilis ng kanilang pagtakbo. Mariing napapikit ang kaniyang mata nang biglang hinapit siya sa baywang at nagkubli sa bakanteng bahay. Bitak-bitak na ang mga pader at ang semento ay nagsibagsakan na sa sahig. “Shh... huwag kang maingay baka makita nila tayo,” bulong ng batang lalaki sa kaniyang punong tainga. Habang kapwa habol ang kanilang hininga. Medyo yumuko pa ito dahil sa mas matangkad pa ito sa kaniya. Ramdam niya ang mabatong braso na nakapulupot sa kaniyang katawan upang tuluyang magkadikit ang kanilang katawan. Pati ang mainit nitong hininga ay tumama sa kaniyang bonbonan. “Hanapin mo sila. Talagang damo sa lipunan ang mga batang iyon. Pakalat-kalat kung saan. Kahit ilang ulit na natin nahuli at dinala sa center ay tumatakas pa rin ang mga ito.” Tinutukoy ng mga pulis ang mga batang habog na mambiktima ng mga tao. Papalibutan nito ang mga taong bibiktimahin nila upang malito at pagkatapos dukutin nila ang mahalagang bagay ng biktima tulad ng wallet at gadgets na nakalagay sa bag. Pero hindi naman siya batang hamog. Kahit kailan hindi na isipan ni Sofia na tumulad sa mga ito. Dahil natatakot pa rin siya gumawa ng masama. Kahit walang magulang na gumagabay sa kaniya. Alam pa rin niya kung ano ang tama at mali. Nang nasigurado nila na tuluyan ng nakalayo ang mga pulis sa kanilang kinaroonan. Naramdaman ni Sofia ang paglayo ng katawan ng bata. “Hay! Salamat wala na ang mga pulis!” palatak ng kasama nito. “Oh! Ano? Bakit nakatulala ka lang diyan, bata?” Kahit sampung taong gulang pa lamang siya. Alam na niya paano e-appreciate ang mga taong gumagawa sa kaniya ng mabuti . Kaya laking pasasalamat niya may katulad niyang bata na nagmamalasakit sa kaniya. Dahil kung hindi tiyak sa center ng DSWD siya pupulutin. Namangha si Sofia sa kaniyang nakita. Dahil angkin nitong kaguwapohan. May kulay asul itong mga mata at kahit madungis itong tingnan halata pa rin ang mamula nitong balat dahil sa pagbibilad ng init. Nagtatatrabaho sa kabarit noon ang mama ni Enzo. Nakatagpo ng parokyanong amerikano. Naging costumer na niya ito at hanggang magjowa ang dalawa. Ang akala nang ina nito na aasenso na ang kanilang buhay kapag makatuloyan na ang amerikanong nobyo at makapunta na sa ibang bansa. Dahil iyon ang ipinangako sa kaniya ng lalaki. Hanggang sa mabuntis ito at bumalik na ng america ang nobyo nangako na babalikan siya nito at pagbalik dadalhin na sila sa america. Ngunit na ipanganak na lamang si Enzo hindi na sila binalikan pa. Nakasama ni Enzo ang kaniyang ina noong siya ay limang taong gulang pa lamang. Ngunit maaga itong nabawian ng buhay kaya nag-isa na lamang ito sa buhay. Nagpalaboy-laboy sa lansangan. Nakailang ulit ng nahuli ng mga pulis at nakailang balik na ito sa center. Pero ayaw manatili sa loob ni Enzo dahil may mga ilang nagbabantay sa kanila na mananakit at minsan palapisan sila ng gutom. Kaya marami sa kanila ang tumatakas. Napapitlag si Sofia nang niyugyog nito ang kaniyang balikat. “Hoy! bata taga saan ka ba? Wala ka na rin bang mauuwian pa?” tanong nito sa kaniya habang ngumunguya ng buble gum sa bibig. “Ah! eh, may bahay akong tinutuluyan. Kasama ko ang tiyahin at pinsan ko.” tugon niya rito. “Ako nga pala si Lorenzo. Pero ang tawag nila sa akin Amboy. Iyong iba naman Enzo.” saad nito habang ngumunguya pa rin ito ng buble gum. Kapag kuwan iniluwa ito sa kaniyang kamay at idinikit sa bitak na pader.At kumuha ng panibagong V-fresh na buble gum sa suot nitong gusgusin na short. “A-amboy? Bakit naman Amboy ang tawag ng iba sa iyo?” nakakunot ang noong tanong ni Sofia sa batang lalaki. “Hay, naku! Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng Amboy? Tingnan mo ang hitsura ko? ’Di ba para akong amerikano? Nagmana kasi ako sa tatay kong kano. Pero hindi naman kami binalikan noon ng nanay.” may himig nanglungkot ang tinig nito. “Ah, ganoon ba? Hindi ko kasi alam ang ibig sabihin ng Amboy.” Napakamot ito sa ulo. “Sa-salamat Amboy, ha. Mauna na ako. Kailangan ko pa kasi maghanap ng pagkakitaan baka magalit na naman si Anti kapag wala akong maiabot na pera.Sasaktan na naman ako.” “Sinasaktan ka ng Anti mo?” gulat na tanong nito sa kaniya. “Napakamalas mo naman.Mabuti na lang wala akong tinutuluyan. Nag-isa lang ako.” Napayuko si Sofia sa kaniyang ulo dahil totoo naman na malas siya sa kaniyang mga pinsan at Anti. Napansin ni Enzo na tila naluluha ang kaharap kaya iniba na lamang niya ito ang usapan. “Pero bata ano’ng pangalan mo?” pigil ng batang lalaki sa kaniya. Nang akmang tatalikuran na niya ito. “Sofia ang pangalan ko. Sampung taong gulang na po ako. Sa-salamat ulit, Amboy. Pero aalis na talaga ako maghahanap na ako ng mapagkakitaan.” “Oy, teka. Piyang. Huwag mo muna akong tatalikuran.” Naningkit ang mata ni Sofia sa tinawag ni Amboy sa kaniya. “Hindi naman Piyang pangalan ko. Sofia! Hindi mo ba ako narinig?” “Alam ko! Pero mas gusto kong tawagin ka na Piyang. Isang taon lang pala ang matanda ko sa iyo.” Inirapan niya ito dahil hindi nito gusto ang pinalayaw sa kaniya ni Amboy at muli na sana siyang tumalikod. Ngunit napatigil siya dahil sa lakas ng tunog ng kumukulo niyang sikmura. Napahawak tuloy siya sa kaniyang impis na tiyan. Ngunit namula ang kaniyang pisngi ng bumulunghalit ng tawa si Amboy. “Gutom ka na pala. Halika! Sumama ka sa akin.” “Oy, teka. Saan mo ba ako dadalhin?” reklamo niya sa kasama. “Huwag ka na ngang magreklamo diyan! Sumunod ka na lang sa akin.” Walang nagawa si Sofia nang hatakin ulit nito ang kaniyang kamay papasok sa may maliit na karenderya. Nag-atubili pa siyang pumasok noong una ngunit nang maamoy nito ang mabangong pagkain. Hindi na siya nagdalawang isip pa na sumunod kay Amboy. “Halika ka na huwag ka ng mahiya sa akin,” saad ni Amboy at pinaupo siya sa pulang stole paharap sa maliit na mesa. “Aling Melinda! Pahingi ng dalawang kanin at piniritong isda. Bigyan mo rin kami ng sabaw, ah!” tawag pansinin ni Amboy sa nagbabantay at kinindatan pa nito ng lumingon ang ginang. “Amboy, ikaw talagang bata ka. Ginawa mong charity itong paninda ko. Sino ba iyang batang kasama mo?” sita nito kay Amboy nang makalapit ito sa ginang at naiwan sa upoan si Sofia. “Chika babe ko iyan. Maganda ’di ba?” Bahagya pa itong lumapit sa ginang at mahinang bumulong. “Naku! Ikaw talaga, Amboy! Kay bata-bata mo pa marunong ka na sa mga ganiyan! Akin na nga bayad mo para makakain na kayo!” saad ng Aling Melinda sabay lahad sa palad nito. “Aling Melinda naman. Parang hindi mo ako kilala.Wala pa akong pera sa ngayon. Pero huwag kang mag-alala ako ang bahala sa mga hugasin mo mamaya. Kayang-kaya iyan ng mga masel ko!” pagmamayabang pa nito. At ipinakita pa ang dalawang braso nito. “Nahala! Umupo ka na roon! Ako na ang bahala sa pagkain ninyo!” “‘Yan ang gusto ko sa iyo, Aling Melinda. Hindi ka lang maganda. Madali ka pang kausap.” “Tse...ang batang itong napakabolero talaga.” Naiiling ng tugon ng ginang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD